Kath's POV
Saturday ngayon at 2 days na lang pasukan na. Im so excited na pumasok sa bago kong school. A New life, a new environment.
1pm na at hinihintay ko na lang ang mga kaibigan ko dito sa bahay. May bonding kasi kami ulit ngayon pero dito lang sa bahay. Enjoy kasi dito sa bahay eh, bakit? Kasi ang bahay namin may sariling Bar room, Salon room, KTV room, Bowling room, Movie room, Music Room, Gym, Swimming pool, sa kabilang lote may "go kart" kami, Tennis Court, Basketball Court at my "horse back riding" pa. Lahat yan pinagawa ng Daddy ko para sa akin, si Kuya Kenji ang nagrequest nyan sa kanya para di raw ako gaano lumabas ng bahay. Minsan dinadala din ni Kuya ang mga kaibigan nya dito pero kapag nandito ang mga kaibigan nya? im not allowed na lumabas ng kwarto ko. Hay kuya talaga.
*knock knock
"tuloy." sabi ko.
"Kath, andyan na mga bisita mo." sabi ni Manang Rose.
"ahh sige po Manang. Sunod na po ako." sagot ko.
Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto papunta sa Living room. Nandoon na nga yung tatlo.
"Kath, tara sa Movie Room." yaya agad ni Juls.
"Trip nyo mag movie marathon ngayon?" tanong ko.
"Oo, mukhang maganda yung bagong movie MUST BE... LOVE" sabi ni Kiray.
"Teka showing pa lang yun ah." sabi ko.
"Girl, kasama kaya ang mini Theater mo sa over 100 Theaters nationwide na pagpapalabasan ng mga Movies. duh" sabi ni Yen sabay roll ng eyes.
"Right. Lets go." sabi ko.
"Ahh Manang Rose, pakihandaan naman po kami ng Snacks pakidala na lang po sa Movie Room. salamat po." sabi ko kay Manang Rose.
"Sige Kath." sagot ni Manang Rose.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa Movie Room at pinapanuod na nga namin ngayon ang MUST BE...LOVE
Grabe lang ha. Hindi matigil sa katitili etong tatlo kong kasama, napapasama na rin tuloy ako.
"Girls, ang gwapo talaga ni Ivan." sabi ni Yen na nagtititili pa. Gwapo nga ang artistang eto parang may kung anong charisma eh.
"Patchot ako." sabi ni Juls.
"Angel ako." sabi naman ni Kiray.
"talaga? maka- ' Peytch? Eyven' ka pala. " mataray kong sabi kay Kiray, ako na bitter maka patchot at Ivan kasi ako eh.
Tumawa naman si Yen at Julia sa sinabi ko. Yung pagkakasabi ko kasi ginaya ko pa kung paano binigkas ni Angel yun sa movie.
Nagconcentrate na lang kami sa panunuod ng Movie hanggang sa matapos namin. Grabe pala sa ganda ang movie na to. No wonder kung bakit blockbuster to. Team Fastforward ako. hehe.
"tara girls sa Gym, nagsisitabaan na kayo." matawa-tawa kong sabi sa kanila.
"gosh. this cant be." napa-iling na lang nilang sabi. Mga concious yang mga yan sa body nila eh syempre ako din. ang totoo naman feeling ko ako ang tumataba eh kaya ako nagyaya sa Gym gusto ko lang talaga silang asarin kaya sinabi ko na tumataba na sila. haha
"sa kwarto muna tayo, bihis tayo ng damit." papahiraman ko na lang sila ng workout clothes nakapang-fashion kasi sila eh. hehe.
After magbihis dumiretso na kami sa Gym at nag-start ng mag workout. 4 pm na pala ang bilis lang ng oras.