Chapter 2: Fate

3 0 0
                                    

Where The Night Meets Us

Authors note:
        Hello everyone! Medyo mabi-busy po si author sa pag publish ng chapter. Kasi, malapit na po exams namin, and kailangan ko po magreview para makapasa hihi. Pero itra-try ko pa rin pong mag publish ng chapter. Thank you! Please follow my account^^

    Chapter 2: Fate.

         Next day.

   Putragis! Bakit ba si Rio palagi nasa isip ko?

Umagang-umaga siya yung unang nasa isip ko. I miss mama and papa na. Mom would wake me up early in the morning. But who wakes me now? No one.

Hirap talaga pag magisa ka lang sa bahay.

Another day, another kupal na makikilala.

May pasok nanaman, pinaka ayaw ko talaga sa lahat yung may pasok na. Like, i hate people, i hate society.

Wala akong choice kundi pumasok, kasi para 'to sa akin e. For a better education. Ay wow, nag english.

Inihanda ko na sarili ko, naligo, nagbihis, kumain, at inayos ang aking sarili.

A bit of makeup, I don't like wearing too much makeup, though.

Umalis na ako sa bahay at nilock yung pinto, walang tao sa bahay e.

I walked into the streets, seeing the students walk by to the streets. They're in the same uniform as me.

After a few minutes of walking, i finally arrived at the Oxford Academy.

I never knew that this school was big, palibhasa mga mayayaman nandito e.

By the way, are you thinking na kung sino nag enroll sakin dito? It's my auntie from Leyte. Later, uuwi na siya sa bahay ko kasi she knows na wala akong kasama. Bait mo talaga auntiee!

Pumasok na ako sa yayamaning school, for sure maraming mga spoiled dito. Even though na mayaman kami, mama and papa didn't spoiled me with toys. Instead, they spoiled me with love.

Natandaan ko yung sabi sakin ng guard kanina "Building 3, 4th floor, Section B - Jewelries".

Mine-memorize ko yan sa utak ko habang binubulong. "Building 3, 4th floor, Section B jewelries... Building 3... Ay!"

Punyeta, nauntog ako sa pader! kakahiya naman oh. I laughed in a nervous way, nung nakita ko na pinagtitinginan ako ng mga tao, yung iba natatawa, then yung iba nagbubulungan.

Birahin ko kaya 'to?

Joke langg, baka mapa-guidance pa'ko, sayang naman sa grades ko. Of course, i know my limits.

Nakarating na ako sa Building 3, kasi may nakasulat naman do'n, e. Ang problema ko lang is hingal na hingal na ako, ta's aakyat pa ng 4th floor? Maawa kayo!

Pinilit ko yung sarili kong umakyat sa hagdanan, ang dami pa namang hagdan! Nag-stop akong umakyat sa 2nd floor, at umupo sa gilid. Wala naman masyadong tao e, for sure nasa classroom na sila.

Tatayo na nga ako-
"Hi! okay ka lang?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. I turned around and saw a cute girl wearing pigtails like a kid. Bagay sakanya.

"a-ah, okay lang ako." Sagot ko sakanya sabay ngiti. Syempre, maging friendly.

"sure ka?" Sabi niya pa. Sabing okay na nga ako e, nawawalan na tuloy ako ng pasensiya. I took a deep breath, trying to calm myself down.

"I'm okay, really." Sabi ko sakanya na pilit na ngumiti.

"sure ka ba?"
"oo nga."
"Weh, hingal na hingal ka e, okay ka lang ba?" Tanong niya pa.
"Oo sabi na e!"

Where The Night Meets UsWhere stories live. Discover now