Prologue
Love growing up was a plate of my Lola's Pancit-tangled, flavorful, and forever twisted.
Growing up in the suburbs of rural mountains, pancit remained as the exact combination of perfect imperfection. The seasons of love, the sprinkled onions, and the taste of a wonderful blessing, yun yung maganda tungkol sa Pancit.
Pero isa lang ang palaging reklamo ng mga kapitbahay naming mga ignorante: "Only one thing made pancit imperfect!" At yun nga yung pagbubuklod-buklod ng mga matataas na noodles.
Kahit gaano pa daw kasi kasarap ng timpla ni lola, aanhin lang daw yung sarap kung ang hirap rin naman daw lunukin ng mga matataas na noodles.
At sa pilit ngang pangungulit kay lola ay bumigay na rin siya't sinabi na sinadya niya talaga yun. Pagka't sabi pa nya, kung ipagsasabay daw yung mga perpektong bagay, malamya na. Kaya, mas mainam pang maranasan natin muna, ang 'hirap' bago ang 'sarap'.
Perfectly drizzled spring onions and organically made seasonings. That made Pancit special. But what made it more special, was the flavorful taste of happiness and joy being expressed through hard-to-swallow noodles referring to the obstacles of life.
Doon mo lang matatamasa ang sarap, kung maghihirap ka muna.
Dahil kapag dinalian mo rin ang pagkain sa pancit, eh mag-me-meet and greet talaga kayo ni San Pedro ng maaga.
Yun yung sabi ng lola ko. Eh wala namang mawawala sa akin kapag hindi ko yun sinunod, diba? Hah! Isang Chandria kaya to, noh! At sino bang nag-aakalang mas maganda pa palang mamatay kung mabilaukan sa pancit kung sa mga kamay lang pala ng gwapong San Pedro ako mahuhulog?
"Bakz? Nako-nako! Alam mo namang natatae na'ko dito, diba!? Gumising kana, jusko po!"
Boses bakla ang narinig ko. Ay wow? So kasalanan ko pa talagang natatae siya?
"Chandria! Anak ng! Gumising kana kasi! Oa mo naman masyado!"
Ginalaw-galaw nila ang kamay ko at tila ba'y may kakaibang masikip sa dibdib ko. Ugh. Idinilat ko ng maiksi ang mga mata ko at narinig ko ang mga sigaw ng mga taong nakapalibot sa akin.
"Ay thank you, Lord! Gumising na ang malaking kahihiyan!"
Tumingala ako sa kisame ng lugar na napaparoon ako. Pilit na hinahawakan ang dibdib, Feeling ko na mamatay na ako. Aray shet. Umubo-ubo ako at sinuntok-suntok ng kamao ang puso- pilit parin akong nahihirapan sa paghinga.
"Hala-hala dali! Bigyan niyo siya ng tubig!"
"Hurry up naman, oh! my gosh!"Tinulungan akong umupo ng nga taong nakapaligid sa akin. Nag-evolve rin ang postura ko, at ngayo'y nakasandal nako sa isang konkretong pillar. Namukhaan ko ang tatlo sa barkada ko-si Val, ang naka-red-hime-haircut, si Primo, ang morenong nakapagbitbit ng bag ko, at si Beknang, ang beking 'Chapell Roan' inspired daw ang makeup pero peppa pig naman ang kinalabasan dahil nasobraan sa blush.
"A-Ano...ba, kasi y-yan..." Pahina kong sabi sabay ubo at pisil sa puso. "AHH! Water naman po, please! Hurry up po! So tagal naman niyan, eh!" Sigaw ni Val. "Mamaypay po! Mapaypay!" Saad ni Primo habang si Beknang naman ay tumitingin sa akin na para bang mamatay na ako.
Oa naman ng mga impaktang to. Kung sino maka-asta eh, parang sa exam ay hindi rin lang naman ako pina-copy. Mga unfair.
At sa puntong iyon, nagsalita na ang gwapong San Pedrong maputi at chinito na kanina pang iniyuyugyog ang mga balikat ko.
"Miss? Are you okay? Should I call an ambulance?"
Gago. Pati ang boses ang gwapo.
"AHHH! Swerte mo Channie!" Beknang squicked in happiness. "Mas mainam nalang siguro kung mamatay kana, kami na lilibing sayo, may patay na patay na sayo dito, eh! AYIEE!" Dagdag ni Beknang na para bang kinikiliti na nang dinosaur.
YOU ARE READING
PresCon RomCom [ON-GOING]
RomanceGrowing up in the suburbs of loved Filipino cuisines, Chandria Pizoniez, a math genius but a language loser, finds herself battling with emotions as she stumbles upon a major literature inconvenience that might be the reason for her downfall to one...