8

15 1 0
                                    

Chapter 8 - Jacob's new best friends

After kong naligo at nagbihis ay pumunta ako sa room ni Jacob. Pagkabukas ko sa pinto ng kanyang kwarto ay nang walang tao dun. Nasa baba na ata siya kasama sina Zach. Pinaligo ko muna kasi siya bago siya bumaba, so sigurado ako na nagmamadali siyang naligo at nagbihis. 

Pababa pa lang ako sa stairs at naririnig ko na silang tumatawa sa kitchen. Ano naman kaya ang pinagtatawanan nila?

"Oh, andyan na si Gretty!"

"Good morning, Gretty!" sabay nila tatlong sinabi as if on cue. Wow naman, smiling ata silang lahat ngayon ah.

"Morning din. Anong pinagtatawanan niyo diyan haaa?" tanong ko sa kanila tatlo habang nilalagyan ko ng peanut butter yung bread ko sa counter.

"Wala yun. Anyway, tagal mong gumising princess ah?" tanong naman ni Zach. Ngumiti lang ako at kinain yung bread ko.

"Kasalanan ni Dean," simpleng sagot ko naman. Totoo naman ah. Teka, nasan ba si Dean?

Tumawa naman silang tatlo sa sinagot ko sa kanila.

"Gusto mo bugbugin namin si Dean? Kawawa naman si princess," saway ni Heath. Bigla naman akong tumingin sa kapatid ko na parang nalilito sa sinabi ni Heath sa akin.

"Ate, what's bu-bu-bu-gin?"

Tinignan ko naman sina Heath ng masama. Hindi sila dapat magsalita ng ganun kapag kasama ko ang kapatid ko ehh. Baka ma-influence yung pagsalita ni Jacob sa kanila ehh.

"Bugbugin Jacob is when you tickle someone," sagot ko sa kanya. Tumawa nanaman silang tatlo sa aking sagot. Hay nako. Eto talaga sila tatlo.

"Gret, may sasabihin kami." wika ni Gab with a serious tone.

"Ano?"

"Sabi kasi ni Jacob na pag nasa school ka daw ay naiiwan siya dito sa bahay niyo kasama yung mga maid at mga body guard niyo. So we've decided na while nasa school ka, kukunin namin siya at dun namin siya ipapatambay sa place namin ^_^" paliwanag ni Heath sa'kin. Ano raaaw? Nagsumbong si Jacob sa kanila? Eto naman si Jacob ooh, kahit anu-ano nalang yung sinasabi niya sa kanila. Kakahiya naman ToT

"No. 'Di pwede. Mmm-mm. Di ako papayag," 

Bigla silang lahat nag pout, pati na rin si Jacob. Hindi ko pwedeng ipasama si Jacob sa kanila pag nasa school ako kasi:

1. Ayoko maging pabigat si Jacob sa kanila.

2. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pero isa silang gang eh. Nakikipag-away sila sa ibang gang, eh ayaw kong may mangyaring masama sa kapatid ko.

3. Baka ano pa ang sabihin ni Jacob sa kanila,  eh nakakahiya naman.

"Bakiiit? You don't trust us? ToT" -Zach

"Sige naman Gretty ohhh! ToT" -Heath

"Kawawa naman si Jacob pag siya lang natira dito, Gret. Maawa ka naman sa kapatid mo ohh," -Gab

Wow ha -__- gustong-gusto na talaga nila si Jacob noh?

"fine. Pero may conditions ako." sabi ko after ko ininom yung juice ko.

"Yeeey! Okay, ano?" tanong ni Gab.

"1. Once na marinig ko na nakikipag-away kayo sa ibang gang kasama si Jacob ay hindi niyo na sha pwedeng makita." sugod ko. Nag nod naman silang lahat.

"2. Huwag na wag niyo ring paiyakin yung kapatid ko, okay?" nag nod nanaman sila in agreement.

"3. If ever man na kukunin niyo na sha sa bahay ay ite-text niyo ako okay? kahit anong oras niyo siya kukunin ay ite-text niyo ako." Nag nod nanaman sila ulit.

The Princess and the Heirs - #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon