Chapter 2

8 2 0
                                    

"Seryoso ka na mag-so-solo ka sa final project na'tin, Karter?" tanong ni Chris habang pinapasa sa akin ang bola.

In-dribble ko ang bola at tumakbo sa ring saka ni-lay up ito. "Oo, okay na rin kaysa makasama ko 'yung kupal na 'yon!" padabog na ipinasa ko kay Chris ang bola.

Two days had passed since that fucking encounter with Ramirez at two days na rin simula nung nag-volunteer ako na mag individual na lang sa docu film na 'yan. Kaya ko naman 'yon. Aminado man ako na mahina talaga ang utak ko sa course na 'to pero hindi naman ibig-sabihin hindi ko matututunan 'yon. Isa pa, andyan naman sina Chris at Chloe na willing naman raw akong tulungan.

"May naiisip ka na bang gawin?" umupo si Chris sa sahig.

"Meron," umupo ako sa tabi niya. "Parang gusto ko gawing topic ang Jeepney Phaseout. Anong magiging epekto sa mga driver kung mapipilitan silang palitan ang mga jeepney nila."

Bigla lang pumasok sa isip ko 'tong topic na 'to, eh. Habang pauwi kasi ako nung isang araw, nadaanan ko yung mga nag-ra-rally about sa Jeepney phaseout. Sa sobrang kuryoso, tumigil ako doon at lumapit sa kanila. Nakakaawa din kasi talaga yung mga tsuper na buong-buhay nilang trabaho ang pagiging Jeepney driver.

Hindi naman sila against sa pagbabago. Yung epekto lang talaga ng pagpapalit doon sila tutol. Buti sana kung libre nilang makukuha yung mga modernong jeep na gagamitin nila.

Kaya dali-dali talaga akong umuwi noon para lang mag-research about sa topic na 'yon.

"Nice one, maganda iyan! E, di puro mga jeepney driver ang iinterview-in mo? Sakto, may mga kakilala ako sa amin. I-recommend ko sa'yo?" tumango ako.

Kapag mga ganitong bagay talaga maaasahan mo itong si Chris, eh. Sabagay, maaasahan mo naman talaga iyan sa lahat ng bagay. May pagka tarantado lang 'yan pero seryoso rin sa pag-aaral 'yan!

Ipinasa ko na ang bola kay Chris saka kinuha na ang bag at isinabit sa balikat ko. "Alis na ako, pre. Dadaan pa ako library," paalam ko bago tuluyang lumabas.

Naalala ko bigla na may hihiramin nga pala akong libro na recommended ni Chloe sa akin para pag-aralan ang mga batas. Ewan ko ba. Simula nung sinabihan ako nung Ramirez na 'yon ng bobo, parang natapakan buong pagkatao ko. Lalo na doon pa nagmula sa taong mataas ang IQ. Mas masakit pala talaga pag ibang tao nagsasabi sa'yo na bobo ka 'no?

Pero hindi naman kasi talaga ako bobo, eh! Ayaw ko lang naman kasi talaga sa course na 'to!

Kung makita lang ng Ramirez na 'yan gaano ako kagaling mag-drawing, baka humanga siya sa akin!

Pumasok ako sa library at binigay ang library card ko na mukha pa ring bago kasi hindi ko pa nagagamit sa buong buhay ko. Pasensiya na, hindi kasi talaga ako mahilig magbasa diba.

Kinuha ko ang phone ko at binasa ang chat ni Chloe na title ng mga librong recommended niya saka hinanap sa mga bookshelves. Napakamot pa ako sa ulo nang makita kung gaano kakakapal ang mga librong kinuha ko. Pero wala, eh. Kailangan ko 'to. Kung gusto kong maka-survive sa course na 'to, kailangan ko pag-aralan 'to.

Bitbit ang mga librong hawak ko, nagtungo ako sa kung saan ako pwedeng may maupuan. Buti na lang talaga iisa lang ang subject ko ngayong araw na 'to kaya may time pa ako sa mga ganito. Habang inililibot ang paningin ko, muntik na akong mapamura sa nakita ko.

Tangina. Hanggang dito ba naman makikita ko 'to?

Sa lahat ng mukhang makikita ko bakit ang mukha pa ng Ramirez na 'to. Napaismid na lang tuloy ako at humanap na lang nang mauupuan. Sinigurado ko pang doon ako pupwesto sa malayo-layo sa Ramirez na 'yan.

Una kong binuksan yung libro patungkol sa 1987 constitution. Kailangan ko kasi ito para sa documentary film. Kailangan ko pag-aralan ang mga possible na batas under sa docu ko. Lalo na ang mga karapatang pantao para sa tsuper.

Minsan nga naiisip ko, kung sakali mang itutuloy ko mag Law school, for sure ang kukunin ko ay related sa human rights. Baka nga mag public attorney pa ako.

Ilang minuto pa ang lumipas at ramdam ko na ang pagluluha ng mata ko sa pagbabasa. Tangina, hindi talaga ako para sa ganito. 30 minutes straight pa lang ata ako nagbabasa rito pero nasuko na agad ang mata ko.

Inilapag ko ang ballpen sa notebook na nasa lamesa. Marami na rin naman akong nabasa at nailista. Tama nga si Chloe, mas madali mong matututunan kapag nagte-take notes ka. Buti na lang talaga iyon ang nakaparehas ni Chris. Minsan kasi nasama ako sa kanila pag ginagawa nila yung project nila. Nakakamangha talaga ang utak niyan ni Chloe. For sure magiging magaling na attorney 'yan in the near future.

"Si Clyde Ramirez 'yan, diba?"

"Oo, ang pogi 'no!"

"Sobrang talino pa! Balita ko nga nag top 1 'yan sa mock board exams last year. First year pa lang siya non, ah!"

"Grabe, ganiyan mga tipo ko girl!"

Hindi ko maiwasang mapairap sa narinig ko. Bulungan pa ba tawag d'yan, eh ang lalakas ng mga boses? Napatingin tuloy ako sa gawi ni Ramirez. As usual, nasa harap na naman ito ng mga makakapal na libro. Nakaipit ang duo ng lapis sa bibig nito habang seryosong nagbabasa.

Pogi ba 'yan? E, mas gwapo pa ako d'yan!

"Kaso mailap 'yan, girl! May nagbigay nga raw ng chocolate d'yan nung valentine's day. Girl, hindi pinansin! Dinaanan lang!" kita niyo? Ang sama ng ugali.

"Ay, totoo? Okay lang. Ganiyan mga gusto ko, 'yung may thrill!"

Thrill, ampota. Sana nag horror thrill na lang kayo. Ay, trail ba 'yon? Sorry, sorry.

"Grabe tall, dark and handsome tapos ang talino pa!" Napairap muli ako sa narinig. Gwapo ba 'yan? Eh mukhang ngang siga sa kanto. Napaka-angas ng dating. Matangkad lang naman 'yan tsaka moreno. Isa pa, bakit ba ang hihilig ng mga babae ngayon sa tagilid ang ugali? Tapos magrereklamo pag ang re-redflag ng mga boyfriend nila.

Biglaang nag-angat ng tingin si Ramirez resulta kung bakit napasinghap yung mga babae sa tabing lamesa. Ang o-oa. Kitang-kita ko pa na nagsikuhan ang mga ito habang yung isa kumaway kay Ramirez na hindi naman sila pinansin. Hindi ko tuloy alam bakit ako napangisi doon.

Bakit ako natutuwa? Parang tanga lang.

Lumipat ang tingin ni Ramirez sa akin kaya nagkatagpo ang mga mata namin. Agad naman na nawala ang ngisi sa bibig ko at napalitan ng inis. Bakit ako tinitingnan ng kupal na 'to?

Hindi ko inalis ang tingin ko, at laking-gulat ko ng pati siya ay hindi nagbitaw ng tingin. Gago? Nakikipag-angasan ba 'to? Nilabanan ko nga. Hindi rin ako nag-iwas ng tingin.

"Grabe ang lakas ng dating niya no, girl! Grabeng biceps 'yan!"

Hindi ko alam pero bigla na lang bumaba ang tingin ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya nakasuot ng uniform. Nakasuot ito ng black tshirt na fit na fit sa katawan niya. Laman din siguro ng gym 'to. Ang laki ng katawan, eh.

"Kung ganiyan ba naman ang biceps, papa headlock talaga ako." tangina. Napababa tuloy lalo yung tingin ko sa biceps ni Ramirez. Oo nga 'no. Namumutok.

Napalunok ako. Parang... parang ang sarap nga magpa-headlock...

Napatayo ako bigla. Tangina ano 'yon?! Ano 'yung iniisip ko!

Mabilisan kong kinuha ang mga gamit ko at dali-daling inilagay sa bag ko. Tangina kakabasa ko kasi 'to, eh. Dahil dito kaya ako nagkakaganito. Tama, tama.

Patakbo akong umalis ng library. Tangina talaga. Ano bang iniisip ko kanina?

Gago, hindi ako bading!

Been ThroughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon