The Date (Final na to)

22 0 0
                                    

lumabas ang nagmaganda ng loob upang tumawag ng tulong.

ilang sandali lang ay lumabas ang tatlong crew ng fast food chain. at lumabas ang tatlong kalalakihan- sina Aries, Taurus, at Cancer. at sabay-sabay silang nag...

"watch my whip, watch me nae nae. watch me whip, watch me nae nae" with matching performance level. kaya naman si fhom ay naimpress sa tatlo at saglit na napatalikod (kinikilig!)

"naku naman!" nabulong ni fom sa sarili.

"mam ano po ang maitutulong namin sa inyo?" tanong ni aries with his charming ngiti na kumukislap kislap pa

kinilig si fhom dahil sa lamig ng boses ni aries, kaya naman dahan dahan syang humarap sa tatlo. at nagslow mo ang lahat para kay fhom. hinubad nya ang pagkakatali ng kanyang buhok at naisip nya ang commercial ni Toni Gonzaga sa isang brand ng conditioner kaya naman pinalo palo nya ang kanyang buhok kaliwat kanan na tila nasa harapan ng isang malaking electric fan. pang model with matching mapupungay na mata effect at unting kagat labi effect. nahinto ang lahat sa loob ng cr, lalo na ang tatlong lalaki.

"Mam ano po ang problema?"

"ah eh, yung hair clip ko kasi nahulog sa lababo, di ko na makuha." sambit ni fhom na tili naipit ang boses.

naglingunan ang tatlo.

"mam, kung gusto nyo po eh bilhan ko na lang kayo ng bagong hair clip" alok ni aries with his charming ngiti again.

"kaso bigay pa yun ng boyfriend ng lola ko sa sakong yung hair clip na yun, na pinasa sa lola ko sa tuhod na pinasa sa lola ko na pinamana sa akin. kaya mahalaga yun. Pero kung galing sayo, sige na nga tatangapin ko na, hair clip lang naman yun at mas special kung manggagaling sayo. diba?"

"siguro naman po okay na mam?" singit ni taurus.

"okay na"

at isa isang nagpakilala ang tatlo.

...

sina aries, taurus at cancer ay ang tatlong sikat sa fast food chain na ito, dahil madalas silang sumali ng dance contest kaya naman ang tawag nila sa sarili nila ay ang zodiac crew. but unfortunately tatlo palang sila sa zodiac crew.

si aries, ang leader ng grupo. bukod sa pagsasayaw ay isa rin syang mekaniko ng starphish auto service center.

si taurus, joselito escalon III ang panganay sa grupo.dating school mate ni fhom pero nakalimutan nya na magschool mate pala sila.

at si cancer, jayjayjay (jaymar jay jayrena) ang pinakamakulit sa grupo. ulirang anak at maalalahaning kapatid. tahimik lang pero kapag nagsimula ng magplay ang music ay nag-iiba ang aura.

...

sabay sabay na lumabas ang tatlo at tumungo naman agad si fhom sa kanilang table upang kumain.

"fhom, tila nagbago at itsura mo hah." si marina

"hindi naman, may nakilala lang ako kanina. feeling ko nahanap ko na ang magpapabago ng unay ko."

"oa mo naman fhom!" pang-iinsulto ni mike

"ano ba kasi ang nangyari sa cr at ang tagal mo?" tanong ni celvin na may halong ngisi.

"ganito kasi yun, nahulog ko kasi yung hair clip ko sa lababo. di ko makuha kaya humingi ng tulong yung nakakita sa kin. at dumating ang zodiac crew: si aries, taurus at cancer..."

"kala kko ba zodiac, bakit tatlo lang?" singit ni mike

"bago pa lang kasi ang grupo nila at naghahanap pa sila ng ibang member..."

"bakit di ka sumali?" singit naman ni celvin

"gusto ko nga sanang sumali kaso di daw pwede, lalaki lang daw dapat at tsaka..."

"lalaki lang? pano yung virgo???" singit ulit ni mike kasabay tawanan

"ewan ko, ay basta . . . so nasan na ako? ai yun nga, ang galing-galing nilang sumayaw nakakakilig at iba ang moves nila na parang mapapasabay ka sa sobrang galing nila. amazing talaga sila. they're so amaziiiiing. fan na nila ako. tapos..."

"so ano ngang nangyari???" singit ulit ni mike

"bakit ang hilig mong sumingit mike? singit ka ba? anyway, yun nga, bibilhan nalang daw ako ni aries ng bagong hair clip. AAAAiiiii!!! ang swerte ko talaga!!!"

"okay na fhom, hinay hinay lang at baka pumutok na yang puso mo sa sobrang kilig. kain ka muna para mahimasmasan ka." si marina, para tumigil na si fhom sa sobrang kakiligan.

...

pagkatapos nilang kumain at nagtawanan ay lumabas narin ang apat. si celvin at mike ay nauna nang umuwi habang si marina at fhom ay dumaan ng convenient store upang kitain si redd.

...
Ano ang magiging parted sa buhay ni fhom ng zodiac crew?

Makikita kaya nila marina at fhom si redd (amor).

At sino si amor?

Saan makakarating ang kwentong ito?

Abangan...

Ikaw, Bahala KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon