Chapter 1 - Introducing Me
"Hoy Gretel!" sigaw ng isang babaeng mukhang loko-loko. Kanina pa ata to siya sumisigaw sa pangalan ko.
Ayokong lumingon sa direksyon niya dahil kung makita ko siya, baka mapapatulan ko na talaga siya. Naka school uniform pa naman ako.
Hayy. Hirap talaga maging number one sa paaralan noh? Ang laki ng reputasyon na pinoprotektahan mo.
Nang maka alis na ako sa school grounds, naririnig ko parin ang bruha na tumatawag sa pangalan ko at sumusunod sa akin.
"Hoy, Gretel! Ba't di mo ko pinapansin ha! Takot ka noh!" Tawag nanaman ni Charmaine.
Aba loko to ha -__-
Sa totoo lang, ayoko talagang pumatol sa mga insecure. Mas lalo akong ma stress sa kanila. sakit sa ulo eh -__-
"Waah! Takot ka pala eh! Kanina lang ang sungit sungit mo pa!" Sigaw na naman niya. Hayaan mo nalang siya, Gretel.
"Waah! Loser! Loser ka pala eh!"
Gretel, wag kang tumalikod. Hayaan mo siya.
Baka ano pa ang magawa ko sayo Charmaine eh. -__-
Hindi rin nagtagal na hindi ko na makita ang school at huminto ako sa paglalakad ko, tinignan ko muna ang paligid ko.
Buti nalang walang tao sa kanto kundi ang bruha at ako lang.
"Oh? Na realize mo na ba na loser kana talaga?! Nerd!" Saway ni Charmaine.
Pahinay-hinay akong lumakad papunta sa kanya at tinignan ko siya ng masama.
Ramdam na ramdam ko ang takot niya. Loko talaga. Eh kanina ang tapang tapang pa niya -__-
Mga six inches ata yung distance namin sa isa't-isa bago ako tumigil sa paglalakad palapit sa kanya.
"Anong sinabi mo sa akin, Charmaine?" Tanong ko. Mahina lang ang pagkasabi ko, ngunit sharp ang tono ko.
"Sabihin mo nga ulit, Charmaine." utos ko nanaman. Tinignan ko parin siya sa mata ng masama. Klarong klaro ang kanyang pagka nerbyos.
"W-Wala... ah. Kalimutan mo n-nalang yun..." sabi niya.
-__- eh kanina lang inulit-ulit niya pa, ngayon na pinaulit ko sa kanya, ayaw naman niya. Haynako. Nakaka stress talaga.
"Listen, Charmaine. Wala akong oras sa kagagohan mo. Hindi mo pa ako nakikilala. Kaya hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo." Hindi siya umimik.
"S-sabi kasi n-nila na tinawag mo raw akong slut eh hindi naman totoo..." sagot niya.
Haynako. "At naniwala ka naman? Pwede ba? Wala akong oras para sa mga non-sense na 'yan. Isa pa, may reputasyon akong pinoprotektahan." Sagot ko naman.
Hindi na naman siya umimik kaya umalis na ako pabalik sa school.
***
Ako nga pala si Gretel Audrey Esperanza. Mag seseventeen years old na ako sa November. Nag-aaral din ako sa isang all girls school sa Pilipinas.Ako yung number one sa paaralan namin at ako din ang heiress sa kompanya namin worldwide kaya ang laki talaga ng reputasyon na pinoprotektahan ko.
Hirap talaga makisama sa mga babae, ano?
Matapos ang klase ay umuwi na ako agad. May naghihintay sakin eh ^_^
***
"ATEEEE!" Masayang pagbati ng kapatid ko. Five years old pa lang siya."Jacoooob!" Sagot ko naman at niyakap siya. Ang cute talaga niya.
"Sandali, sila mama?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm?" - Jacob
Oo nga pala, hindi niya alam kung nasaan yung parents namin.
"Go watch TV muna, Jacob ha? Magbibihis muna si ate," sabi ko sa kanya. Nag nod siya at pumunta sa living room agad.
Nasan nanaman kaya sila mommy?
Matawagan nga -__-
*riiiing~ riiiing~* tagal sumagot ha.
*riiii~*
[hello? Yes anak?] Sagot ni mommy."Hi mommy. Nasaan po kayo?" Tanong ko. Kakauwi pa nila dito sa amin sa Pilipinas at iniwan nanaman kami para sa business namin. Haynakoo.
[Nasa airport na kami paalis na papuntang Europe, anak.] Sagot naman niya.
Agad-agad? Eh hindi ko pa nga sila nakikita ehhh T_T
"Aah, o-okay. Bye ma." Paalam ko.
As usual, ako nanaman at si Jacob ang magiging hari sa bahay na 'to for the next few weeks. Hayy. Buti na nga na meron si Jacob eh, kung wala eh sigurado na magiging depressed ako >_<
Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil para sa amin rin naman yung pinaghihirapan nila. Hay.
Minsan nga, gusto kong mabuhay pareha sa ibang schoolmates ko na parating present ang mga magulang nila araw-araw. Pero secret lang natin to ha? Baka kasi sasawayin nila ako >_< diba nga, may rep akong pino-protect?
***Kinabukasan
"Ateee! You go home early later okay?" Utos ni Jacob. Naka pajamas palang siya eh ako naka bihis na ako para sa school.
Ngumiti ako while nag sa-slice ako sa kanyang pancakes. "Oo naman, tatawagin natin si ate Ross mamaya okay? Pasama tayo sa cinehan mg watch ng Minions! ^o^"
"Ma'am Gretel, andito na po yung driver..." wika ng kasambahay namin.
"Bye Jacooooob! ^o^"
***
Pagpasok ko sa school, as usual, ako lang mag-isa. May friends naman ako, pero yun lang yun. Ayoko silang makasama dahil nawawala yung focus ko."Okay, Miss Esperanza, do you agree with Miss Lim?" Tanong ni Ma'am Kory sa akin. Siya yung Economy teacher namin.
"No, ma'am. In fact, I fully disagree with her." Sagot ko confidently. Narinig ko ang klase na ang "ooh" saaking sinabi.
Mali yung sinagot ni Lily. Poverty isn't the biggest problem here in the Philippines.
Dahil nun, pina explain ako ni ma'am. As usual, nanalo nanaman ako saaming debate ni Lily.
Hindi dahil sa bias ha. -_- Magaling lang talaga ako. Echos ^__^
Dismissal na at naglalakad na ako palabas ng building namin since may driver akong naghihintay sa labas. Agad kong napansin na may commotion sa school gate namin. Dalawa lang ang rason nun.
1. Nakarating ang sinasabi nila na gwapo na anak ng aming school President slash Principal.
2. May gwapo.Not interested.
Nakita ko yung sasakyan ko na naka park sa tapat ng gate. Kailangan ko lang talaga sumingit sa crowd.
*singit* >_>
*singit*
*singit* -__-Hay sa wakas naka labas na rin! Ang init at ang ingay talaga! Kadiri yung mga sweat nila. Eeew. -__-
Hindi ko tinignan yung mukha ng lalaking naka lean sa sports car, instead, dinaanan ko lang.
Baka akalain pa akong desperada. -__-
"Gretta!" Tawag sakin ng isang boses. Teka... isa lang yung tumatawag sakin nun ha ^____^
x x x READ! VERY IMPORTANT BEFORE READING THE NEXT CHAPTER x x x
Hi Filipino readers! :) Hope you guys liked this chapter at sana aabangan niyo ang next chapters! :) Please do vote and comment your thoughts, baka ma DEDICATE ko kayo at ma mention ko kayo sa oncoming chapters :) INGAT :)
BINABASA MO ANG
The Princess and the Heirs - #Wattys2015
Teen FictionGretel Audrey Esperanza. Sabi nila siya daw si Miss Perfect kasi she's got the three B's. Brains, beauty and the body. She's also got the money. But that's what they think. Since all girls school ang pinapasukan ni Gretel, sa tingin niyo kaya na nak...