Where Love Begins II

26 0 0
                                    

At lumingon si Skye with his matching 'isang gilid na ngiti' at wave ng hair with left hand (justin bieber?).

"Redd!" Masiglang tawag ni Skye na nakangiwi parin ang bibig. Hawak nya sa kanyang magkabilang kamay ay mga pagkain. "Pakitulungan mo naman ako oh. Para sa atin tong apat, favorite mo yan lahat Redd."

"Okay Skye, ikaw pa." si Redd.

"Tara akyat tayo. Doon nalang natin to kainin" Yaya ni Skye

"Whaaaaaaaaaattt!!!!!!" sina Marina at Fhom.

. . . . . .

Nakaupo na ang apat sa pinakamagandang spot ng heaven elevated. Ala sais narin ng hapon kaya maraming estudyanteng customer. Dinudumog talaga ng mga student ang owww heaven!

Nagkakatuwaan ang tatlo sa pagkwe-kwentuhan.

"Amor, anong tawagan nyo?" Pagtatanung ni Fhom.

"Oo nga Skye, wala pa tayong tawagan. Ano kayang maganda?" Si Redd

"Pangga!" Pasigaw si Fhom

"Yak naman Fhom, ang tanda naman." Kontra ni Redd

"Sweetie Pie!" Si Fhom ulit. "Oh english yan,"

"Yun na lang Redd, ang cute diba sweetie pie." Hirit ni Skye

"Eeeii, ano man yan."

Habang nagkukulitan ang dalawa, biglang napaisip si Marina 'ano kaya ang tawagan nila ni celvin noon'

At may dumaang anghel.

Sa kalagitnaan ng katahimikan na bumabalot sa kanila, binasag ito ni Marina ng isang tanong.

"So Skye, ahm pwedeng magtanong? Gaano mo na kakilala si Amor, ai Redd pala?" Napahinto si Marina, napansin nyang iba ang tono ng boses nya. "Pasensyahan mo na ako ha, ayaw ko namang isipin mo na ini'interrogate namin ikaw. Alam mo na, gusto lang namin ikaw makilala ng lubusan. Kasi, alam mo na bestfriend namin si Redd at ayaw naming, alam mo na, na mapasama sya." Dugtong pa nya sa malumanay na paraan.

"Wow, Marina. Haba ng speech." Sabat ni Fhom.

Binigyan lang ni Marina si Fhom na matalim na tingin na nagsasabing manahimik ka! Nagsasalita pa ako.

"Edi okay." Naisagot nalang ni Fhom at ngumiti ng bahadya.

"Yun nga, nakikita ko namang mukha kang matinong lalaki. Mukhang may pinag-aralan at di nananakit ng babae..." At ini'stress nya talaga ang huli nyang sinabi.

"Hugot..." si Fhom

Manahimik look ulit ang binigay ni Marina, at tumahimik naman si Fhom.

"Skye, seryoso kaba talaga kay Redd?"

Nagkatinginan ang dalawang mag-irug. At napalunok pa si Skye ng tuyong laway.

"Yes, sersoyo ako kay Redd." seryosong sagot niya kay Marina with serious eye contact.

At kinilig si Redd sa narinig niya kay Skye, batid niya na mahal na nya nga ang lalaki. Kaya napangiti si Redd ng di lumalabas ang ngipin dahil sa sobrang emosyon na gustong magsitili pero pinigil niya ang sarili. Di napigil ni Redd ang sarili kaya pinalo palo niya ang braso ng binata.

"Ayieee si Amor kinikilig, di mapigil." Si Fhom

"Ano man yan si Fhom! Aaisst!" Si Redd.

"Ikwento nyo naman, saan ba nagsimula ang love nyo. Where love begins?" Pagtatanong ni Fhom.

. . .

At biglang nagflashback ang lahat kay Marina. Naalala pa nya noon, parehong oras, ala sais ng gabi. Magkakasama ang tatlo, siya, Fhom, at Redd. Inamin nya ang relasyon nila ni Celvin aa kanila at tinanong rin ni Fhom sa kanya where love begins?

. . .

At biglang may pumutol sa kanilang kwentuhan. Dumating ang iaang pawisan at hinhingal na delivery boy. Siguro di to sanay sa akyatan ng eleven floors. Kabaliktaran sa ayus ng delivery boy ang anyo ng dala-dala nya. Isang bouquet ng pulang roses at isang malaking pulang teddy bear.

"Excuse po, delivery po para kay Ms. Amor Rascolado Owsam"

"Ako yun."

"Pareceive na lang po."

At alam na ni Redd kung kanino ito galing kahit di ito magsalita.

At biglang tumayo si Skye sa harapan ng nakatayong nobya at nagsalita.

"Redd, I know, its to fast for both of us. But im already sure with this feeling. You are the one i been dreaming of." At napayuko si Skye sabay ng pagdukot nya ng isang maliit na kahon na kulay pula. Dahan-dahang lumuhod si Skye.

"Redd will you . . .

to be continue

Ikaw, Bahala KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon