Warning: contains lots of profanities
Kupal
Padabog kong ibinagsak ng bag ko sa armchair. Tangina, kakapasok ko pa lang sa campus ang sama na agad ng timpla ng mukha ko. Paano, sa lahat ng bubungad sa araw na 'to, talagang ang kupal na mukha pa ni Ramirez ang makikita ko. Ewan ko, simula nung nangyari yung araw na 'yon, palagi akong may urge na suntukin ang mukha niya at ingudngod sa pader.
Isang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon dala-dala ko pa rin yung parusa sakin. Muntik na kaya ako ma-drop sa subject na yon! Tangina major pa naman. Grounded pa ako pagkatapos kila mommy at pati pagiging varsity ko ay damay. Hindi ako makakapaglaro sa tournament this year! All because of that fucker Ramirez.
Okay, sige. Mali ko naman talaga. Aminado ako roon. Mali naman talagang mangopya. Pero sana sinabi niya na lang muna sa akin? Sana cinomfront niya na lang ako. Tangina hindi yung isusumbong agad ako.
Binalingan ko ng tingin si Ramirez. As usual, mag-isa na naman siyang nakaupo sa gilid habang binabasa ang makakapal na libro na kasing-kapal din ng salamin na suot niya. Sinamaan ko nga ng tingin. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, baka bumulagta na siya dito. Mukha namang wala itong pake sa paligid niya at nakatututok pa rin sa mga libro niya. Kupal. Kupal talaga.
"Pre, kung may laser lang 'yang mata mo, baka patay na 'yang si Ramirez." napatingin ako kay Chris na umupo sa tabi ko. Buti na lang dumating na 'to.
Ngumisi ako. "Magkaroon lang talaga ako ng pagkakataong bangasan ang mukha niyan, papasalamat talaga ako kay Lord."
"Gago," natatawang siniko ako ni Chris. "Isang buwan na nakalipas repa, move-on ka na!" pang-aasar nito.
"Pre, alam mo ba na hanggang ngayon grounded pa rin ako kay mommy? Pati allowance ko bawas! Hindi rin ako makakapaglaro sa tournament kasi nga naparusahan din ako ni coach!" umakto akong hinahawakan ang puso ko. "Pre, sinira niya ang buhay ko!"
Natatawa akong binatukan ni Chris. "Kopya pa!" Sinamaan ko na lang ng tingin kasi sakto dumating na ang prof namin.
".... I want you to make a documentary film tackling about the social and political issues here in the Philippines. This will serve as your final project. I will group you into two." nagbulungan ang lahat habang ako bored na nakahalukipkip. Another activity that I will surely not enjoy. Documentary, ginawa ba naman kaming mga film making students.
"Sana tayo ang magkagrupo, pre." bulong ni Chris.
Tumawa ako. "Tanga pre, kung ayaw mo na bumagsak tayong dalawa, sige magkagrupo tayo." kita na ngang parehas kaming bobo gusto magkagrupo pa kami.
Kung may gusto man akong makagrupo dito, syempre doon na tayo sa matatalino. Masipag naman ako, eh. Seryoso to, ah. Ang gago ko naman na bobo na nga ako, tamad pa. Pag mga ganyang groupings natulong naman ako. Sa thesis nga ako tagluto ng pancit canton, e. Tsaka anong silbi ng groupings kung iisa lang ang kikilos?
Tulad niyan si Chloe, matalino din 'yan. Balita ko nga parehas attorney mga magulang niyan, e. Minsan ko nang nakagrupo 'to sa isang debate. Grabe, binuhat kaming lahat. Kaso ending yung grupo pa rin nung kupal na Ramirez ang nanalo. Sana makagrupo ko siya uli. Kaysa naman doon ako mapapares sa Ramirez na 'yon.
"Suarez." napaangat agad ako ng tingin nang marinig ang apilido ko. Nag-a-announce na pala ang Prof nang magkakagrupo at mukhang turn ko na. "You will be paired with...." please, please kahit sino na basta wag lang si... "Ramirez."
Putangina naman.
Mahina akong napamura. Tangina namang buhay 'to oh. Palagi na lang minamalas.
Rinig ko ang mapang-asar na tawa ni Chris sa tabi ko. Sinamaan ko nga ng tingin. Isa pa 'tong tarantadong 'to, eh. Porket si Chloe ang nakagrupo.
BINABASA MO ANG
Been Through
RomanceWherein two souls collide to make everything in a right place. © All rights reserved