4 - CONVO

7.4K 259 18
                                        


From: My Rish

"ok.. see you this Sunday."


Makailang-ulit ko pang binasa ang reply niya bago ako napangisi. I'm glad, may time na siya to be with me.

"Don't do that again, Krisz, don't make me distracted because of you!"

Napangiti ako ng malawak ng muli kong maalala ang mga katagang binitiwan ni Rish. It's been a week pero di ko pa rin maiwasang kiligin everytime na naaalala ko ang moment na 'yun.

"Huli ka! Anong pinanonood mo, porn?! Panood din!" bungad ni Blake saka umupo sa tabi ko at umakbay pa sa'kin.

Kaagad ko namang inilayo ang cellphone ko sa kanya at padabog na inalis ang braso niya sa balikat ko.


"Wag mo kong itulad sa'yo Blake.."

"Kunwari ka pa pareng Xander, wag kang mag-alala, sekreto lang natin 'to.." may pagkindat pang turan nito.

"Hindi nga ako nanonood ng porn!" asik ko sa kanya.

"Kung hindi porn 'yang pinanonood mo, e ano? Makangiti ka kasi, wagas!"


Napakamot na lang ako sa batok ko.


"It's Rish.."


Nanlalaki naman ang mga mata nitong tumingin sa'kin.


"Y-you mean may scandal si Airish at 'yun ang pinanonood mo?!"

"Blake. Pwede bang lumayo ka na, baka kung ano pang magawa ko sa'yo." I warned him saka sinimulang patunugin ang mga daliri sa kamay ko.


Napapalunok naman siyang umatras at parang baklang nagpeace sign.


"J-joke lang pareng Xander.. Hindi ka na mabiro." nagkakandautal na pahayag ni Blake bago tuluyang umupo sa tabi ko at nagsimulang magpunas ng pawis. "Ako na naman ang pinag-initan ni captain. Tama ba namang patakbuhin ako sa soccer field ng mag-isa, kung wala lang girlfriend 'yun iisipin kong type ako nun!"

Katatapos lang ng morning practice ng basketball team, Adrian and Karl attended their classes. Mamaya pa naman ang klase ko kaya mas pinili kong tumambay muna dito sa gym.

"You're late that's why he punished you. Tsk, kailan ka ba naman naging on time."

"Si Trisxh kasi laging namimiss 'yung gwapo kong mukha." nakangising tugon nito sabay pogi sign pa. "Nag-skype kami until 1 AM."

"Para namang hindi kayo nagkikita everyday."

"Pareng Xander, wag masyadong bitter." pang-aasar nito. "Kami talaga ang magpapatunay na may forever!"

Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa volleyball team na kasalukuyang nagpa-practice.

"Isn't it difficult?"

"Huh?"

Saglit ko siyang tiningnan bago muling nanood sa mga nagpa-practice .

"Your situation. We have morning and afternoon practice, halos loaded pa ng major and pa-major subjects ang schedules natin. How did you manage your time?"

I heard him sighed and chuckled.

"Well, mahirap talaga. Lalo na ngayon wala na akong time para man-chix hindi tulad noong highschool." I glared at him. "Easy pareng Xander." natatawa niyang sita. "It's not easy, lalo na't pati 'yung schedules namin hindi nakikisama. If free time ko, may klase siya and vice versa. But, we find ways to be together. Sinusundo ko siya every morning then sa hapon, hinihintay niyang matapos 'yung practice natin para maihatid ko siya at sabay kaming umuwi. Pero nangyayari lang 'yun kapag wala siyang topak!" tumatawang pahabol pa nito.

"Sa tingin mo, it's really an advantage that you're both here at the QWERTY University?"

He shrugged saka muling ngumisi.

"Disadvantage, kasi once na makita niya kong may kausap na babae.. world war 3 na!" tumawa pa ito bago muling sumagot. "Kidding aside, it's really an advantage.. kasi pwede akong magsit-in sa klase niya everytime na gusto ko siyang makita at makasama. We're in the same place and just a mere sight of her always made my day."

I remained silent.

Tsk..

I can't believe na mangyayari 'to: Me and Blake talking seriously.

Magugunaw na ba ang mundo?!

"Kung tungkol 'to sa situation niyo ni Airish, I know you can do something about it. She's Airish Kaite Montiveros the perfect definition for the word busy." he then tapped my shoulder. "If she can't make time for you, ikaw ang maglaan ng oras para sa kanya." napangiti naman siya at tila may inaalala. "Kahit napupuyat ako sa trip niyang pag-skype, pagchat sa Facebook, pagbababad sa phone in the middle of the night.. it's all worth it. Masarap sa pakiramdam na may nakakamiss sa'yo at naglalaan ng oras para makausap ka. Puyat lang naman 'yung lalabanan ko at maliit na bagay lang 'yun compared to the happiness and contentment na nararamdaman ko because of her. I really love her, I'm deeply inlove with Trisxh."

"Can't imagine this cheezy side of you." I teased him as he smirked and tapped his chest.

"You'll understand what I'm talking about kapag naging kayo na ni Airish." nakangising tugon nito. "yun ay kung magiging kayo.." pang-aasar pa nito.

Saglit naman akong natigilan.

"H-hoy pareng Xander biro lang ---"

"Blake." I cut him off. "If a girl told you that you're a distraction.. is it a bad thing?"

He frowned at natahimik na tila nag-iisip.

"In my opinion, I think the secret message behind those words was leave me alone." tumatango-tango pang turan nito. "Wala namang may gusto ng distraction, kaya nga naimbento ang salitang focus, hindi ba?" napatingin naman siya sa relo niya. "Shower lang ako pareng Xander, sabay na tayong pumunta sa building natin.."

Naramdaman kong tumayo na siya at nagsimulang maglakad.

But I choose to ignore him. Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa..

Kung kanina kinikilig pa ko after remembering those words, ngayon naman pinipilit kong sabihin sa sarili kong nabingi lang ako at hindi talaga niya sinabi sa'kin 'yun.


"Pareng Xander!" my instinct told me to pay attention, that's why tiningnan ko si Blake na kasalukuyang nakangisi at naglalakad ng patalikod. "Pero kung si Airish ang nagsabi sa'yo nun.. it's a good sign! You're on the right track so cheer up and be a man!" sigaw nito bago mabilis na tumakbo.




And that's how Blake made my day!






copyright@xheyzii2015

COURTING MiSS PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon