6

27 1 0
                                    

Chapter 6 - TGIF

Finally, tapos na yung class for this week. Grabe, nakakapagod talaga. Hindi dahil sa school works kung 'di dahil sa mga haters, specifically si Quennie at kanyang kabarkada. For the past three days ay kinukulit niya ako in her little ways just like posting something on my locker for everyone to see.

Nagwo-wonder ba kayo kung bakit hindi ko siya sinusumbong sa school head? Simple. Dahil ayokong magpalaban. Magiging issue kasi yung pagiging palaban ko, so nevermind. 

Nasa bahay na ako ngayon kasama si Jacob at si ate Ross. She lives next door lang kaya dito siya nag ha-hangout sa bahay namin usually. Humihiga lang kami ngayon sa sofa ng living room while watching a movie. Yung The Pretty One.

"Ang boooring noh?" sabi ko with my bored tone.

"Actually, yan lang yung akala mo. Ang laki kaya ng bahay mo at kumpleto  yung gamit niyo dito. May game room naman at music room sa third floor. Ang problema eh kayo lang dalawa sa bahay niyo ni Jacob kasama yung mga maid at guards. Buti nga eh andito ako," paliwanag naman ni ate Ross.

Sa bagay tama rin siya. Akala kasi nina mommy na marami yung friends ko at baka dito daw kami mag ha-hangout. Mali naman siya. She doesn't know me at all kasi since 6 years old na sila nag start mag biyahe ni daddy all around the world at mga twice a year sila bumabalik dito sa Pinas. Kung babalik naman din sila dito ay hindi aabot ng isang araw. I remembered 5 years ago na biglang bumalik sina mommy dito dala-dala ang isang baby na si Jacob. As usual, umalis sila agad at sinabing iiwan lang daw nila si Jacob sa akin.

Si Nathan lang talaga yung naging friend ko since then. Siya yung naging kuya slash parents slash BFF slash bodyguard ko. Swerte ko sa kanya noh? Miss ko na siya tuloy. Si Ate Ross naman ay cousin ko. Naging close kami after sila naging neighbor namin 2 years ago.

"5:30 na pala. I have to go na kasi may pupuntahan kami sa friends ko. Call me when you need me, okay? Bye Jacooooob! Bye Gret!" paalam ni ate Ross at umalis agad. Kami na naman dalawa ang naiwan sa mansion.

"Ate, let's go somewhere, pweeease!" sabi ni Jacob dala pout. Bored na rin talaga siya dito. Mas mabuti siguro na lalabas nalang din kami. Pero saan naman kami pupunta? 

"Okay, Jacob. Pero where do you want to go?"

"Uhmm, I want to go to the amusement park and eat pizza! ^_^" sagot niya happily. May arcade naman kami sa 3rd floor na hindi nagagamit ah. Dahil siguro gusto niyang makita yung mga bata na naglalaro doon.

"Okay, go and change your clothes na so we can go. Tell yaya to help you," utos ko sa kanya. Tumakbo siya happily papunta sa room niya sa second floor. Ganun siya ka excited.

Sinabihan ko yung driver na i-ready yung sasakyan kasi aalis kami ni Jacob. Nagbihis na rin ako ng clothes ko. SImple lang yung suot ko, white high-waist na shorts at black na croptop paired with black and white na Rosche shoes. Nag-apply din ako ng minimal make-up to complete my look.

Pumasok bigla si Jacob sa room ko. Ang cute naman ng sinuot niya ^0^ Minions na shirt and then black pants and minions na cap. Binili namin yun after kami nag watch ng Minions last Friday.
Cute talaga yung mga matataba na little kids ^0^

"Ate why are you wearing shorts?-__- There's so many boys there!" sabi niya dala pout. Aba, nagiging protective ata to ang little brother ko ah, ang cute!

"You will protect me naman, diba?" sabi ko at inabot yung bag ko na nasa table ko.

***

Finally nakarating na kami sa Enchanted Kingdom. Ang daming tao ngayon kasi Friday. Tama nga si Jacob, ang daming boys -__-

The Princess and the Heirs - #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon