" ate anna nawiwiwi po ako." Napatingin ako sa isang batang lalaki na kaseng tangkad lang ni molly na katabi lang ni anna. Kanina pa kami nakaupo, kanina pa nagsimula ang misa sa kapilyang ito. Madaming dumagsang mga tao kaya minsan umiingay.
" Makoy samahan mo muna si bang, hindi ako pwedeng umalis baka ako'y hanapin ni madre teresa." Rinig kung sambit ni anna sa Isang binatilyong nasa kaliwa niya na nakatayo.
" Inuutusan ako ni nika, hindi kosiya masasamahan, ate. " Napabaling ako ng tingin sa nagmamaktol na batang si bang sa gilid ni anna.
" Ohh siya halika na muna sa labas---"
Agad akung tumayo sa kinauupuan ko siyaka sila nilapitan. Napatingin sa akin sila anna.
" May kailangan kaba selestina?"
Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya. Nilingon ko ang batang si bang.
" Ako na ang sasama sa kaniya sa labas, naiinip nadin kase ako dito sa loob." Ilang saglit niyakong tinitigan bago tumango. May kinuha siya sa dala niyang tela na inipit ipit niya sa kaniyang mga palad.
" Kung nagugutom kayo bumili nalang muna kayo ng makakain niyong dalawa, mamaya pa matatapos ang misa. " Kinuha ko ang iniaabot niya sa akin bago ko hinawakan sa kamay ang batang si bang. Nakabungisngis siyang bumaling ng tingin sa akin bago kami lumabas ng kapilya.
" Ate! Ate sasama ako!" Rinig kung sigaw ni molly, agad namin siyang hinintay. Nang makalapit siya sa amin ay humawak lang siya sa kamay ni bang.
Napaka cute nilang dalawa.
"Ate, doon kanalang po maghintay sa amin." Napatingin ako sa itinuro ni molly. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.
Ang punong iyon.......ayun yung punong pinagtambayan namin ng kapatid kung si nadine.
Nang balingan ko sila molly at bang ay nakalayo na sila sa akin, naglakad sila sa gawi kung saan may isang kubong nakatayo pero hindi naman iyon mukhang maliit. Susunod sana ako kaso hindi ko nalamang ginawa, sinunod ko ang sinabi ni molly. Lumapit ako sa puno kung saan siya nakatayo.
Kamuntikang pakong madulas nang makalapit ako sa tabi ng puno. Napabuga ako ng malalim na hininga bago umupo sa tabi, madamuhan naman konti kaya hindi madudumihan ang aking bistidang suot.
Siguro ay kamukha lang siya ng punong iniisip ko. Magkatulad talaga sila pero may pinagkaiba ngalang dahil mapayat ang isang to. Masyado ding makapal ang mga dahon nang punong ito kaya magandang tambayan ito.
Napatingin ako sa gawi nang pintuan ng kapilya kung saan may nakita akung lumabas na tatlong lalaki. Simple lang ang suot nila pero hindi katulad nang suot namin. Simple ngalang pero ang mga suot nila ay naghihiwatig na galing sila sa mayamang pamilya.
Nangunguna sa kanilang maglakad ang lalaking mas matangkad sa dalawa nang konti. Nagkibit balikat nalang ako siyaka ko pinasadahan ng tingin ang hawak kung pera. Ang perang ibinigay sa akin ni anna. Hindi ko alam kung saan kami bibili nang makakain pero sana naman ay may mabilhan kami dahil ni wala akung nakitang tindahan noong papunta namin dito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Pinakaramdaman ko ang malakas na hangin na tumatama sa mismong balat ko. Mahangin din sa pwesto banda dito sa may puno.
Naisipan ko sanang tanggalin ang aking panaklob sa mukha pero naalala konga pala ay pingbawalan akung tanggalin ang telang naka taklob sa aking mukha.
Magmumukha nakung ewan!
Ilang minuto lang akung naghintay sa dalawa bago ko ulit sila nakitang kumakaway sa akin. Agad nakung lumapit sa gawi nila.
YOU ARE READING
Wake up Selestina
RandomSa sakit na meron si selestina madrigal, hindi niya inaasahan ang magiging kapalaran niya, sa kanilang paglipat sa bagong tahanan may pagbabagong mangyayari dahil sa kaniyang sakit, siya'y mapupunta sa Isang mundo na kung saan ay maaring habang buha...