“Ma’am...” pag-tawag ng isang guard sa’kin paglabas ko ng bahay na-ikinagulat ko, lumapit ito sa’kin na para bang nasasabik siyang makausap ako.
“Mag-papasalamat lang ho ako sa mga gamit ninyo...may bagong mga gamit na ang asawa’t anak ko.” ngumiti naman ako, I’m glad that I actually helped someone.
Nakatulong naman pala ‘tong mga gamit ni Von.
Halata naman sa hitsura ng lalaki na masayang masaya nga ito.
“Wala po ‘yon, Kuya. Isa pa, hindi naman sa’kin ‘yan at hindi ko rin naman magagamit.” I responded.
“Pero may nag-iiwan pa rin po ba ng gamit sa guardhouse?”
hindi ko mapigilang hindi tanongin ang tungkol doon dahil sa kuryusidad.
“Halos araw-araw nga ho, Ma’am Soleen. Tambak na tambak na nga ho ro’n ng mga gamit.”
Ipinikit ko naman ng mariin ang mga mata ko. This man, kahit kailan talaga walang araw na hindi niya pinapakulo ang dugo ko ng ganito.
Ano bang gusto niya?
Bakit sa dinami-daming tao, ako pa? Nahihibang ata siya.
Bumalik na ako sa loob ng bahay ng nakasimangot lang dahil sa toyong nararamdaman.
Pero parang nabuhay ata lahat ng dugo ko sa katawan nang makita si Celeste.
“Why didn’t you inform me? pupunta ka pala rito.”
“I know what you’d say, Vivi. sasabihin mong busy ka.” She replied as she crossed her arms.
“Fine...pero hindi kaya!” Although she’s right, I’d probably say that.
“Kainis nga, hindi ako naka-punta nung birthday mo. na busy sa pag-aasikaso sa bar, malapit na kasi ‘yung opening eh.”
“It’s okay! Ano ka ba, lagi ka namang pumupunta tuwing birthday ko e.”
“I don’t care, gusto ko nand’yan ako palagi e.” I rolled my eyes at her.
“Pero ano ‘yung narinig ko, ha? Hindi pa rin tumitigil ‘yung stalker mo?” she added.
I sighed, here we go again—the stress giver.
“Yeah, I don’t know what to do anymore, till now he’s sending me those things, and also! Naka-pasok siya ng bahay kahit may mga guard at may tao rito sa loob.”
“Ano bang gusto niya?” she asks.
“Aba, I don’t know! He wants me to get married. to him, I think he’s crazy.”
“Kaya pala...that’s what you get, dahil sa kagustuhan mong maging single for life, siya na lumapit sa’yo.”
“Ew? Over my dead body, ayoko.”
“Babawiin mo rin ‘yan.” My eyes narrowed at her.
“Are you here just to annoy me, Cel?”
“Joke lang nga! Belated happy birthday na lang, punta ka na sa bar opening ko, sunday.”
“Baka busy ako.”
“Eh nakasagap nga ako ng chismis na si Kiel ngayon nag-asikaso ng mga gagawin mo sa office e, ano ‘yon ha?”
“T’saka ano ba, that's my gift! unlimited liquor.” she added, trying to convince me.
YOU ARE READING
Unseen Strings
RomanceSoleen Viorel Alcazar is a girl who is reserved and interested in her life only and unconcerned with her surroundings. Her family and her aspirations in life are her top priorities. Love has no place in Soleen's life, and she would not allow it to f...