Ika-apat na kabanata

3 0 0
                                    


ilang pagkakataon ba ang kailangan para lang mahagkan ka?

tangina, ang brutal kasi ng mundo.
ilang beses niya na tayong pinagtagpo.

tapos kapag nasanay na 'ko,

babawiin ka na niya ulit sa 'kin palayo.

nilipat 'yung section niyo sa 'min noong elementary.

wala raw kasi 'yung adviser niyo dahil kesyo may emergency.

naaalala mo kung gaano kagulo ang room namin.

habang ako, hindi ka man lang napansin.

sa ikalawang pagkakataon, 

ako naman ang 'di mo man lang tinapunan ng tingin.

malakas ang ulan at malamig ang hangin.

nakatayo ka at may kausap sa harap ng room namin.

i eventually asked my friends about you.

"sino 'yon?"

kaso..

hindi ka rin nila kilala.

but there really is something i like with your vibe.

kahit pa,

hindi naman kita kilala.

ah basta,

ikaw 'yung poging naka puting polo-shirt sa labas ng room five.

for the third time,

God might have thought that maybe,

maybe our love deserve a chance.

natagpuan na natin ang isa't isa.

pero,

hindi ka handa.

mahal mo lang ako pero,

parang minsan nawawala?

'yon ang naging dahilan ng pag alis ko.

hindi mo naman ako tinulak palayo pero,

somehow, parang hinihintay mo na lang ding mapagod ako.

napagtanto ko ring,

tangina, napagod nga 'ko.

napagod ako kakasagip sa 'yo.

ang dami nang nabago nung nawala ka.

mas natutunan kong mahalin ang sarili ko.

sobra sobra pa sa paraan na alam mo.

okay naman pala kahit wala 'yung pagmamahal mo.

kaya't ikinagulat ko nang malaman kong,

hinahanap hanap mo pala 'ko.

sa huling pagkakataon,

hiniling mo ulit ang makasama ako.

maniwala ka sa 'kin,

tangina, gustong gusto ko.

gustong gusto kong bumalik sa 'akap mo.

pero napagtanto kong,

ngayon,

hindi na 'yon ang kailangan ko.

siguro nga masaklap ang kinahitnan natin.

kinalaban natin hindi lang ang mundo,

kun 'di pati ang mga sarili natin.

hindi mala-pelikula ang kwento nating dalawa.

but despite of that,

marami pa rin namang nangyaring magaganda.

ilang ulit ko mang isulat 'to,

ito na ata talaga ang dulo.

nawala ka,

at nahanap ko naman ang sarili ko.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Katha ni JulianaWhere stories live. Discover now