Chapter 7

72.9K 3.3K 7.5K
                                    

Thirst trap

We all got access to the dummy account since it was also connected to the newly created email by Con.

Nac-cringe ang mga boys sa reply ni Kael habang ako lagi ang ganadong magreply dahil nasasakyan ko ang mga hirit niya.

Kael:

Good morning, love. Kain kana ha. Kung ayaw mong kainin kita ;)

I spat my water early in the morning as soon as I read the message. Tang ina, gago! What kind of pickup line is this?

"Ron! Kael just replied!" tawag ko dahil hindi ko yata kayang mag-isa itong kausapin.

Si Ron na nagbubutones pa lang ng shirt niya, malawak agad ang ngiti at lumapit sa akin.

Habang ako na naka pants pa, topless at hawak ang toothbrush, nangingiti akong sumandal sa sink para magtype ng reply habang dumudungaw siya sa gilid ko.

"Gago! Nakakakilabot talaga ang mga pick up lines niya!" natatawang hirit ni Ron nang mabasa din iyon. "Sabihin mo subuan ka niya tapos gayahin mo 'yung parang sisiw na sad emoticon ng mga girls."

Naghahagikhikan kaming dalawa habang tinatype ko ang reply.

Verena:

Love subuan mo ako :<

Delivered.

Wala pang limang sigundo, nagreply na agad si Kael.

Kael:

Open your mouth, love. Susubuan kita. Here comes choo choo...

Sumabog ang tawanan naming dalawa ni Ron nang mabasa agad iyon.

"Anong choo choo?" I asked in the middle of laughing.

"Baka 'yung tunog ng train?" si Ron na tawang tawa din.

I took a screenshot of the convo. Nakaisip pa kami ng kalokohan ni Ron, sinusubuan niya ako, hawak ang kutsara na walang laman, ganoon din ang panga ko habang nakanganga ako, at kapwa kami nakatingin sa camera para kunan iyon ng picture.

We sent the screenshot first and also sent the picture for a better scene of the actual convo. Nagseen agad ang mga boys at nangungunang nag haha si Mavric. Si Rick na typing na.

Rick:

Hayop. Sirang sira ang umaga ko.

Mavric:

Here comes the train X
Here comes choo choo ✓

Connor:

Kaya pala wala akong gana kumain dahil walang 'here comes choo choo' kay Serene

Kung hindi ko lang naalala ang major subject ko, baka hindi kami natapos kaka reply kay Kael.

"Seryoso, si Kael talaga 'yan?" Ron asked while he's in the passenger seat fixing his hair in front of the mirror, still laughing about Kael's corny chats.

Nailing ako, kagat ang labi at nangingiting tumingin sa side mirror to check if it's okay to change lane.

"I don't know, Ron. Pero sino pa ba? He's so cringe."

"Dude, ang bobo ng mga replies niya! Typical na replies ng mga maaasim na lalaki sa Facebook! Alam mo 'yon, parang mga memes lang!"

I slightly laughed and shook my head. I'm actually having fun. Imagine his reaction once he found out that we are behind this prank. He might regret messing with us. He must apologize to Shiloh first, and we're good.

Ron and I parted ways as soon as we got into the university. Kahit nakikinig na sa major subject ko, pag naalala ko ang corny chats niya, natatawa ako. Gusto ko tuloy silipin ang phone ko sa gitna ng klase para lang patulan 'yang corny chats niya.

Under the Roaring Thunders (Strawberries and Cigarettes #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon