/44/ The Carnies

286K 9.7K 1.8K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNBELIEVABLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UNBELIEVABLE.

Ano mang nangyayari ngayon ay hindi kapanipaniwala. Nakahinto pa rin ang oras, nakahinto pa rin ang paggalaw ng tao, mga namumukod tanging nilalang lamang ang mga nakakagalaw sa ngayon, mga Peculiar, katulad ko, katulad nila. Ito ang unang pagkakataon na nakakilala ko ng iba pang mga kauri ko., mga bukod kay Morris. Mas nakamamangha ang tinataglay nilang kaibahan sa mga normal na tao.

"Sa ngayon kailangan muna nating maghintay ng ilang sandali bago ulit bumalik ang takbo ng oras." Sabi nung batang babae na kayang kumuntrol ng oras, Seraphina ang pangalan niya.  "Bakit hindi muna kayo sumama sa'min saglit?" paanyaya nito at wala naman kaming ibang choice ni Morris kundi sumunod lang sa kanila.

Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng isang tent, nakaupo kami sa monoblock chairs, umiilaw ilaw pa yung lanterns na nakadisensyo rito sa loob. Awkward. Nasa harapan ko si Jing Rosca, nakadekwatro at nakahalukipkip, suot pa rin ang magara niyang kamiseta, katabi niya si Seraphina, hindi abot yung paa niya sa sahig habang nakaupo, siguro nasa walo o siyam na taong gulang siya. Nagtataka pa rin ako kung bakit nakamaskara na pangpayaso si Otis.  Yung babaeng manghuhula na hindi ko pa rin alam ang pangalan, hawak-hawak niya pa rin yung bolang kristal. Si Pascal naman abala sa paghimas sa alaga niyang tigre. At si Finnix na nakapangalumbaba at nakatingin sa'kin, napansin ko na kulay brown yung buhok niya ngayon hindi katulad kanina na kulay pula, siguro kapag ginagamit niya yung kapangyarihan niya nagbabago 'yon.

"So, Jill Morie," binasag ni Seraphina ang katahimikan.

Nagulat ako sa way ng pagsasalita ng batang 'to, tinawag niya kong Jill Morie? Napansin 'ata ni Finnix yung pagkagulat ko, tumawa siya at sinabing,

"Ajumma! Mukhang kailangan mo munang ipaliwanag kay Jill Morie ang sitwasyon mo." Ajumma?

"Sinabi ko na sa'yo na tigil-tigilan mo ang pagtawag sa'kin ng 'ajumma' Finnix! Mga natutunan mong banyagang salita!" saway si Seraphina at tumahimik siya, "Hmm... Dahil hindi ganoon kaayos ang naging una nating pagkikita noon, kailangan muna pala malaman niyo kung sino kami. Siya, si Cecilia," tinuro niya yung babaeng manghuhula na Cecilia pala ang pangalan, "Ang pinakabata sa'ming lahat---"

The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon