Kath's POV
Yay! Monday na naman. Excited akong pumasok, ewan ko ba kung bakit siguro kasi maaasar ko na naman ang grupo ni Bea. Yeah, sa loob ng isang linggo naming pagpasok sa Ford High, halos araw-araw nagbabanggaan at nagbabangayan ang grupo namin ni Bea. Papatalo ba kami? Syempre hindi kaya nga mas lalo silang naaasar sa amin eh, lalong-lalo na nung naagaw namin ang table nila sa canteen.
Sa loob ng isang linggong yon, nakilala na namin ang grupo ni Bea. Kasama nya sila Bianca, Sofia, Barbie at Michelle. Lahat sila may itsura, at anak mayaman. Lahat sila mean, maliban kay Michelle na napasama lang ata sa kanila.
Oo nga pala, grupo na namin ang uupo dun sa table nila sa canteen at hinding-hindi na makakatambay ang grupo nila Bea dun. Paano nangyari? ganito kasi :)
*FLASHBACK
"Girls, himala ata ngayon hindi natin nakita ang 'Barney and the Gang'" sabi ni Kiray habang nag lalakad kami papunta sa parking lot tapos na kasi ang klase namin ngayon at uwian na. Friday ngayon at bukas wala kaming pasok.
Madalas lang kasi naming makasalubong sila Bea, at kapag nakasalubong namin sila for sure may away na mangyayari. Hindi kasi namin sila kaklase eh, guess what? Last section sila. No wonder kung bakit ganyan ang mga pag-uugali nila. Ewan ko ba pero inis na inis sila sa amin kahit wala naman kaming ginagawa. Hindi naman kami ang gumagawa ng first moves eh para mag-away kundi sila. Syempre hindi naman kami uurong. Pero minsan kapag tinutopak kami, kami ang magsisimula. haha
"Hayaan nyo na, baka natatakot na sila"
"Right, loosers eh." sarkastikong sabi ni Yen
"Speaking of the bitches." sabi ni Julia. Napatingin tuloy kami sa gawi kung saan sya nakatingin.
Speaking of the bitches nga. Sila Bea, nasa parking lot, nakataas pa ang mga kilay nila habang nakatingin sa amin.
"Tagal nyo ha? ano kayo mga prinsesa naglalakad sa red carpet?" sabi ni Bianca
"Bitch please, mas okay ng maging prinsesa kesa witch and bitch." Sagot ni Julia.
Tumawa kami ng pang-asar bwahahaha.
"Psh. may bukas pa, dami nyong tawa ah." Sofia
"Talaga? Nabilang mo kung ilan? Gano karami?" Yen
at nagtawanan na naman kami. Hahaha.
Gravity mga mukha nila. Pulang-pula na Hahaha.
"babaw ng kaligayahan nyo ah. Tuwang-tuwa lang?" Barbie.
"Oo, mukha kang tuta eh." Kiray
at tumawa na naman kami. Hahahaha
"STOP IT!!!!" sigaw ni BEA
my turn now :)
"Ang baho, gosh" sabi ko sabay takip ng ilong na para bang nababahuan.
hahahah laughtrip na naman kami. Laughtrip din kasi yung mukha ni Bea halatang asar na asar na.
"Stop na girls, maawa naman tayo sa kanila" sabi ko kila Yen, Kiray at Juls na nakasmirk. Sabay tumingin ulit ako kay Bea, "Ano kailangan nyo at mukhang hinihintay nyo kami?" tanong ko.