5 -JEALOUS

7.6K 274 16
                                    



"Good evening everyone. To my dearest students, ex-students, parents, faculty members, sponsors and board of directors thank you for coming here tonight as we celebrate the 10th founding anniversary of EXONHS." Charisma cheerfully greeted, she paused as we started to clapped our hands. "It's not an easy journey, maraming pagsubok, maraming problema at maraming pasaway na students." nagtawanan naman ang mga nakikinig. "But hindi tayo nagpatinag, nanatili tayong matatag at ipinagpatuloy po natin ang ating layuning mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang ating mga mag-aaral. Kaya po, in behalf of my parents.. I want to say thank you. Thank you so much! At sana po after 40 years muli tayong magkikita-kita to celebrate our Golden Anniversary! Let's all hope na buhay pa tayo nun!" she giggled. "So, what are we waiting for.. let's start the party!"


The live band started playing,The Throwback Band, na pinangungunahan ni Villanueva.

Kaagad namang hinila ni Blake si Trisxh sa dance floor.


"How's my speech?" Charisma asked me habang inaalalayan ko siya pababa sa stage.

Katulad ng halos lahat ng kababaihang dumalo, she's wearing a dress and killer heels.

"Pwede na.." i answered.

"Thanks ha, napaka-supportive mo talagang kapatid!" sarcastic na turan nito. "Anyways, you can go to your friends na. I'm gonna talk to some important people."


I nodded at hinayaan na siyang lumapit sa kabilang table.Naglakad naman ako papunta sa table na kinaroroonan ko kanina.


"Go blueberry! I love you!" nagwawalang sigaw ni Fiona na kinawayan naman ng kumakantang si Villanueva.

Napailing na lang ako sa kalandian nila at ininom ang juice na nasa harap ko.

"Easy lang xander.. hindi nakakalasing 'yan!" sita sa'kin ni Karl at tinapik pa ang balikat ko. "Bakit nga pala wala 'yung ibang batchmates natin?"


I ignored him, I'm not in a mood para isipin pa ang ibang tao. Wala naman silang alam sa nararamdaman ko.


"Don't worry dude, magkakamoment din kayo ni Airish!"


I sighed at tinitigan siya ng masama, natatawa namang itinaas niya ang dalawang kamay.Tsk. Mabuti na lang at ibinaling na niya sa iba ang atensyon.

"Hoy bebe ko, sayaw na nga lang tayo." pangungulit nito kay Angela, pero inirapan lang siya nito at ipinagpatuloy ang pagsabay sa kanta ng banda. "Sungit talaga ng bebe ko.." he mumbled saka tumayo at niyaya ang limang weirdong sumayaw.

Hindi naman siya nabigo at maya-maya nga'y nagwala na ang lima.

Nagsimula ng gumiling-giling si Mely.

Paulit-ulit namang tumatambling si Chelle.

Samantalang gumugulong si Crisel.

Nag-split si Celai.

At nangisay-ngisay si Gem.


-_________-


At dahil sa panonood ko sa kanila, nahagip ng paningin ko si Rish. Nasanay akong makita siyang naka-jeans at T-shirt lang with rubber shoes pa.. kaya talagang nakakapanibagong makita siyang nakadress at heels.

COURTING MiSS PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon