How to Love a Fangirl
*Mas maganda kung kahit paano mag eeffort kang kilalanin ang Bias nya. In that way,matutunan mong intindihin ang mga bagay na pinahahalagahan nya.
*Alamin mo ang pagkakaiba ng Ichiban, Niban at Segway.
*Mag-trabaho/ Mag-ipon ka ng mabuti dahil hindi biro ang presyo ng mga bagay na makakapag-pasaya sa kanya.
*Siguradong magiging memorable para sa kanya kung sasamahan mo sya o sila ng mga kaibigan nyang mag-fangirling kahit minsan.
*Tandaan mo kung kailan ang Birthday, Career Debut at Agency Entry ng Bias nya. Dahil siguradong mas importante pa yun kaysa sa Anniversary nyo.
*Kapag sinabi nyang hindi sya green minded, wag kang maniniwala. Pero hindi yun dahilan para hindi mo sya respetuhin.
*Lagyan mo nang Fave Japanese/Korean songs/videos nya ang mp3/player/PSP mo, para pag na-bore syang kasama ka, may solusyon ka na.
*Huwag kang magtataka kung hindi picture mo/nyo ang nasa wallet o CP wallpaper nya, Normal lang yun.
*Kahit kailan, 'wag mong susubukang sabihin na mas gwapo at magaling ka sa Bias nya, Mababasag ka lang. Madudurog ka pa.
*'Pag alam mong may load sya pero hindi ka nya tinitxt, huwag kang mag-isip ng kung ano. May activity lang sa FC clan yan panigurado.
*Kapag chineck mo sya kung natutulog na sya, at sinabi nyang matutulog na sya, itxt mo sya ulit ng "Wag kang masyadong magpupuyat sa kapapanood nyan. Itxt mo 'ko pag totoong matutulog ka na =)"
*Kapag alam nong concert season ng Bias nya. Itreat mo sya ng masasarap na pagkain, dahil siguradong hindi na sya kumakain ng maayos kaiipon para sa con goods.
*Kapag nakita mo syang irritable, unusual, malungkot at wala sa sarili, wag kang mag-aalala, wala kang kasalanang nagawa, malamang sa malamang may hindi lang magandang rumor si Bias. Kaya i-comfort mo sya by saying this, "Rumor lang yun, Baka may bago lang syang project kaya ganun."
*'Wag mong susubukang hindi sya payagan sa mga lakad na may kinalaman sa Bias nya. Hihiwalayan ka nyan, with the reason of "Hindi pa tayo, Fangirl na 'ko!"
*'Pag sinabi nyang pupunta sya ng gathering, kahit na napipilitan, samahan mo sya. Dahil siguradong gagabihin sya ng uwi, sige ka!
*Huwag mo nang ipangako sa kanya ang buong mundo, Japan lang okay na.
*Matuto kang tanggapin na kahit kailan hindi mo mahihigitan si Bias sa puso nya. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi ka nya mahal.
*Mahal ka nun~ the mere fact na sinagot ka nya...Mahal ka nun.
