Unti-unti kung iminulat ang aking mata. Napakurap-kurap pako dahil nadin sa liwanag na tumama sa mismong mata ko. Dahan-dahan akung bumangon sa aking pagkakahiga.
Teka.... Anong oras naba.
Tatayo na sana ako subalit ng ma realize ko biglang nanlaki ang aking mata. Agad kung inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng paligid.
Napatulala ako sa hangin ng makita ang kabuuan or should i say isa itong silid, napatigil ang aking mga mata sa isang painting. Napanganga ako sa sobrang Ganda ng bagay na iyon.
Agad kung iwinaksi ang aking nasa isip at agad na napatingin sa salamin na nasa gilid ko lamang. Doon ko nakita ang reflection nang aking sarili. Namumugto ang aking mga mata pati ang mga labi ko ay namumutla at tuyong-tuyo ito. Napansin koding iba na ang aking suot hindi tulad nung suot na huli kung maalala, dapat ay basang basa ako subalit bakit ganon parang walang nangyari? Tanging ang mukha kulang ang may problema.
"Nakita namin ang babaeng iyon sa tabi ng ilog nay Mercedes, maputik din ang kaniyang suot." Rinig kung boses nang kung sino. Napatingin ako sa pintuan ng silid nato. Naririnig kodin ang mga yapak na papunta sa kung nasan ako ngayon.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla nalamang iyon bumukas, ngumunot ang noo ko na may pumasok na dalawang babae ngunit ang isa sa kanila ay may edad na. Nang magtama ang mga mata naming tatlo ay agad silang natahimik.
Napatayo kaagad ako sa pagkakaupo siyaka sila pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakapagtaka bakit sila nakasuot ng pang madreng kasuotan e ang naalala ko wala namang simbahan malapit sa bahay namin.
"Sino kayo?" Agarang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Isa ako sa tumulong sa iyo, ako si anna. ito nga pala si nay mercedes... Ikaw anong pangalan mo?" Pagpapakilala nung mas batang babae na parang kaseng edad lang ni ate.
" Ako si selestina.... Selestina madrigal po. " Pagpapakilala ko sa aking sarili, tumango-tango sila sa aking sinabi.
" taga dito kaba sa lugar namin, iha?" Ngayon ang may edad nang babae ang nagtanong sa akin.
Sasagot na sana ako subalit nang maalala ko ay hindi ito ang lugar kung saan ako nahimatay, ang pagkakatanda ko nahimatay ako sa daan pero bakit Ang pagkakarinig ko sa sinabi ng kaseng edad ni ate na sa tabing ilog nila ako nakita.
Bumuntong hininga ako bago ko balingan ang pintuang nasa likudan nila.
"Pwede ba akung lumabas?" bahagyang tanong ko sa kanila. Nagkatitigan silang dalawa na para bang naguusap gamit ang kanilang mga mata. Ilang saglit pa tumango ang kaedaran ni ate.
"Nagugutom kana siguro, halika sasamahan kita sa hapag-kainan." Sinenyasan niyakong lumapit kaya kahit gulong gulo ako ay hindi nako nagmatigas pa. Napatingin ako sa iilang mga kababaihan na nadadaanan namin nang makaalis kami sa silid. napatingin payung iba sa amin na may pagtataka sa mga kaniya kaniya nilang mukha.
"Sino siya?"
"Ayan ba'yung nakita nila sa ilog?"
"Oo, siya yata yun."
"Ang ganda niya."
"Sinabi mopa."
"Sino yang babaeng yan?!"
"May bago nanamang ampon?!"
" Namumutla siya, siguro napakahina ng pangangatawan niya."
" May sakit basiya? Mukha siyang may sakit!"
Rinig ko ang kanilang mga bulong bulungan na kahit kailan ay hindi mawawala sa Isang tao, sanay nako sa ganyang mga bagay.
Pilit ko nalang hindi pinapansin ang kanilang mga pinagsasabi, humina lang ang mga yon nung makalayo-layo kami sa kanilang lahat.
YOU ARE READING
Wake up Selestina
RandomSa sakit na meron si selestina madrigal, hindi niya inaasahan ang magiging kapalaran niya, sa kanilang paglipat sa bagong tahanan may pagbabagong mangyayari dahil sa kaniyang sakit, siya'y mapupunta sa Isang mundo na kung saan ay maaring habang buha...