9:43 PM
MALALIM na ang gabi, ngunit maliwanag pa ang gusaling ito.
Rose Angel's Club
Nakatayo ako malapit sa main entrance ng nasabing club. Well, there she is. Kakalabas lang sa main door kasama ang isang middle-aged woman.
"Eto." inabot nung babae sa kanya ang isang maliit na brown envelope, mukang namumutok sa dami ng laman. Magkano kaya yon? Nag-usap pa sila sandali at pumasok na sa loob yung aleng mukang matrona.
Sinilip nya yung laman ng envelope tsaka itinago sa loob ng bag. Naglakad na siya paalis doon. Makapal ang make-up at nakasuot ng tube dress, sinong hindi mag-aakala. I was surprised too. That this "princess" had a dirty job.
At nang masinagan ng ilaw ng poste ang mukha niya.
I smirked.
You played well.
Alexi Sabina.
*****
"LOOK, guys! I already bought it." ipinagmamalaking inilabas ni Sabina ang isang kahon mula sa bag atsaka ipinakita ito sa mga kaibigan.
Kanya-kanyang reaksyon ang mga kaibigan nit na manghang-mangha sa isang materyal na bagay na ipinakita ni Sabina. Kanina pa uwian pero naisipan ko munang tumambay dito sa student plaza, nakaupo ako sa isang swing habang pinagmamasdan silang nakaupo sa isang bench di kalayuan.
"Kakabili mo lang ng cellphone diba?" tanong ng isa.
"Ipangreregalo ko 'to kay Louis. Malapit na kasi yung birthday niya." sagot naman ni Sabina sa kanila.
"Omg, oo nga pala! Siguradong matutuwa yon."
"Sigurado akong magugustuhan nya to."
"Alexi, ikaw na talaga!"
"Oo nga, ikaw na mayaman."
"Don't worry guys, next time ititreat ko kayo." sabi pa ni Sabina na hindi maalis ang malaking ngiti sa labi. I wonder behind that smile.
Mapagkakamalan akong baliw ng sinumang makakakita sa'kin dito, nakangiti kasi akong mag-isa habang nakahawak sa dalawang rehas ng swing, iisipin nilang may imaginary friend ako. Let's just say na it's really amusing to see the person who pretends to be something she's not. I know the truth behind her everyday lies. Nakakatawa.
Hindi ko naman sinasadya at hindi ko naman ginusto na malaman yon, through her eyes, malaman ko tuloy na may naghihintay na hindi kanais-nais na hinaharap para sa kanya. How pathetic.
BINABASA MO ANG
The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)
Science FictionShe can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the future, never wants her power and believes that every event in the universe is already determined...