i; picture frame 1/2

3K 94 37
                                    

Kyungsoo's POV

"Yaaah Kim Jongin, gumising ka nang bata ka. Magluluto pa ako," ang aga-aga pero kailangan kong bumulyaw para lang magising ang isang tulog mantikang lalaking ka-roommate ko.

"Hhmm," he groaned. "Hyung, mamaya ka na magluto. Matulog pa tayo," hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong hinihila. At dahil mas malakas ang pwersa niya sa akin ay napadagan ako sa ibabaw niya. "Putangina Jongin, tigilan mo nga ako," pinalo-palo ko ang dibdib niya para bitawan niya ako. Naiilang kasi ako, lalong-lalo na sa posisyon namin ngayon. Sanay akong yinayakap ako pero naaapektuhan parin ako, nanlalambot ang buong katawan ko. "Sige Hyung, susunod ako in one condition," sabi niya habang nakangisi. Makakatanggi pa ba ako, eh kahit kailan ay hindi pa naman ako nananalo sa negrong toh. "Ano ba yun?" inis kong tanong. Umupo siya at tumabi ako sa kanya. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.

"Tawagin mo muna akong Jonginnie," sabi niya na parang baliw. Nang-init ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya kaya hinila ko ang tenga niya palabas ng kwarto. "Argh, Hyung. M-masaki-- ack!"

"Sige, tama lang sayo yan negro ka! Ang aga-aga pinagtitripan mo nanaman ako."

Binitawan ko ang tenga niya at hinarap siya habang hinihimas ang namumula niyang tenga. "Hyung naman eh, mahal mo naman ako diba?" nagpout siya. Tumalon ang puso ko nang dahil sa tinanong niya. Oo, mahal na mahal kita. Pero hindi bilang kaibigan. Higit pa doon...

"Tss. Love my ass," inirapan ko siya.

Ngumisi ang loko at nagsalita, "I wonder how your ass looks like, hyung?" nang-init nanaman ang mukha ko dahil doon. Sasapakin ko na sana siya nang biglang may magsalita

"ANG AGA-AGA KELALANDI NYO. HOY KYUNGSHIT, MAGLUTO KA NA!!" malakas na sigaw ni Bitchyun. Tss, baekla talaga.

Tinulak ko si Jong in at pumunta ng kusina. No Kyungsoo, dapat hindi ka nagpapaapekto. Kailangan mong taasan ang pride mo sa kanya. Ano ka ba, Kyungsoo? Gising-gising din! Huwag kang umasa, masasaktan ka rin sa huli. Kaibigan ka lang niya. Kaibigan lang, ouch!

-----------

"Hihihi. Grabe kinikilig ako Kyungsoo.."

Haaay, buti pa ang baeklang ito, may nagmamahal na sa kanya. Ang swerte niya nga eh, mutual pala ang nararamdaman nila ni Chanyeol para sa isa't isa. Sana ganoon din ang pagtingin sa akin ni Jongin.

"Hoy Soo, kanina ka pa namin kinakausap. Kanina ka pa lutang diyan," pagsita sa akin ni Suho hyung

"Uh ah? A-ano ba yun?"

Sabay-sabay na napabuntong hininga ang buong tropa nang dahil sa inaakto ko. Alam kong nagtatampo na sila sa akin dahil hindi na ako masyadong nakikisama sa mga gimik nila.

"Soo, anong problema? May red flag ka ba ngayon?" nainis ako kay Luhan hyung kaya minura ko siya ng walang lumalabas sa bibig kong ni-isang tunog. Nahagip ko ang pagtingin sa akin ni Kai na nagdulot nanaman ng pagkabog ng dibdib ko. Alam ko ang pinaparating ng mga mata niya, awa at pagiging curious. Im sure hindi niya ako titigilan mamaya.

Lahat sila nakatitig sa akin and I hate it. Hindi talaga ako sanay na tinitignan nila ako ng may halong pagkaawa.

"Uh, aalis muna ako," pagpapaalam ko at lumabas ng cafeteria. Tumulo ang kanina pang pinipigilan kong luha. Kung alam lang sana nila . . .

Dumeretso ako sa rooftop at doon tumambay. Ito ang lugar na karamay ko sa tuwing mabigat ang pakiramdam ko. Sa tuwing masakit ang puso ko

Umihip ang hangin at tumama sa mukha ko ang simoy nito. Tila natatanggal ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa bawat hampas ng hangin sa buong katawan ko.

Kaisoo InfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon