Chapter 4

34 16 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas ay bumalik ng mansion si Hope ngunit hindi ako pinapansin nito at natutulog din ito sa sarili nitong kwarto at hindi mismo sa kwarto namin. Ngayon ay mag isa akong nakatambay sa balkonahe ng kwarto namin ni Hope nang bigla akong may naaninag na kalalakihan na naglalakad sa gilid ng kalsada,tanaw na tanaw ko ang kalsada dahil kahit malaki ang gate ng mansion ay makakakita pa din ng sasakyan o mga taong nadaan sa labas.

Ilang oras ang nakalipas ay nagiging pamilyar ang mga taong nadaan sa bahay kaya dali dali akong umalis sa balkonahe at pumunta ng salas ng mansion,hindi ako pwedeng magkamali isa iyon sa mga taong kalaban ko at iyon ay si Aiden. Mabilis kong hinanap si Taki sa mansion dahil kahit na alam kong hindi naman ito papasok sa masion at hindi naman nito alam kung san ako nakatira at sadyang napadaan lamang ito at alam kong mag iiwan ito ng patibong ng patago habang katulong nito ang mga kasama nyang kalalakihan.

Nang makita ko si Taki sa bakuran namin ay agad agad ko itong nilapitan at ikinagulat nito sa bigla kong pagsulpot.

"Dia bigla bigla ka nalang nasulpot." Saad nito sabay napahawak sa dibdib dahil sa gulat

"Warningan mo ang buong tao dito sa mansion at papuntahin mo lahat sa secret basement natin,ako ng bahala kay Hope sumunod ka nalang at magpatulong ka kay Trina at Tate." Pahina kong wika habang binubuksan ko ang aking phone para tawagan si Hope

"B-Bakit a-anong n-nangyayare?." Pautal nitong tanong habang nagdidilig ng halaman

"Nakita ko sa labas si Aiden." Hasik kong sabi habang natingin sa paligid

Agad nitong pinatay ang tubig sa gripo at dali dali itong tumakbo ng mabilis sa loob ng mansion habang ako ay nanatiling nasa labas at panay pa din contact kay Hope. Nang narinig ko ang cannot be reach ay agad naman akong pumunta sa labas ng kwarto ni Hope, alam kong kahit kumatok ako ay alam kong hindi ako papasukin nito kaya ang ginawa ko ay tinandyakan ko ang pintuan ng kwarto ni Hope.

Nang pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang pagkagulat ni hope and she have a headphone siguro kaya ito nagulat dahil doon at baka nakikinig ng music pa. Walang alinlangan akong umupo sa gilid ng kama na agad akong pinanliitan ng mga mata nito

"Bakit ka nandito?pinahintulutan ba kitang pumasok?." Panimula nito na bakas sa kanyang tono ang pagkainis

"Baby look i-i'm s-sorry b-but w--."

"Leave!." Hasik nito sabay turo sa pintuan

"But baby i can't please naman makinig ka kahit ngayon lang." I said in a calm tone

Ano ba iyon?!." Iritadong tanong nito sabay binulsa yung cellphone na hawak nito kani kanina lamang

Huminga muna ako ng malalim at tinitigan ito,magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan na agad ko naman nilingon. And i saw Trina with worried to her face kaya agad akong tumayo.

"Dia s-san naman kayo pupunta kung mapanganib sa labas ng mansion?." Malumanay na tanong nito

A-ano bang nangyayare?." Naguguluhang tanong ni Hope na agad itong tumayo

"Ayun ang gusto kong sabihin,ngunit wala na tayong oras tara na at wag ka ng magtanong." I said in cold tone na agad naman itong sumunod sa akin at inalalayan ko muna ito maglakad papuntang secret basement and after nitong alalayan ay agad naman akong bumalik sa salas kung saan nakatayo ang tatlo kong kaibigan na bakas pa din ang pag aalala.

Nang katapat ko na ang tatlo kong kaibigan ay tinitigan ko muna ang tatlo. "Kayong tatlo i check ninyo ang paligid kung ano man ang nilagay nilang patibong." Panimula ko

"H-How?." Trina said with worried to her tone

"Kailangan nyong tignan ang paligid,at wag kayong magpapanic at magcacause ng gulo.ayusin nyo ah." I said in cold tone na tumango naman sila at sabay talikod na at lumakad pabalik sa secret basement kung saan nandoon ang asawa kong si Hope at iba pang mga kasama nito doon

Makalipas ang ilang araw ay bumalik sa normal ulit ang nangyayare ngunit kami ni Hope ay hindi pa din gaanong nagpapansinan kaya panay punta ko sa warehouse at kung minsan ay nagpupunta ako ng bar ng mag isa hindi kona alam ang gagawin ko at nagiging desperada ako, tinignan ko sina Taki na nasa likuran ko at nakatayo yung tatlo. Hindi ko alam bakit ba sila nakatayo kaya sumenyas ako na maupo sila sa tabi ko.

Bakas sa tatlo kong kaibigan ang na naninibago ang mga ito dahil sa mga nangyayare,hindi lang sakin kundi kay Hope din dahil sa nakipag cool off ito sakin at hindi gaano nakikipag usap sakin. Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa ng bigla itong nagring at nang pagkatingin ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang pangalan ng aking asawa na si  Hope.

At dahil nasa nasa basement kami ng mansion kasama sina Trina,Taki,at Tate ay wala akong choice na sagutin ang call ng asawa ko. Nang pagkasagot ko ng tawag ay narinig ko ang paghikbi ng asawa ko kaya sinimulan ko na itong kausapin.

What happen?why are you crying hmm?." Panimula ko na bakas sa boses ko na naglalambing

"I-i can't breath." Wika nito na agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at sabay takbo papaakyat sa sariling kwarto ni Hope

Hindi kona pinakinggan yung sigaw ng tatlo kong kaibigan dahil na din sa pagmamadali,at dahil hindi ko din kayang paiyakin si Hope dahil sa ang nangyayare sakanya ay hindi gaano makahinga. Nang makarating ako sa labas ng kwarto ni Hope ay bigla akong may narinig na malakas na pagbagsak sa loob ng kwarto at dahil sa napatay ko ang call namin ni Hope ay hindi ko na alam ang nangyayare sa loob.

Agad kong tinadyakan ang pinto ng kwarto at pagkabukas ng pinto ay nakita ko na lamang si Hope na nakahandusay sa ibaba ng kama.





The House of HellWhere stories live. Discover now