Where Love Begins III

19 0 0
                                    

At binuksan ng lalaki ang kahon na naglalaman ng isang silver na kwintas, na may pendant ng isang puso at may batong ruby sa gitna.

"Will you be my gir..."

"OO, Oo, Oo Skye. I will be yours!" Hindi na niya nahintay na tapusin ni Skye ang sasabihin at sumagot na agad siya. May luha sa gilid ng mata ng dalaga ng sambitin nya ang mga salitang iyon. Walang mapaglagyan ng saya ang kanyang nararamdaman sa ginawa ni Skye sa harapan ng mga kaibigan. Alam niyang di ito gawain ng binata dahil sa pagiging mahiyain nito ngunit ramdam niya ang lakas ng loob na pinakita nito. Inangat niya ang binata at niyakap.

"Huh, ano Redd!? Talaga ba!?" Tanging nasambit ni Skye na may halong gulat sa pinakita ng dalaga. Kinuha niya ang kwintas sa kahon at isinuot sa leeg ni Redd. Bumagay ito sa maputing balat ng dalaga. At muling nagyakapan.

Sa di kalayuan may dalawang pares ng mata ang nagmamasid sa mga pangyayari. Ramdam niya ang kirot sa kanyang puso ngunit di niya ito iniinda. Alam niyang di pa huli ang lahat sa kanya.

"Tara na Ed."

. . . . .

Pagsapit ng 7:00 ng gabi, umuwi narin ang magkakaibigan. Nag-alok pa si Skye na ihatid sila pero tumangi sina Marina at Fhom, pero gusto talaga ni Fhom kasi libre at aircon ang sasakyan kaso kasama nya si Marina kaya di nya ito pwedeng iwanan.

Nalaman nila na si Skye pala ang may ari ng Heaven Elevated. Ayon pa dito ay na love-at-first-sight ang binata ng una nyang makita si Redd. Palihim niyang sinusulyapan ang dalaga sa tuwing di ito nakatingin o kung busy ito. Noon pa man ay gusto na nya itong ligawan pero pinigil niya ang sarili dahil nag-aalala sya sa maaaring sabihin ng ibang empleyado sa kanilang dalawa.

Noong yayain siya ng kanyang staff na magparty dahil birthday ng isang cashier, ay di na sya tumangi ng malamang ang lahat ay pupunta. Naisip nyang chance na nya iyon para mas makilala si Redd. Sa kalagitnaan ng party, naglaro sila ng spin the bottle. Unang tumapat ang bote kay Redd. Ang tanong sa kanya 'sino sa naroroon ang crush niya', Si Skye ang naging sagot nito. Namula si Redd sa pag-amin at nahiya ng marealize ang sinabi. Natuwa naman si Skye sa nalaman.
Sumunod naman tumapat kay Skye at ang tanong sa kanya 'ano ang tingin niya kay Redd',

"Si Redd, . . . most desirable woman i've ever met." Pag-amin nito. At napuno ng hiyawan, kiligan at tuksuhan ang gabing iyon. At nag decide si Skye na ligawan si Redd.

Dahil gusto rin naman ni Amor wala ng pakiputan pang naganap.

. . . . .

Quarter to nine na ng makauwi si Marina.

Bago pa man syang tuluyang magpalunod sa unan at kama, humarap muna sya sa laptop at nagsimulang mag-type.

Dear Mr. Notes,

Mahaba ang araw ko ngayon, maraming nangyari at mayroon ding bagong nakilala. Una, nagkasama-sama kami nila Fhom, Mike at Celvin. Nakakatuwa talaga tuwing nakakasama ko si Mike. kasi naman ang kwela nya tapos ang cute pa nya, at tsaka ang bait pa tapos ang cute pa, syempre gentleman sya tapos ang cute pa nya. hihi!!!

Ayyyieee, Mr. Note wag mo to ipagsasabi sa iba. Hihihi! Pero nakakatuwa rin naman na nandyan si Celvin. Kahit wala na kami eh friends parin kami, pero nakakailang din. Maraming bagay ang nagpapaalala ng tungkol sa amin. Pero tapos na yun, (eh kami, tapos narin kaya?).

"Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap o sya bang kumakatok sa puso ko? ... Mahal ko o mahal ako?"

Yan na naman yan, bakit kaya kahit saang sulok ako pumunta naririnig ko yan, nananadya ba? Hah?(Biglang dumaan sa likod si Fhom, "mahal ko o mahal ako?")

Anyway, Mr. Notes, masaya ako para kay Amor dahil pumapag-ibig na sya, hart hart At si Fhom din. Hihihi.

Mr. Notes, masaya naman ako pero bakit parang di sang-ayon ang puso ko. Ai ano ba yan, bahala na nga.

Good night,

MS.pink

. . . . .

Hanggang saan ang kwentong ito?

Sino nga ba ang pipiliin ni Marina?

Paano kung biglang magbago ang takbo ng buhay ni Marina, makasurvive kaya sya?

Sabay-sabay natin alamin. . .

to be continue...

*authors note:

Haaaiii, umabot ng isang taon ang para sa isang araw ng kwentong ni Marina. Oh my goodness but atleast we survive!

Linawin ko lang ung ms.pink ay codename ni Marina. MS stand for Marina Sabel, dinagdag nya lang yung pink para daw sosyal.

God bless sa lahat ng nakaabot sa chapter na to, para sa iyo to!

Un lang naman.

Ikaw, Bahala KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon