"Hey Marj, Ralf told me that you're here in Olongapo. Sama ka?"
Tanong ng nasa kabilang linya. It's Lea, a friend of mine.
"Where?" Tanong ko naman.
"Somewhere in Magsaysay. You know, a little chit chat with our high school friend."
Kararating ko lang sa terminal. Bumiyahe ako mula Manila hanggang dito sa Olongapo. Rush hour no'ng umalis ako sa Manila kaya kahit chance passenger na lang at standing pa, pinatos ko na. Sayang 'yong oras kung pipila pa ako sa pagbili ng ticket at maghihintay pa ng ilang oras para makabyahe. Gusto ko kasing makasama 'yong boyfriend ko bago ko malaman 'yong result ng board exam. Tonight is the releasing of the result. Ayoko namang family ko kasi what if I fail? Parang hindi ko yata kaya 'yon kaya naman si Paul ang gusto kong makasama. He was with me during the examination days kaya sana siya din 'yong gusto kong makasama sa paghihintay ng result. Kinakabahan pa ako and I don't want to see my family yet. Lalong lumalakas 'yong kaba ko eh.
Ang kaso that stupid jerk is beach partying with his bitchy ex-girlfriend! Kung hindi ko pa nakasalubong sa terminal 'yong mga kasama nila sa beach na pinuntahan nila, hindi ko pa malalaman. Kaya pala hindi niya sinasagot 'yong tawag ko.
I was about to ride a jeepney para sundan siya when I picked up Lea's call.
"Hey, still there? We know na ngayon 'yong result night and I know hindi mo kayang maghintay kasama sila Tita, kaya tara na. Let's celebrate."
Medyo nagcalm down ako no'ng maalala ko na ngayon nga pala 'yong result night. Ayoko namang malaman 'yong result habang may sinasampal at sinasabunutan ako. Ilang minuto na lang, magiging ganap na akong professional. I won't step down to the bitches level.
Kaya imbes na sumugod sasama na lang ako kila Lea. At bukas na kami magtutuos ng Paul na yan!
"Yeah. Still here. Inayos ko lang 'yong bag ko. Where are you? Nasa terminal ako," sabi ko na lang sa kaniya.
"Here at Jollibee Lot 21. Punta ka na. Dito 'yong meeting place."
"Okay sige. I'll be there in 15 minutes. Sana lang hindi huminto hinto 'yong yellow na jeep."
"Ingat Marj!"
"Sige, bye."
I ended the call.
Isang travelling bag at back pack 'yong dala ko. Medyo mabigat pero keri lang. Masama 'yong loob ko. Kaya kong tiisin lahat kapag ganto 'yong kondisyon ko.
Napakawalanghiya nila! Okay lang naman eh kung nagpaalam siya, kaso hindi! At okay lang din sana na umalis siya kung hindi 'yong epal niyang ex-girlfriend 'yong kasama niya! Kumukulo talaga 'yong dugo ko. Pero kalma lang ako. Ilang minuto na lang, professional na ko.
Naghintay naman ako agad ng jeep na medyo puno na. Ang babagal kasi ng jeepney dito. Kapag wala silang sakay kada kanto hihintuan nila. Walang traffic dito sa Olongapo, sadyang mabagal lang 'yong mga dilaw na jeep.
Nakailang beses akong text kay Paul habang nasa jeep. Hindi ko mapigilan 'yong sarili ko. Nakailang missed call na rin ako pero hindi niya talaga sinasagot. Pwes, kung magpaparty siya ngayon, magpaparty din ako! Bwisit siya!
Matapos ang halos bente minutos, nakarating na ko sa Jollibee Lot 21. Maraming tao, friday night kasi. Araw ng gimmick ng mga estudyante. Buhay na buhay 'yong mga club at bar.
Pagpasok ko sa Jollibee agad kong natanaw si Lea. Kasama niya sina Judith at Leilanie, mga dati ko ring kaklase no'ng high school. Nando'n din 'yong mga taga-kabilang section dati.
"Marj! Here," umusog si Lea at naupo naman ako sa tabi niya. "Marami ka palang dala." Sabi niya.
"Oo eh. Kararating ko lang galing Manila." Sagot ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/40852145-288-k914502.jpg)