Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Hindi naman siguro kasalanan ang umibig sa matalino. Pero, kasalanan bang hindi ka makapili sa dalawang gwapo? Naks. Swerte ko naman.

"Inlove kana."
"...ha..?"
"Huwag mo na kaming lokohin, Chandria. Inlove ka, eh." Pang-aasar ni Primo.

Hindi ko napigilang ngumiti at binaon ko nalang ang mukha ko sa mga palad kong kanina pa napuno sa pawis. Para akong nalulunod sa hiya, kilig, at sa puntong malapit na'kong mabaliw.

Parang virus ang epekto ni Noah at Gabriel sa akin. Parang, gusto ko nalang maging matalino para naman ay mapunta ako sa section nila, Lualhati. Parang mas na-mo-motivate akong mag-aral, hindi na mag-cutting, at maging chiks nalang na nagpapapansin sa kanila.

"Ahay! Huwag kanang ma-uto, Primo! Alam mo, isa nanaman 'yang si Noah at Gabriel sa hindi matapos-tapos na listahan ng mga crush ni Channie. Tingnan mo, bukas? Hah! Iba nanaman crush niyan." Aroganteng resbak ni Beknang habang ininiligpit na niya ang mga gamit niya.

Ngayon ang araw na haharapin ko si papa, ang nag-iisang lalaking kinakatakutan ko. Strikto at masungit, ang tali-talino rin ng taong 'yun. Nagtatrabaho siya sa isang kompanyang gumagawa ng mga diyaryo, habang ang relasyon ko naman sa kaniya ay, komplikado siguro kung tawagin ko.

Tuwing end of the quarter niya lang ako inaayang makita. Yun kasi, may iba siyang pamilya. May dalawang anak siya sa other family nya, puro babae at puro nag-aaral sa isang private university. Mas matatanda pa yun sa akin so ibig-sabihin non, kabit lang ni papa ang nanay ko, at, hindi siguro ako na-plano at aksidente lang ako. Pero kailan ma'y hindi ko siya itinakwil, o i-hate man lang.

Kontento naman ako sa ilalim ng puder ng lolo't lola ko, eh. Sa masayang buhay at nakahilata ako ngayon sa kama habang may dalang mga notebooks sa math. Si Beknang naman ay nasa pintuan na, si Val ay nag-ma-make-up pa, si Primo ay nag sasapatos. Hindi ko alam kung pano pa namin naipagkasya sa maliit kong kwartong 'to ang malalaki naming hinanakit, ay este, malalaking katawan pala.

"Dali na, Channie! Bilisan mo nga." Sigaw ni Beknang na nagmamano na sa lola ko.
"Ingat kayo, ha. Mga sexy at maganda pa naman kayo..." Panunukso ni Lola at kilig na kilig naman ang Bakla.

"Huy Val, Primo at Chandria! Tara na!"
"Sige na nga, madam!" Angal ko.

Mula sa pagkaway ni lola, sa pagsakay sa jeep ni lolo na kami lang ang pasahero, at sa pagtapik ni lolo sa likuran ko bilang isang 'goodluck' sa pakikipagkita sa tatay ko, hanggang sa pagmano ko kay papa na iniwasan niya lang. Iniayos ko ang buhok kong buklod-buklod, at ang damit kong gusot-gusot.

"...pa..." Humarap na ako sa kaniya at Pa-awkward na umupo sa magarang sofa sa malaking mansyon niya. Umupo ako sa harapan niya pero, hindi niya lang ako tiningnan sa mata.

Ginawa ko ang pinaka best kong mawala ang nakakabinging katahimikan. "K-Kamusta naman po, 'pa? Yung trabaho mo po? Okay lang po ba ang lahat?...Alam mo 'pa—"

"Shut your mouth and stop talking nonsense, Pizoniez." Saad niya. Dala ko parin ang apilyedo niya dahil ipinilit ko talaga siya dati. Pero 'di ko inakalang ganito pala kasakit yung apilyedong yun.

"Get straight to the point. Honor kaba this quarter?" Tanong niya.

"H-Hindi pa naman ako s-sure pero, mataas 'yung grado ko sa m-math...97—"

"So you're not sure that you can be entitled an honor student? And why in the world is that?"

"Bagsak po kasi ako sa e-english, history, at filipino. Line of...s-seven po. Pero...yung iba ko rin namang subjects ay line of e-eight! O-Okay na po...siguro 'yun..."

"Talaga? I'm not shocked anymore. Isang matinong desisyon talaga pala ang pag-iwan ko sa'yo. You'd be a big disappointment in our bloodline." Sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PresCon RomCom [ON-GOING]Where stories live. Discover now