Got curioused kung bakit ang daming rants about this story pero ang dami pa ring nagbabasa. Tried reading it. :) Random po ako mag-review, o-kaay?
1. Strengths
* The title is catchy. Mapapaisip ang reader, "Hmmn, interesting 'to ah! Rivalry between public and private schools."
* Hindi mabigat basahin. Perhaps because childish ang nasa point of view.
*May pagka-realistic ang kwento in a sense that it reflects the views of high schoolers. I taught Grade Seven and 2nd Year High School students before and may pagkakapareho ang thoughts nila sa thoughts ng mga bida.
*Aside from the light atmosphere, may pag-ka-Korean ang theme ng story. One reason kung bakit ito binabasa. Remember the Korean aso't pusa dramas? Parang ganun ang PvP.
*Hanna used emoticons, and most wattpad readers like emoticons. Hindi lang dahil sa nakasanayan, may mga wattpad readers kasi na sa emoticons humuhugot ng imagination. Kung paano ba dapat i-imagine ang scene sa kwento. It's one of the story's weaknesses though.
*Hindi naman talaga mahaba ang kwento, nagmukha lang itong mahaba kasi nga '80' parts na. Pero kung iisipin talaga, hindi ganun kahaba dahil 1 page to 4 pages lang ang makikita sa updates, included na ang spacings at emoticons. Did you notice the dialogues of the person in POV? It's like this:
The next day. . .
=_______=
"Hana. . . Bakit ganyan muka mo?"sabi ng kaklase ko.
"Ha? Ah. . . Di ako masyado makatulog eh" sabi ko.
"Bakit naman?" sabi niya.
Di ako makatulog kakaisip dun sa nangyare kahapon.
--
Kung iisipin natin, hindi naman talaga sila mabigat basahin.
*Dominant ang POV ni Hana. It's good dahil most of the readers are females.
2. Areas of Improvement
*There's an excessive use of emoticons. Minsan emoticons na lang ang pumupuno sa update. Para sa mga katulad kong mobile readers, medyo nakakainis yun lalo na kung mabagal ang connection.
*The characters are very hyper din. It's good somehow pero kung so-sobra, pangit na rin. Minsan napapakunot noo ang reader kasi parang sobrang loud na ng nababasa. Just imagine being in a place na laging nakasigaw ang mga kasama mo. Nakakabingi 'di ba?
*Please observe proper punctuations. Avoid too much !!! and ???. Once is enough, naiintindihan na po 'yon ng readers.
* Observe how variety of people talk. May napansin kasi ako sa dialogues ng adult characters, they don't seem to be adult. Kumbaga sa mangga, pilit ang pagkakahinog ng dialogues nila. I hope you get what I mean.
*Avoid
so
much
spacing. Disadvantage po yun for mobile readers. Isa pa, mahirap po mag-scroll lalo na kung touch screen ang gamit.
*The plot may be okay but I think it's been whirlwind na naliligaw na ang story sa essence ng title. Think how to show more of the differences between Private Schools and Public Shools. Give justice to your title kumbaga. And please be feasible and efficient about the story. Hindi sa dapat na itong tapusin dahil sa tagal, pero at least, have a definite outline of where it should go. Kahit sa sarili lang ng writer para hindi maligaw ang kwento.
*It's gonna be better if the writer will present distinct differences among the characters. It's more of the author na na-imagine ko kasi.
Anyway, hindi pa naman tapos ang kwento. Marami pang mga pagbabago at improvements na pwedeng ipakita ang author.
No hates please. :)