"What are you doing here? May exam rin kayo tomorrow right?" kunot-noong saad ni Rish, may suot siyang eye glasses at kasalukuyang napapalibutan ng mga libro.
Tumango lang naman ako at pinagmasdan ang napakaraming reviewer na nagkalat.
"Are you okay? Mukhang kanina ka pa nag-aaral." I asked her.
"Exam na rin ng College of Education.."
Napangiwi na lang ako sa narinig.
"Do you think you can do it? Dalawang magkaibang course ang pinagsasabay mo.."
"I can do it at mas magagawa ko 'yun kung uuwi ka na at di ka na mang-iistorbo.."
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ang harsh mo sa manliligaw mo" I mumbled.
Bahagya naman siyang napaiwas ng tingin kaya natawa ako.
"What?!" asik niya.
"You're so cute when you're shy.." I stated at mataman siyang tinitigan.
Muli na naman siyang umiwas at halatang hindi na mapalagay. Napailing na lang ako at tumayo na.
"Goodluck Rish.. wag kang masyadong magpuyat, alright?"
Saka naman siya tumunghay at bahagyang tumango. I smiled and kiss her forehead saka ako nagmamadaling umalis ng mansion nila.
I'm really inspired that night kaya naman inabot ako ng madaling-araw sa pagrereview. Feeling ko nga nakangiti pa ako habang nag-eexam. Tsk.
I thought it will be the same for her, but I was wrong.
"Ano?! Umamin ka na.. anong ginawa mo kay Rish noong nagrereview siya?!" bulalas ni Angela na halos mabasag na ang basong hawak sa sobrang panggigigil.
Uuwi na sana ako kanina ng biglang harangin ng masungit at epal na'to ang sasakyan ko, muntik ko na nga siyang mabangga.. sayang talaga at nakapagpreno ako.
Dito niya ako kinaladkad sa isang coffee shop, may importante daw siyang sasabihin.
"What do you mean? We just talked.. umuwi rin ako kaagad." I answered. "Ano bang importanteng sasabihin mo?!" naiinip kong turan.
Matalim naman ako nitong tinitigan.
"Sigurado kang nag-usap lang kayo?"
Tumango ako.
"Imposible.. kung nag-usap lang kayo, bakit namumula siya at halos hindi na humihinga sa sobrang pagkatulala?!" tanong na naman nito. "Kinakausap ko siya pero nanatili siyang wala sa sarili.."