The Date II

20 0 0
                                    

Nagkatitigan si Marina at Mike. Pero hinila ni Celvin si Marina.

"Tara na nga, lalabas tayo."

"Ano? Naaano ka? Bakit man ako masama sa iyo?"

"Ayaw mo? Bahala ka."

"Sige na nga, pero pilitin mo ako..." sabay ngiti ng nakakaloko at tumalikod pa.

"Sige na, PNIPILIT na kita" ang walang kabuhay-buhay na sabi ni Celvin.

"Pag-iisipan ko pa." sabay lagay ng hintuturo sa kanyang pisngi na tila nag-iisip. "Sige na nga, pinilit mo ako eh."

"Ewan ko sa iyo."

"hep!hep!hep! Kasama nyo ako, hello?" sumingit naman si Mike

"Hindi ka kasama. Ano ka sinuswerte?" pagtutol naman ni Celvin.

"Hindi. Sasama ka Mike." isang misteryosong tinig na nagmula sa kawalan ang kanilang narinig. Nagulat silang tatlo at nagdikit-dikit.

"Narinig nyo ba yon?" takot na sabi ni Celvin at nagtatago na sa malagong buhok ni Marina. "Ano yun? Uwi na tayo."

"Ano ba Celvin?" inis na sabi ni Marina na natatkot na rin ng. . .

Umihip ang malamig na hangin. Nakakaginaw na abot hanggang buto na tila isang drum ng yelo ang binuhus sa tatlo, Ice Bucket in short. Natakot ng husto ang tatlo. Di pa natapos ang kanilang panginginig ng biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas. Dahil sa sobrang takot ay napatili si Mike ng pangdiva. Umiyak at humagul-gol naman si Celvin ng tila isang child star/Infant star. at si Marina "Okay. Kayo na, kayo na ang magmoment."

"Bakit ba kayo natatakot? Eh, kulog lang yun at tsaka. . ."

Di pa natatpos sa pagsasalita si Marina ng may kung anong gumagalaw sa damuhan di kalayuan sa kanila.

"Ahhhhhh! Oh S**t! Ano YUN!!!" bumigay si Mike.

"Wag kayong matakot" tinig ng isang babae sa damuhan. "Ako To" at lumabas ang isang dalagita na mukhang bata pero malaki na sya, not really, na nakasuot ng mahabang saya na kulay puti at puting fondation.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh". at tumili uli si Mike.

"FHOM???" si Celvin at Marina.

"FHOM!!! Ikaw lang pala yan, Aba ginoo, tinakot mo si Celvin Grabe ang takot ni Celvin dahil sayo umiyak si Celvin. Ano pare, okay ka na?" si Mike na nagyayabang

"Ewan ko sayo. Eh ikaw nga dyan ang tumitili eh!!!" bawi naman ni Celvin.

"Anong Tumitili?, sadyang nasa 8th octave ang boses ko noh!"

"Tumigil nga kayo dyan, pareho lang naman kayo. Hmmp, dyan na nga kayo."

'Pagpaumanhin ninyo kung natakot ko man kayo." mahinhin na tinig ni Fhom at nakakatakot parin.

"Fhom ayos ka lang?" pag-aalala ni Marina. "At bakit ka nga pala bigla-bigla ka nalang sumusulpot, at sa damuhan pa talaga? at bakit ganyan ang suot mo?

"Ah Eh, may hinahanap kasi ako kanina, yung nawawala kong karayum. Nahulog ko kasi kanina. at narinig ko kayong nag-uusap na aalis kayo kaya lumapit ako. at ganito talaga ang damit ko, sabi nya." sabay nguso sa camera. "Tara, alis na tayo. Libre mo ako Mike ng Yum Burger at Regular Fries."

"Ano ba Fhom, Di ka kasama at si Mike. kaming dalawa lang ni Marina ang lalabas dahil magda-date kami. Di ba Marina?" sabay ngiting aso.

"Celvin, anong tayo? walang tayo, wala na tayo. Kay Mike ako sasama at hindi sayo." nasakatan si Celvin sa sinabi ni Marina.

"Ouch naman Marina! Nasaktan ako sa sinabi mo, wag mo naman akong ganituhin. Tao parin naman ako para respituhin. Grabe ka Marina, ganyan ka pala. Tara na Mike alis na tayo, tayo nalang ang mag-date." at hinila ni Celvin ang braso ni Mike at sumakay sila ng Big Blazing Red BIke ni Celvin.

"Wait lang, parang di naman mabiro. Joke lang Yun! Tara alis na tayo." bago pa man paharutin ni Celvin ang Motor eh nakasakay na si Marina. At umalis silang tatlo na sama-sama.

. . .

Di pala sama-sama.

"Wait lang hintahin nyo ako, sasama ako." sigaw ni Fhom at nakakatakot parin.

"Wait lang Mike, Celvin, yung Yum Burger ko at Fries. Sama ako."

at humabol si Fhom with her colorful saya. at patakbo nyang hinabol ang motor

"Wait lang!"

. . .

Ano ang mangyayari sa pagsasama ng tatlo?

Magkaayos pa kaya sina Celvin at Marina?

Kanino ba talaga may pagtingin si Marina?

At makahabol pa kaya si Fhom?

Ikaw, Bahala KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon