CHAPTER 4

119 2 0
                                    

KATH's POV

"UGHHHH!" grabe naiinis pa din ako.  Nakasandal ang ulo ko sa Stearing Wheel ng Kotse ko.

Ano na lang iisipin ng mga nagtatrabaho dun.

Na im 17, and not virgin anymore.

at di lang hindi na virgin, magkakababy pa soon.

Paano na lang kapag nakarating yun kila Mommy at Daddy, lalong-lalo na kay Kuya Kenji.  Huhuhuhu.

Narinig kong bumukas ang mga pintuan ng kotse ko at nagsara rin. Tinignan ko ang mga pumasok, sila Yen, Julia at Kiray. Lahat sila nakangiti sa akin. Ibig sabihin siguro ng mga ngiting yan eh nagustuhan nila ang ginawa kong palabas.

"Thank you Kath, you're the best." sabi ni Yen na yumakap pa sa akin. Sa shotgun seat ulit sya umupo.

"Kath, grabe ka. Sabunot  kung sabunot eh. Wagas. hahaha" Kiray habang tumatawa.

"Kath, nagulat ako sa sinabi mo ha. Buntis ka? Sobrang havey ng sinabi mo. hahaha. yung face nung guy at lalo na si bitch na girl gulat na gulat din." sabi ni Julia.

"Heh! Masaya ako sa ginawa ko girls, pero waaaahhhh bat ko ba nasabi na buntis ako? Ang tanga tanga ko lang. Ano na lang iisipin ng mga nagtatrabaho dun sa Resto na nakarinig." sabi ko habang nagwawala, hindi pa din ako makaget-over uwahhhh. kill me now plssss.

"Girl, the best yung ginawa mo promise. For sure brokenhearted na yung bitch na babaeng yun ngayon." sabi ni Yen na nagsmirk pa.

"Hindi ka naman makikilala nung dalawa eh hindi ka naman nila kilala, hindi na siguro magtatagpo ang mga landas nyo kaya wag ka na mag worry dyan." Julia.

"Dont worry Kath, nakausap ko na yung mga nagtatrabaho sa Resto sinabi ko na acting lang yun at hindi totoo, hindi yun makakarating sa Family mo." sabi ni Kiray sa akin.

"Okay." i sighed at na-relieve naman ako sa sinabi ni Kiray. Yung pag-alala ko napalitan na ng saya dahil sa nangyari.

“Pero grabe girls, ang gwapo nung guy. Super” sabi ko. Kasi gwapo talaga as in. Hearthrob.

“True, parang naka-jackpot nga yung bitch na babaeng yun eh.” Kiray.

“Mukhang hindi badboy guys ha, look yung dating nya parang mabait.” Julia.

“Yeah right. Pero sorry na lang si girl, dahil sa katangahan nya nawala si guy sa kanya.” Pang-asar na sabi ni Yen at nagtawanan kami.

"I think kailangan natin magcelebrate." sabi ni Kiray while smiling.

"As much as i want to, sa tingin ko wag na lang Kiray, gabi na eh at isa pa uuwi na ako baka kasi nakauwi na si Kuya Kenji eh." sabi ko sa kanila.

"Kath is right, first day of school natin tomorrow. Next time na lang siguro girls." pagsang-ayon sa akin ni Julia at nag nod na lang sila Yen at Kiray.

Hinatid ko na silang tatlo sa bahay nila Yen. Naiwan kasi ang mga kotse nila Kiray at Julia kila Yen. Pagkahatid ko umuwi na ako.

Pagkapasok ko ng bahay, pa-akyat na sana ako sa hagdanan para pumunta sa kwarto ko ng mapahinto naman ako sa nagsalita.                                                                                                                                                                                       

Unextraordinary Lovestory (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon