Girls' Dimension Chapter | Music Bank Behind the Scenes

168 11 7
                                    

Rookie's Dressing Room


Inha (Leader)'s POV



"Some blush on... then. DONE!" sabi ni Cindy unnie, yung isa sa make up artist namin, at pinatayo na ako.

"Thank you, Cindy unnie!" naka-ngiti kong sabi.

"Oks lang! Good luck mamaya ah? Panoorin namin kayo dito mamaya!"

"Salamat po!" naka-ngiti akong pumunta sa sofa dito sa dressing room at umupo.

Ako ang unang natapos sa makeup namin. Kinuha ko yung purse ko sa tabi at kinuha yung isang pack ng gummy bears. Kumuha ako habang nag-niningning yung mga mata ko at akmang kakainin na yung isa sa gummy bears ko nung...

"Hello Athena unnie!" tiningnan ko naman ng masama si Ella na nakangiti ng nakakaloko.

"Hoy bata ka. Wag mo kong ma-Athe-Athena dyan. Baka gusto mong putulin ko dila mo."

"Hehe. Sorry po! Kasi naman yung itsura mo kanina. Haha." tapos umupo na siya sa tabi ko.

I really hate my name Athena. Ugh. Ewan ko kung bakit. Basta yun na yun.

Sunod naman umupo ang tahimik na si Jae sa tabi namin.



Hyunjae's POV



Pumunta na ako sa sofa kung nasaan si Coley unnie at Ella. Nag-aasaran nanaman eh.

Umupo na ako sinuot ko yung headphones ko na nasa tabi lang ng bag ko. Plinay ko yung nasa ipod ko at tahimik na umupo. Medyo kinakabahan kasi ako eh.

Tinapik nanaman ako ni Ella.

"Jae-unnie." tinanggal ko naman ang headphones ko.

Close na kaming tatlo trainees palang kami. Sabay-sabay pa nga kami nag-lulunch nun pag break. Since family naman na turing ko sa kanila ay pinyagan ko ng Jae ang tawag nila sa akin tsaka mahaba rin naman kung Hyunjae, diba?

"Bakit?" tanong ko kay Ella. Yun daw gusto nyang tawag sa kanya eh.

"Wala lang. Hihi." tumawa naman pati si Coley unnie. Naturingang leader pero isip bata. Tsk tsk. Teka... bata pa naman kami ah? Ay baliw. Haha.

"Baka gusto mo ma-upper cut?" matalim akong tumitig kay Ella.

"Huh? Upper cut? Ano yun? Hairstyle ba yun unnie?" napa-face palm kami ni Coley unnie. Napaka-inosente talaga netong bata toh.

"Oo. Hairstyle." sabi ni Coley unnie na nag-pipigil ng tawa.



Shimin's POV



"Oo. Hairstyle." sabi ni Coley unnie sa akin.

Hairstyle? Eh bakit ako i-hahairstyle ni Jae unnie? Nababaliw na ba sya?

"Huh?"

"Wag mo ng isipin. Baka 'di ka makatulog niyan." sabi ni Jae unnie.

"Okay." ewan ko dito kila unnie. Mga nababaliw na.



-a seconds later-



"Ngayon ko lang naramdaman yung kaba." sabi ni Coley unnie.

"Kaya nga eh." agree ko.

"Let's pray guys." sabi ni Jae unnie kaya nag-hawak hawak kami ng kamay at nag-pray ng taimtim.

"We can do this!" sigaw ni Ella.

"Guys, wag kayong masyadong kabahan. Baka masira performance natin. Naalala niyo yung advice ni Thea unnie sa atin? Think positive. Smile while performing. 100% energy. Be confident."

"FIGHTING!" sigaw namin ni Jae unnie.

Pumasok bigla si Rin unnie, manager namin at kapatid ni Chel unnie na manager ng Golden Girls, ng nakangiti.

"Girls, kayo na ang mag-peperform. Ready na tayo! Girls, good luck!" nakangiti nitong pahayag.

Tumayo na kami at pinwesto ang kamay namin sa gitna.

"It's Girls' Dimension time~!" sabay sabay naming sinigaw.

Nag-bow kami kay cameraman oppa na kasama pala ni Rin unnie kanina.

"Guys, yung advice ko ah?" paalala ni Coley unnie.

"Think positive, smile while performing, 100% energy, be confident!" oh ha? Namemorize namin!



Narrator's POV



Nag-punta na papuntang stage sila Inha, Hyunjae at Shimin. May mga nag-good luck pa nga sa kanila na idols habang papuntang stage. Syempre, ano ba mararamdaman mo kapag ginood luck ka ng idols? Syempre kikiligin-este- matotouch diba? Hehe.

Nag-position na sila sa stage.

"It's another time for a Music Bank debut performance!" narinig nila na sila Irene at Yeri ng Red Velvet ang nag-eemcee.

"It is the second group of GS Entertainment, also a rookie entertainment. Everybody is now excited for their performance!"

"So, let us now present... performing Defy Me..."

"Girls' Dimension!"

Tumapat ang camera at ang spotlight sa tatlong babae na nakangiti at confident na nakatingin sa audience at sa camera. Nag-simula na ang tugtog at sinimulan na rin nila ang isang powerful na performance.


After the performance


Narrator's POV



Pagod na nakangiti na pumunta sa backstage at sinalubong and Rin unnie nila.

Sobra-sobra ang mga nag-cheer sa kanila galing sa audience.

"You guys are good! I swear, your performance is so so so good! Ang energetic niyo!" nakangiti nitong pahayag habang binibigyan ng tubig at towel ang mga alaga niya.

Nag-congratulate din ang iba sa idols na nadadaanan nila papuntang dressing room.

Ng makarating sila sa dressing room ay natuwa sila dahil maraming pagkain at andun rin ang buong Golden Girls para i-congratulate sila. Nag-hug at nag-batian sila.

Pagkatapos, pumunta sila sa mga pagkain para lumamon. Haha.

Pumunta ang leader na si Inha sa pinalamamahal niyang coffee. Si Hyunjae sa kimchi at si Shimin sa vegetables niya. Healthy si maknae eh.

After eating, nagbonding sila kasama ang Golden Girls na todo support sa kanila. Tumawag rin sila sa mga pamilya nila at nag-chikahan pa.

Sabay sabay sila umalis ng Music Bank at laking gulat nila ng maraming fans ang sumalubong sa kanila. Todo kaway at ngiti naman sila hanggang makarating sa van nila.

Nagkulitan muna sila at natulog. 101% nga ata naubos nilang energy eh.


===

GS Entertainment: New Girl Groups [Apply Fic. | Temporarily Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon