"Babe.. saang simbahan mo gustong magpakasal?" napalingon ako kay Blake na nakaakbay kay Trisxh.
Umirap naman si Trisxh at siniko si Blake.
"Kasal agad 'yang nasa isip mo.. hindi mo nga maipasa 'yung isang subject mo!"
Napakamot naman sa batok si Blake at pagkuwa'y napangiwi.
"Babe naman.. Linggo ngayon di ba pwedeng wala munang school stuffs?"
"Umayos ka kasi.. puro kasi babae ang nasa isip mo!"
"Hindi ah! Promise, mamatay man ang mga kuko mo sa paa!"
Lalo namang sumimangot si Trisxh at nagmartsa palayo kay Blake.
"B-babe.. biro lang! Hoy babe!" saad ni Blake habang sinusundan ang girlfriend.
I just sighed at pinanood ang mga taong nagsisimula ng pumasok sa loob ng simbahan.
"Bakit hindi mo sinundo si Kaite?"
Napalingon ako kay Fiona na nasa tabi ko pala.
"Ayaw niya.. she's with kuya Larry."
"So how are you? Any progress?" tukoy nito sa ginagawa kong panliligaw.
I just shrugged.
Tinapik naman ako nito sa balikat.
"Ang bagal mo Valdez!"
I just smirked.
"You can say that, wala naman kasing nangyaring ligawan sa inyo ni Villanueva.."
Umirap naman ito at ngumuso.
"Basta! Mabagal ka pa rin!" may pagpadyak pang saad nito.
"What's going on?" tanong ng kadarating lang na si Villanueva na nakakunot-noo sa'kin.
"Nothing.." I answered him.
"Hey cheesecake, what's wrong?" baling nito sa nakasimangot paring si Fiona.
"W-wala blueberry.." tugon naman ni Fiona.
I tried not to laughed upon hearing their endearment.. but yeah, I failed. And now, they're glaring at me.
"What the f*ck? Seriously, cheesecake and blueberry?!" I asked them.
Lalo lang naman nila akong sinamaan ng tingin, pagkuwa'y tumalikod na at nagbubulungang umalis sa tabi ko. Natatawa na lang ako sa inasal nila.
I checked my watch, fifteen minutes before the mass.
"H-hey.. I'm sorry we're late.."
Kaagad naman akong napaangat ng tingin. It's her.
"Bakit ka nagso-sorry, hindi mo naman kasalanan 'yun?!" singit naman ng masungit na si Angela.
I just ignored her at muling itinuon ang atensyon kay Rish. I smiled at her at bahagyang tumango.
Lalapitan ko na sana siya pero sumingit na naman si Angela.
"Tara na sa loob Rish.." yaya nito at hinila na siya palayo sa'kin.
-___________-
Wala na akong nagawa at tahimik na lang na sumunod sa kanila. Sumunod na rin samin 'yung apat.
"Babe.. inaantok ako." bulong ni Blake at ipinatong ang baba sa balikat ni Trisxh.
"Shh.. umayos ka Blake, makinig ka sa Homily."
Ngumuso lang si Blake at tamad na tamad na umayos ng upo. Pinaglalaruan nito ang kamay ni Trisxh.
I sighed at napatingin sa kaliwa ko.
Inirapan lang naman ako ni Angela. Nakakainis.
Bakit kasi ang laking epal nitong si Angela? She's sitting between Rish and me. Nakaupo naman sa kanan ko si Blake, katabi niya si Trisxh. Sina Villanueva at Fiona naman ay nasa kaliwa ni Rish.
I sighed again, mukhang hanggang tingin na lang ako.
Nang dumako sa pagkanta ng "Ama Namin" nagkatinginan lang kami ni Blake at parehong napailing. We can't imagine holding each other hands. Samantalang hindi ko nilingon ang masungit na si Angela, naiinis pa rin ako sa kanya. Hanggang sa pagbati ng "peace be with you", iniwasan kong mapatingin sa gawi nina Rish. Tumango lang ako sa mga taong nasa unahan ko. Hindi ko rin sinulyapan sina Blake, hindi ko gugustuhing makitang maghalikan ang dalawa sa harap ko.
Halos buong misa nakasimangot lang ako. Akala ko kasi it will be our day, natuwa pa ako when she texted me last night.. minsan lang kasi siyang magtext!
I thought kaming dalawa lang ang magsisimba ngayon pero nagulat na lang ako when I saw Blake and Trisxh, tapos dumating din sina Jasfer at Fiona. It turns out na originally, si Fiona pala ang nag-arrange nito.
Akala ko pa naman..
"Hey, okay ka lang?"
Napapitlag ako ng marinig ang boses niya.
"uh-huh?" parang tanga kong tugon saka iginala ang paningin. Kaming dalawa na lang ang natira sa upuan, namataan ko sa di-kalayuan sina Blake na nakapila.
Communion na pala.
"Para ka talagang naka-drugs.. let's go, hindi ka ba magko-communion?" yaya nito at nauna ng tumayo.
Sumunod naman ako at pasimpleng binatukan ang sarili.
"Okay ka lang talaga?" tanong niyang muli at nagawa pa akong lingunin.
"Yeah.. I'm sorry about that!" tugon ko at nakipagtitigan sa kanya.
Agad naman din siyang umiwas. Napabuga na lang ako ng hangin. Nagloloko na naman kasi ang baliw kong puso.
"B-bakit nga pala hindi ka pa sumabay kay Angela kanina?" I can't help but asked, I'm just curious.
Naramdaman ko namang parang hindi siya mapakali kaya nanahimik na lang ako hanggang sa it's our turn to accept the holy bread.
"R-Rish.." hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad pabalik sa upuan namin.
I saw Blake and the others mukhang nakabalik na sila at kasalukuyan ng nagkukulitan. Well, as usual Angela's glaring at me.
"W-why?" she asked.
"Hmm.." ano nga bang sasabihin ko? "P-peace be with you.." I smiled awkwardly.
She stared at me, amazed with what I've done.
"Peace be with you, sunget.." tugon niya at bahagyang ngumiti.
I bit my lower lip to suppress the "kilig" that I'm feeling by her simple gestures at tahimik na sumunod sa kanya na nauna ng maglakad.
copyright@xheyzii2015