Warning: contains lots of profanities
"Take out a piece of paper. We'll have a quiz." Mahinang akong napamura sa sinabi ni Prof. Dela Cruz. Paano, wala akong review. Kahit isa! Malay ko ba kung magpapa-surprise quiz ngayon kaya inuna ko pang gumimik kahapon.
Bagsak ang mukha kong kinuha ang one whole sheet of paper at ballpen. Mukhang itlog na naman ang makukuha ko sa quiz na 'to, ah. Ngayon pa lang kailangan ko nang mag-isip ng magiging special project para maipasa ang subject na 'to.
"Gago Karter, pakopya," siniko ako ni Chris na katabi ko lang, sarkastiko akong ngumisi dito. "Tanga, sa lahat ng kokopyahan mo ako pa napili mo! E, wala rin akong masasagot diyan!" bulong ko pabalik. Kupal din 'tong isang 'to. Sa lahat ng tatanungan, yung kaparehas niya pa ng capacity ng utak.
Sabay kaming natawa, mukhang sabay na naman kaming magmamakaawa sa prof ntio, ah.
Lalo akong nanlumo nang marinig na dictation pa ang magiging quiz ngayon. Tangina. Kung talaga nga namang minamalas. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa course na political science? Hindi uso ang hell week sa course na 'to, hell semester ang meta dito. Itong surprise quiz na dictation? Level one pa lang 'to, eh. Wala pa 'to sa level 100 hard mode.
Lalo tuloy akong natatawa sa iniisip ko. Ito pa nga lang hirap na hirap na ako, eh. Paano pa kaya pag nasa mas mahirap na.
Bakit kasi nandito ako. Kung hindi lang dahil-- wag na nga!
"Number 1." agad na naging attentive ang tainga ko. Kunwari mukhang matalino. Kahit alam ko namang namumutok na itlog ang makukuha ko sa quiz na 'to.
"What document lays out the basic principles and laws of a nation, state, or social group and determines the powers and duties of a government and guarantees certain rights to the people?"
Tangina. Una pa lang ramdam ko na ang singko na grado ko. Ano kayang magandang special project? Hindi na ba uso iyong floor wax at walis tambo na kapalit? Bakit kaya wala sa college 'non?
Nagkatinginan kami ni Chris at sabay natawa nang magtagpo ang mga mata namin. Ang kupal, mukhang sa mukha ko pa hahanap ng sagot. Pinakyuhan ko nga.
"Gago! Wala sa mukha ko ang sagot!" natatawang bulong ko sa kaniya.
"Tangina pre, una pa lang hindi ko na alam." tinawanan ko na lang siya kasi gago pati ako hindi rin alam.
"Number 2." napamura na naman ako. Number 2 na pero ang tanging nasusulat ko pa lang sa papel ko ay ang pangalan ko.
"What is the maximum number of members in the House of Representatives?" napangiwi ako. tangina, binibilang pala 'yan? Pucha hindi ko alam!
Tumingin ako sa kanan ko. There I saw Ramirez. The block's most intelligent student. Sobrang talino niyan! Tangina, lahat ata ng batas sa buong mundo kabisado niyan. Naalala ko nung walang takot niyang tinama yung prof dahil sa namali ito ng isang word sa tinuro nito. Nanginig ang tuhod ko 'non! Literal na pakiramdam ko nasa korte na ako at nagsasagutan ang dalawang attorney. Ending si Ramirez pa rin ang nanalo. Doon ko narealize na kung sakaling makakasagutan ko yung taong tulad niya, magsuntukan na lang kami mas ayos pa.
Hindi ko nga alam kung wala bang kaibigan ito or talagang ayaw niya lang ng kausap. Kasi sa buong dalawang taon ko sa course na 'to, ni-hindi ko man lang siya nakitang nakipag-usap sa kahit na sino. Eh baka talagang ayaw niya. May mga ganoong tao, eh. Inverter ba? Joke lang. Syempre alam kong introvert 'yon. Isa pa, may vibe rin kasi yan na Kahit sino walang mang-aahas lumapit sa kaniya. Palaging seryoso. Tapos ang laking tao pa, though hindi naman nalalayo ang height namin. 6'0 ako and siguro mga nasa 6'2 siya. Mas malaki lang rin talaga ang katawan niya kesa sakin.
Pero mas gwapo naman ako 'no.
"Number 3." Tangina number 3 na! Wala pa akong naisusulat sa papel ko!
No choice. Kahit ba sinabi kong anagama itlog ako sa quiz na 'to, nakakahiya pa rin kung sakaling zero talaga ang score ko 'no! Lalo na at mahilig pang mamahiya itong prof nila ngayon. Tumingin ako sa papel ni Ramirez. Sana all maraming sagot.
Buti na lang talaga nabiyayaan ako ng 20-20 vision. Ano pang silbi ng mata na 'to kung hindi ko lang rin ipangsisipat.... ng sagot ng iba?
Pasimple na tiningnan ko ang papel ni Ramirez at pilit na sinisipat ang mga sagot niya. Buti na lang maganda rin sumulat ang isang 'to kaya hindi ako nahirapang tingnan ang sagot niya.
Kung kanina minamalas ako, ngayon sinuswerte na. Napangisi ako.
Hindi mawala sa labi ko ang kurba ng ngiti nang matapos ang quiz. Totoo nga ang sabi nila, God will provide. Joke lang.
Hindi ko naman kinopya lahat, sa awa ng maykapal, may alam rin ako sa ibang itinanong ng Prof. Doon ko napagtanto na hindi pa pala talaga ako ganon ka-bobo. Medyo lang.
Nag-announce na ng dismiss ang prof kaya isa-isa na kaming pumila para ipasa ang papel namin. Pero nagulat ako na nung turn na ni Ramirez para magpasa, dumeretso ito sa Prof at may sinabi at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang itinuro ako nito.
Gago? Anong meron? Kunot-noo akong tumingin pabalik at ang huling narinig ko na lang ay ang malakas na sigaw ng Prof namin.
Tangina talaga. Katapusan ko na.
BINABASA MO ANG
Been Through
RomanceWherein two souls collide to make everything in a right place. © All rights reserved