YSABELL
Ang bawat pagpasok ko sa silid ngayong linggo ay parang isang pelikula ng kaba.
Parang may nakabitin na espada sa aking ulo na anumang sandali ay babagsak.
Nakikita ko ang mga babaeng kaklase namin nina Anika na para bang hinihintay ang aking pagdating.
Ngayon, habang naglalakad ako papasok ng silid, may biglang humila ng buhok ko.Nabitawan ko ang mga gamit ko at natumba ako patalikod.
Nang makita ko kung sino ang humila, napa-singhap ako sa takot.
"Masyado ka ding malandi, ano? Hindi ka pa rin natu-tuto sa mga pangaral na ginagawa namin sayo?!" Singhal ni Ayesha, ang mukha niya ay puno ng galit.
"Ilang beses pa ba naming uulitin sayo na layuan mo na sila Kenzo at Kaizer?! Akin lang si Kaizer kaya lumayo-layo ka na sa kanila kung ayaw mong ipagkalat namin sa buong school kung gaano ka kalandi na babae." Singhal ulit ni Ayesha, mas lalong nag-alab ang kanyang galit.
"Wala naman kaming ginagawang masama, atsaka, kaibigan din namin si Anika, bakit ako lang ang pinagdi-diskitahan niyo? Ano bang ginawa ko sa inyong mali?" Singhal ko din sa kanya, nagsisimula nang mag-init ang aking ulo.
"Aba lumalaban ka na ha!" Sigaw ni Ayesha, maya-maya ay itinaas niya ang isa niyang kamay, hudyat na ako'y kanyang sasampalin.Pero biglang may humawak ng kanyang kamay, dahilan para mapa-singhap siya sa sakit.
Si Kaizer!
"Kayo pala ang dahilan ng mga bruises ni Ysa, ha. Bakit pa nga ba ako magugulat. Tigilan mo na si Ysa, Ayesha. Dahil kahit kelan, hindi kita magugustuhan. Tandaan mo yan." Singhal ni Kaizer kay Ayesha sabay tulak kay Ayesha sa mga kaibigan niya.
Tinulungan ako ni Kaizer makatayo ulit at pinagpag ang mga gamit ko pati na rin yung buhok ko ay inaayos niya.Pina-salamatan ko siya at sabay kaming nagtungo sa loob ng silid.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Kaizer, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
"Oo, okay lang ako," sagot ko, ang aking boses ay nanginginig pa rin.
"Pasensya ka na sa kanila." sabi niya, ang kanyang boses ay malambing.
"Thank you," sagot ko. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko if ever hindi ka dumating."
"Wala iyon." sabi niya, ang kanyang ngiti ay nagbibigay ng kaunting ginhawa sa aking puso.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi dumating si Kaizer.Parang natatakot ako sa posibleng mangyari.
Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, naramdaman ko ang kanyang pagmamalasakit.
Ang kanyang pagiging matapang.
Ang kanyang pagiging tunay.
Parang unti-unting nagbabago ang aking pananaw sa mundo.Parang mayroong nagsisimula sa aking puso.
Parang mayroong nagsisimula sa aking kaluluwa.
Ang takot ay unti-unting napapalitan ng pag-asa.Ang galit ay unti-unting napapalitan ng pagmamahal.
Ang pagiging nag-iisa ay unti-unting napapalitan ng pagiging kabilang.
Ang lahat ng ito ay dahil sa isang tao.Isang tao na nagbigay ng ginhawa sa aking puso.
Isang tao na nagbigay ng pag-asa sa aking kaluluwa.
Isang tao na nagngangalang Kaizer.Lunch time na at sabay kaming ni Anika na pumunta sa Cafeteria.
Sinabi na din sa kanila ni Kaizer yung nangyari kaninang umaga at ngayon ay galit na galit si Anika kay Ayesha.
Inilabas niya ang kanyang pagkain, at inamin sa akin na magpinsan pala sila ni Ayesha.
Ngayon, si Anika ay galit na tinititigan si Ayesha at ang grupo nito na nakaupo sa di kalayuan.
"Anika, di mauubos yang fries at burger mo kung patuloy mo lang sila tititigan. Just let it go." Saway sa kanya ni Kenzo.
"No. She hurt Ysa! Nakita mo ba yung bruises niya? Gosh! You will feel super worried dahil biglaan na lang siyang nagkaroon nun, then, knowing na pinsan ko pa ang gumawa nun, I feel responsible for what she did." Ani ni Anika na masama pa rin ang timpla.
"Niks, I'm fine. You see, all the other bruises are gone. Okay lang ako." Sabi ko naman with assurance.
"Sa ngayon. Pano bukas? O sa mga susunod pa na mga araw? You'll never be sure, Ysa. We need to protect you from those people who mean harm to you because that's what friends are for." Sabi ni Anika na binigyan ako ng assuring smile.
"Thank you, Niks. I really appreciate it." Sagot ko naman.
"Oh, eto na yung vegetable salad mo Ysa, and vegetable burger mo Kenzo... Alam niyo, para na kayong mga kambing." Sabi ni Kaizer, na naglalakad patungo sa aming mesa.
"Bakit naman?" Tanong ni Kenzo na kakagat pa lang sana sa burger niya.