CHAPTER 2

137 3 0
                                    

DJ's POV

Hi! ako si Daniel John Ford Padilla. DJ for short. 18 years old. Matangkad, di naman kaputian, pero gwapo! Habolin to mga bregs! Hindi pa taken pero stick to one ako. Goodboy ang look ko, naka-polo lagi tapos yung buhok ko pa-goodboy din. Hindi ako mahilig manakit ng babae. Im a new transferee student sa FORD HIGH. 4th year na ako. sa FORD Elementary ako nag-aral pero kinuha ako ni Papa sa US at dun pinag-aral ng Highschool at ngayon i decided na balikan ang babaeng pinakamamahal ko, si Zharm Arriola. 

Hiwalay na ang Mama at Papa ko. Si Mama dito sa Pilipinas inaasikaso ang mga Business  nya. May tatlo akong kapatid kay Mama si JC, Magui at Lelay. Namiss ko din ang tatlong kapatid ko nung nasa America ako. Si Papa naman sa US na nakatira. Nag-migrate sila nung 9 years old ako. Pero napag desisyonan nyang kunin ako at dun pag aralin ng Highschool. May apat akong kapatid kay Papa, si Kuya Matt, Kuya RJ, Ate Roanna at si Red. Masaya ang buhay ko, kahit madami akong kapatid mahal ko silang lahat.

Si Zharm Arriola, ang first love ko at sa tingin ko ang huli na din. Sya ang babaeng pinakamamahal ko na iniwan ko nung pumunta ako ng US. Hindi naman kami pero mahal ko kasi sya. Classmates kami sa Ford Elementary. Boyish yun eh kaya naging close ko agad. Bago ako umalis hindi ko man lang naamin sakanya ang nararamdaman ko. Pero ngayong nakabalik na ako, pinapangako ko gagawin ko ang lahat para maging kami na. 

Ang buhay ko sa America, masaya pero nung una nahirapan din ako. Namimiss ko kasi si Zharm pero hindi naman ako tumigil sa pakikipag-communicate sakanya. Kahit tumira ako ng ilang taon sa America, simple pa din ako mamuhay. See? ni hindi nga ako nag-eenglish mga bregs! haha. Pinag-aral ako ni Papa sa Padilla University. Aminado naman ako na madaming magaganda sa America, yung iba nga sila pa ang lumalapit sa akin. Pero ewan ko ba. parang nakatali na ang puso ko sa iisang babae. Sa loob ng tatlong taon ko sa US, ni hindi ko nagawang umuwi. Sila mama kasi ang bumibisita sakin. Mabuti na lang sa desisyon kong umuwi ng Pilipinas at dun mag-aral tinulungan ako ni Mama kaya pumayag si Papa. 

April 20, umuwi na ako sa Pilipinas. Naisipan ko kasi na dito na mag-birthday. Sinundo naman ako nila Mama sa Airport. Agad ngang naghanap ng chocolate si Lelay. Si Magui naman ang laki laki na. Si JC lalo lumaki ang katawan. Si Mama? Naku! lalo tumaba. Haha

April 26, Birthday ko na. Eto na ang araw na pinakahihintay ko kasi magkikita na kami ni Zharm, ininvite ko sya eh. Dito lang sa bahay namin ang handaan. Sinabi ko din kay JC na mag-invite ng friends nya para naman magkaroon na din ako ng mga kaibigan dito. Isang taon lang naman kasi ang agwat namin ni JC. 

Dinala nya naman ang mga kabanda nya, may banda pala sila, sakto makakabond ko sila marunong din kasi ako mag-guitar, basista ako eh. hehe. Sayang kompleto na kasi sila. Nakilala ko si Niel Coleta ang basista ng grupo, Katsumi Kabe ang rhythm guitarist, si Seth Gothico ang Lead Guitarist tapos si Lester Giri ang Drummer. Lahat sila mga cool, close ko na nga eh. 

Masaya din ako ng araw na yan dahil bukod sa nagkaroon ako ng mga tropa, nakita ko na din si Zharm. Hindi lang yun mga bregs! Pumayag na din syang ligawan ko sya. Wala pa ding pinagbago ang mahal ko (malaki pa din ang noo. haha joke) maganda pa din sya sa paningin ko. Sobrang saya ko nun na hanggang sa pag tulog nakangiti ako. Alalang-alala ko pa nga kung paano ko sya napapayag ligawan.

*Flashback

Nasa may garden kaming dalawa ni Zharm ngayon

"Zharm gutom ka pa ba? Kain ka lang ha wag ka mahihiya." sabi ko

"Oo naman DJ. namiss kita." zharm.

"Ako din Z, wala kang idea kung gaano kita namiss." sabi ko habang nakangiti.

Unextraordinary Lovestory (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon