MY PRINCE
STRENGTHS
The plot
Makamasa ang plot. Relatable sa female teeners. Lalo na yung sitwasyon ni Arcie. Iyon bang commoner na may mga kaibigang mga itinuturing na princes at princesses sa isang school ng mayayaman. Ang astig lang di ba?
The use of Multiple POV
Isang advantage ng multiple POV e yung nadadala tayo sa iba’t ibang perspective ng mga taong nasa isang sitwasyon. May mga point sa kwento na nasabi kong, “Wow, yun pala ang naiisip ni Jiro/Ren/Arcie/Amber.”
Arcie
Nakakatuwa ang character ni Arcie. Imagine, isa siyang commoner pero napadpad siya sa school na para sa mga royalties. In real life, siya ang representation ng mga taong mahihirap na kayang makipagsabayan sa mga nakatataas sa lipunan. Let’s say, sa utak. Hindi ibig sabihing mahirap ang isang tao, hindi na siya matalino. Remember how Arcie got into Ren’s school?
Carefree
Nung una kong mabasa ang “My Prince,” napangiti ako. Sabi ko noon, “Wow, ibang-iba sa reading experience ko nung sa BTCHO. Hindi pa masyadong haggard ang atmosphere ng pagkakasulat. Wala pang masyadong pressure.” Hindi ko alam, pero pakiramdam ko talaga mas carefree ang author sa “My Prince” kesa sa BTCHO.
AREAS OF IMPROVEMENT
The use of Male’s POV
Ito yung isa mga dahilan kung bakit medyo turn-off sa ‘kin ang kwento. When I read the male’s POV kasi, nalambutan ako sa kanila. What I mean is, kung anong meron sa POV ni Arcie, parang yun din ang nakita ko kay Jiro at Ren. Lalo na at pare-pareho nilang nagamit yung mannerisms na “Don’t misunderstood...” “then...” “...and at the same time...” at iba pa.
Just a piece of advice to the author, hindi masama na makalimutan natin minsan ang feminist side natin. Hindi masama kung kakalimutan mo munang ikaw nga pala si Aly habang nagsusulat ng Male’s POV. It’s better to put yourself in your characters’s shoes. Ang nangyari kasi sa kwento, mas si Aly ang nakita kesa sa characters. Ang maganda lang doon, may specifications ng kung sino na ang nasa POV (e.g. Arcie’s POV) at may mga details na binigay tungkol sa characters kaya nape-prepare agad ang mindset ng mga reader sa kung sino ang i-vi-visualize nila.
The use NG at NANG
Maraming instance na nagkamali ng use of NG at NANG si Aly.
Halimbawa, may sentence na story na ganito:“Pinapunta ko siya sa loob nang house namin at sinalubong naman kami nang tatlo kong makukulit na kapatid.”
Sa sentence na ‘yan, parehong misused ang ‘nang.’ NG ang dapat na ginamit sa “ ...loob nang house namin...” dahil yung phrase na “...house namin...” answers the question “Where?” Samantalang yung “...tatlo kong makukulit na kapatid...” answer the question “Who?”