Chapter 6

21 8 0
                                    

Pinahiwalay ko ng landas yung tatlo kong tauhan dahil sa gusto ko muna masolo ang aking asawa at dahil binigay ko ang aking susi ng kotse sakanila ay si Tate ang gagamit non habang yung dalawa naman ay sa kotse ni Trina at kami naman ni Hope ay maglalakad naman pauwi dahil sa request ng aking asawa na si Hope na maglakad nalang kaming dalawa pauwi.

Habang naglalakad lakad kami ng  aking asawa ay nag aya na akong kumain ng paborito naming binatog doon sa food court ng magrereklamo sana ito dahil sa ayaw pa nitong kumain ngunit nakipagtalo ako kaya ako sa huli ang nasunod.Habang kumakain kami ay si Hope naman panay ang cellphone at nagpipicture pa nang pagkain.

Okay, hindi nako natutuwa at medyo napipikon nanaman ako.

Tinitigan ko si Hope ng matagal at makailang minuto ay tumingin naman ito sakin at nginitian ito na parang wala ng bukas kaya agad naman nitong ibinigay ang kaniyang cellphone kaya agad ko itong binulsa.

Nang matapos kami kumain ng binatog ay naglakad lakad na kami at pumunta sa mga gusto ni Hope na puntahan sa mall nang bigla akong makaramdam nang pananakit ng dibdib kaya napahinto ako sa paglalakad sabay hawak sa aking dibdib,nang maramdaman ni hope na hindi nako nito kasaba sa paglalakad ay agad naman itong lumingon kung san nakatayo pa din ako at lumapit sa akin.

"A-anong nangyayare?ayos ka lang ba,may masakit ba sa iyo?." Tanong nito habang may halong pag aalala

Agad naman akong umiling at napamulsa at lumakad ulit.

Ilang segundo bago ako sumagot."Ayos lang naman ako siguro naninibago lang." pabulong kong sagot

Hindi talaga ako ayos dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko at medyo kinakabahan.

Ngayon ay namimili ng damit si Hope dahil sa mga nakikita nitong bagong labas na damit na medyo nagustuhan nito nang biglang may tumapik sakin na ikinakunot ng aking noo at nang pagkalingon ko ay si Trina lang pala at lumingon muna ako kung san tumitingin pa din si Hope ng damit kaya hindi ko muna ito inistorbo at sabay tingin kay Trina.

"Bakit?." Tipid kong tanong

"Gusto sana namin kumain kaso wala pala kaming pera." Pabulong nitong sagot

Grabe naman tong babaitang to nagmumukha pang pulubi sa mall.

Agad ko naman dinukot ang aking wallet at sabay kumuha ng 3k sa aking bulsa sabay abot kay Trina.  "Aalam mo Trina nagmumukha kayong pulubi sa mall,oh ayan na ah ngayon alis kana sa harap ko masyado kang nang iistorbo." Padiin kong sagot

"Ayown salamat." Nakangiti nitong saad sabay umalis

Istorbo nanga,buraot pa pambihira oh parang ako pa tong nanay nila grabe manghingi ng pera sakin.

Nang tuluyan ng makaalis si Trina ay hindi kona namalayan na nasa tabi kona pala ang aking asawa na ikinagulat ko ng magsalita ito sa tabi ko.

"Hindi pa din nagbabago itong si Trina buraot padin hanggang ngayon." Sagot ni Hope na may halong pagtatampo na lalo kong ikanakunot ng noo sabay napatingin sakanya

"T-tapos kana ba mamili ng mga damit?b-bayaran na natin." Kabado kong sagot

Bakit bako kinakabahan wala naman akong tinatago ah tangina.

"Sige." Pagsang ayon nito habang nakangiti

Agad akong pumunta sa counter at nagbayad ng mga binili ni Hope. Nang nakapagbayad na kami ay nakaramdam ulit si Hope ng gutom kaya agad kaming pumunta ng mcdo.

Nang makapasok na kami sa mcdo ay agad kaming umorder at umupo sa upuan malapit sa counter.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na yung order namin ni Hope at sabay kaming kumain. Nang matapos kami kumain ay dumeretso naman kami sa arcade dahil sa mahilig talaga si hope maglaro kahit na alam nya sa sarili nyang mag asawa na kami.

Hayst ang sarap bumalik sa pagkabata.

Nang magsawa ay kami ay naglakad lakad muna kami bago lumabas ng mall at naglakad na din pauwi.

Habang tahimik kaming naglalakad ay dahan dahan kong hinawakan yung kamay ni hole at nang bigla nalang akong nakakaramdam ng kaba  na hindi ko mapaliwanag.

Nang makailang minuto ay may may  biglang humintong black van at  ng pagkatingin ko sa sasakyan  ay maraming lalaking lumabas at  nagulat ako dahil sa bigla na lamang may nagtakip sa ilong  ko ngunit bago ako mawalan  ng  malay at bumagsak sa gilid ng  kalsada ay nakita ko yung  asawa ko na nagpupumiglas at  pilit lumalapit sakin.

Wait nangyare na ito sa panaginip ko ah.

Pinipilit ko sarili ko na tumayo kahit na nakakaramdam nako ng hilo at antok ng may bilang may humampas sa likod ko at may narinig akong familiar na boses lalake bago ako mawalan ng malay.

"Good job,now dalhin nyo sakin si Hope at tawagan nyo yung mga pwedeng kumuha sa walang kwentang si Diara."

Taki's pov

Ilang araw na nakakalipas nang makita namin ang kabigan namin na si Diara na walang malay sa kalsada, sinubukan namin kontakin ang asawa nitong si Hope ngunit hindi rin ito sumasagot at sinusubuka din namin asawa nito ngunit hindi namin makita kahit saan.

Hanggang ngayon ay hindi pa din gumigising si Diara kaya ang ginawa namin ng kaibigan namin na si Trina at Tate ay salitan kami nagbabantay rito nang biglang tumakbo si Tate na parang nakakita ng multo at halatsng kinakabahan kaya tinapunan ko ito ng tingin na may paghalong nagtataka.

"Emergency meeting Taki gising na si Diara ngunit may meeting raw." Hinihingal nitong saad

Agad naman ako napatayo at sinundan ko si Tate dahil naghihinala nako mukhang may hindi talaga magandang nangyayare ngayon.

Nang makapasok kami ni Tate sa kwarto ni diara ay nakita ko itong nakaupo lamang sa kama nila Hope habang si Trina naman ay nakaupo sa sofa kaya mahinahon kami ni Tate umupo sa tabi ni Trina.

"Naabutan nyo ba sila?." Panimula ni Diara

Nagkatinginan kami ni Tate at Trina na may halong pagtataka dahil sa tanong nito samin.

Nagulat kami ng bigla nitong hinawakan yung vase sa lamesa sa tabi ng kama sabay hagis sa pader kaya lalo kaming nagtaka at may halong takot na nararamdaman dahil sa ginawa nito.

"Bullshit! hindi nyo alam? dinukot asawa ko tangina." Sigaw nito

Napayuko ako dahil sa kinakabahan nako dahil malamang kami na ang mapagbubuntungan ng galit nito.

"H-hahanapin n-namin si Hope." Pabulong na saad ni Trina habang nauutal

"Alam ko kung sino yung dumukot sakanya,tawagan nyo yung mga tauhan natin babawiin natin si Hope kay Aiden." Gigil na sagot nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The House of HellWhere stories live. Discover now