"Hi, Miss."
Napa-angat ako ng tingin ng may lalaking nagsalita.
"Can you do me a favor?"
Anong ginagawa niya dito?
"Please? Upo na ako ha."
Awtomatikong napatingin ako sa ibang table, bakit sa dinami-dami ng lamesa dito pa niya naisipang makiupo. Sabagay may pabor nga naman siyang kailangan, sinong hihingan niya ng tulong sa mga bakanteng lamesa? Nilipad na yata iyong utak ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Nanginginig kong kinuha iyong aking bag sa kabilang upuan.
"Salamat."
Pasimple ko siyang tiningnan kaso biglang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
Agad akong nagbaba ng tingin, kagat-labing sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ko pa siya sinulyapan.
"Busy ka ba? Magpapatulong sana ako eh."
What on earth is happening? Hindi ko alam kung swerte ba ako ngayon o ang malas ko lang? Swerte kasi sa dinami-dami ng taong paghihingan ng tulong ni Clark, ako pa iyong natyempuhan niya o malas kasi sa dinami-dami ng taong paghihingan ng tulong ni Clark, ako pa ang iniistorbo niya? Nothing makes sense right now.
Clark Mendez. My ex. .. Ex-bestfriend.
Bitter ako sa kaniya. Biruin mo ba naman, ipinagpalit iyong sampung taon naming pagkakaibigan para lang sa walang kakwenta-kwentang babae. Nakakairita. Ako na nga iyong sinabunutan ng walanghiya niyang ex-girlfriend, ako pa iyong inabandona. Oh tapos ano? Pagkatapos ng isang linggo, hiniwalayan din siya ng babae na 'yon.
Simula noon, tinapos ko na ang aming pagkakaibigan. Bahala siya sa buhay niya. Kaniya-kaniya na. Pero dahil mabait ako, kinakausap ko pa rin naman siya kapag kinakausap niya ako pero hindi na nga lang katulad noong dati. At isa pa, kakausapin lang naman ako ng mongoloid na 'to kapag may kailangan siya.
"Anong kailangan mo?"
"Tulungan mo naman akong mag-rehearse oh."
"Busy ako."
"Pau, please."
"Lumayas ka sa harap ko. Busy ako."
"Pau, bumagsak ako eh."
"WHAT?" Awtomatikong tumirik iyong mga mata ko. Kahit alam ng parents niyang hindi na kami magkaibigan ngayon, sa akin pa rin siya inihahabilin.
"I need to rehearse this. Kinakabahan kasi ako."
"Tsk. Ano ba 'yan?"
"Maiksi lang 'to, promise. Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin."
"Okay. Dalian mo."
"Promise?"
Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Mag-promise ka muna, Pau, na tatapusin natin 'yong rehearsal hanggan sa dulo. Nakasalalay 'yong buhay ko dito."
"Promise. Promise. Dalian mo. Naaalibadbaran na ko sa'yo."
"Here, wear this." Walang pasabing inabot niya iyong mukha ko at saka isinuot iyong maskarang papel. "Huwag mong tatanggalin. Kailangan kong mafeel na actual na 'tong ginagawa ko."
Daming alam. Ilang minuto na ng buhay ko ang nasayang dahil sa lalaking 'to.
"Pau, may aaminin ako. Actually, I'm going to confess to someone. Please pretend to be her."
"ANO?" Iritang napasigaw ako.
"Hey, calm down."
"How am I going to calm down?"
"Just inhale and exhale. You will calm down. Unless, nagseselos ka?"
"Eh kung sapakin kaya kita?"
"Then, help me."
Nagrerebelde iyong damdamin ko. He was my bestfriend. Sanay ako na nasa akin lang iyong atensyon niya. Sabi ko naman sa inyo diba, bitter pa ko sa kaniya.
Pero lilinawin ko rin na wala akong gusto sa kaniya. WALA.
"Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula pero na-realize ko na lang na gusto na pala kita. (Nakakainis.) Na sa tuwing ngingiti ka, napapangiti rin ako. (Nakakabwisit) Na kahit sa malayo lang kita nasusulyapan, mas nare-realize kong mah—"
Hindi ko na 'to kaya.
"You know what Clark, wala akong panahon sa ganitong baga—"
I was dumbfounded when I saw the mask.
Nakita ko iyong sarili ko.
~*~
A/N: Practice lang :D Namiss ko kayo! :) Sa mga makakabasa, please pa-comment naman ng opinion niyo sa ginawa ko :) Criticism will make me a better writer, kaya wag po kayong mahiyang husgahan yung mga isinusulat ko. Thank youuu!
![](https://img.wattpad.com/cover/40852145-288-k914502.jpg)