Katulad ng nakasanayan, nasa bubong nanaman si Kyungsoo at Jongin. Gabi-gabi kasi ay lagi silang nandito para magstargazing kahit WALA NAMANG STAR -__-
"Hyung!" malanding tawag ni Jongin kay Kyungsoo sabay hawak sa braso nito.
Inirapan siya ni Kyungsoo. "Ano ba?! Layuan mo nga ako." naiinis siya kay Jongin pero hindi niya alam kung bakit sumasama parin siya sa mga trip ng nakababata. Parang pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya pag hindi siya iniinis at kasama si Jongin.
Ngumuso naman si Jongin. "Hyung bakit ang sungit mo?"
"Kasi ang itim mo!"
"Ano ba yan hyung! Pick up line yun, sabihin mo bakit." he wiggled his eyebrows.
Napairap lang si Kyungsoo. "Tsk. Oh, bakit?"
"Kasi i love you hyung!" natatawang sabi ni Jongin pero binugbog lang siya ni Kyungsoo. Nainis kasi ang kwago.
"Tingini mo Jongin. Mapapatay talaga kit--" napatigil si Kyungsoo sa pagsakal kay Jongin nang makakita siya ng isang shooting star na dumaan. Naniniwala kasi siya na kapag nagwish ka raw dito ay agad na matutupad.
"OMG Jongin," tinuro ni Kyungsoo yung langit. "Nakita mo yun? May shooting star, dali magwish ka na!" masayang sabi niya.
Hindi mapigilang mapangiti ni Jongin nang masilayan niya ang ngiti ni Kyungsoo. Pakiramdam niya ay ito na ang pinakamagandang bagay na nakita niya.
"Hindi ko na kailangang humiling, hyung."
"Bakit naman?"
.
.
.
.
.
.
"Kasi kausap ko na ang taong hinihiling ko."---------
Corny mhen TAKTE XD. Matagal na yun eh kaso kenekeleg leng telege eke. Sareeh huehue :D
BINABASA MO ANG
Kaisoo Infection
Fanfictionkaisoo drabbles, imagines, shotsㅡ nc-17 cause this is kadi as you all know🌸 ;of all ships, we shall not sink sparkyy_noona storyline ©All Rights Reserved 2015