Chapter 11

94.8K 4.4K 12.3K
                                    

Position

Mavric is kinda right, though. Kael is really different during the day. But maybe because he treats the night as an hour where he could be serious and vulnerable.

Still, we continued toying with him. Pigil lamang ang tawanan naming boys after the funny chats we did with Kael, who flexed his muscles, and we were about to send a fabricated chest of mine. Naiiling ako habang ngumingiti sa kalagitnaan ng practice, natigil lang nang pumito si coach at itinuro ako sabay tawag ng pangalan ko.

"Cervando, concentrate! Tsaka kana tumawa kung MVP kana!"

Napawi tuloy ang ngiti ko habang sila Mavric at Ron, pasimpleng bumungisngis. Noong tiningnan din ni Coach sila Mav na agarang nagseryoso, ako naman ang humagikhik.

"Tigas din talaga ng mukha mo. Umayos ka nga!" sita ni Rick nang pasimple akong banggain.

"Akala mo talaga hindi ka rin tawang tawa kanina. Ikaw pa nga ang nagsuggest na ipasok ko ang tuhod ko sa t-shirt para magmukhang dibdib!" I controlled my laugh since I really can't move on with that topic.

Rick only glared at me and continued to jog on the other side, signaling Con to pass the ball to him. I couldn't take the practice seriously because I am too distracted. I wonder how he sends those corny messages. Poker face? It's like a meme on the internet where you are seriously typing and the camera exposed your funny search... I laughed again, but this time, si Brent na ang sumita sa akin kaya tumigil na ako.

"Ano bang pinagtatawanan niyo?" Brent asked as soon as the practice was done. Nakaupo siya sa bench at pinupunasan ang pawis.

I chugged down my water and choked on it. Natatawa akong naubo, pinunasan ang pang-ibabang labi na kahit si Ron at Mavric, sumabog din agad ang tawanan.

"Ito kasing si Tyler, ang gago!" Rick stated while fanning his wet stomach with the tip of his jersey top. "Sesend-an niya sana ng dibdib niya si Kael!"

"Ginagamit mo pa rin?" Brent asked, who didn't even laugh.

"Ah yeah..." I slightly laugh while Ron and Mavric start talking to each other, like this is my own shit and I should be the only one who's accountable on this once it backfired.

"Pag ikaw kinasuhan ni Verena ng identity theft," banta ni Rick at nagkasalubong ang kilay sa akin, akala mo naman hindi kasabwat!

"Example nga ng mugshot pag nakulong ka, bro?" natatawang tanong ni Mavric at nagawa pang itapat sa akin ang phone.

I posed for a picture, sticking my tongue out and pulling up the tip of my jersey to flash my stomach, which made them laugh. Si Brent, itinapon na sa akin ang inaapakang bola kaya natatawa rin akong lumayo.

"Pa shout out ako sa interview mo sa TV ha! Huwag mo akong kakalimutan pag nag-viral ka bigla!" si Ron na natatawa kong inambahang sipain.

"Hindi lang ako ang may mugshot kasi tayong lahat naman ang may-ari ng dummy!" I pointed at them one by one.

"Anong tayo?" si Brent.

"Guilty bystander ka pa rin, Brent. Nakitawa ka nga sa GC kung saan nili-leak ang convo," ani Rick kaya natatawa namin siyang pinagkaguluhan ni Ron at Mavric, niyakap namin at nagtatalong humiyaw.

Pinagtutulak kami ni Brent palayo sa kanya, irita ngunit may ngiti sa labi.

"Ganito ang gusto kong bonding sa friendship! Walang iwanan!" si Ron na nakipag-apir sa amin ni Mavric.

"Solohin niyo 'yan, gago! Hindi pa nga ako abogado, may pending na kaso agad," si Rick na namaywang at magkasalubong na ang kilay.

"Ayos lang 'yan, Rick! 'Yun na ang OJT mo. At least may base on experience ka sa kulungan pag hahawak ka ng kaso, 'di ba?" I laughed and put my arm around his shoulder.

Under the Roaring Thunders (Strawberries and Cigarettes #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon