/75/ To Die is To Gain

249K 8.9K 1.8K
                                        



"Magandang magandang umaga sa inyo mga ka-KKK, kapamilya, kapuso, kapatid! Nandito tayo ngayon sa Plaza Complex at kitang-kita ang dagsa ng maraming tao upang dumalo sa misa sa Sentral de Cathedral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Magandang magandang umaga sa inyo mga ka-KKK, kapamilya, kapuso, kapatid! Nandito tayo ngayon sa Plaza Complex at kitang-kita ang dagsa ng maraming tao upang dumalo sa misa sa Sentral de Cathedral. At! Muntik ko na kayong batiin mga ka-KKK ng isang maligayang-maligayang Pasko! Mamaya mga ka-KKK magaganap ang isang bonggang opening sale sa Centro Town Center kung saan mag—"

Kakalabas ko lang ng walk-in closet at pinatay ko yung power ng TV gamit yung remote. Naupo ako sa sofa at pinagmasdan ang passport at plane ticket na nakapatong sa lamesita. May flight ako mamayang tanghali papuntang Washington. They've been decided since yesterday na ipadala ako ng ibang bansa para sa kauna-unahang testing ng Culomus 2.0, hindi lang 'yon dahil sooner or later iibahin na nila ang pangalan ko, ang citizenship ko, religion—ang buong pagkatao ko. I am their property now and it feels like I'm not a human anymore, para akong gamit na gusto nilang gamitin kahit kailan nila gusto. Pero hindi nila alam, wala silang alam kung anong nangyari kagabi.

I erased his memories, kaya walang naalala si Cairo tungkol sa kahit anong nangyari noong nagdaang gabi. At hindi alam ng Memoire na nagamit ko na sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong kapangyarihan ng mga mata ko, nakita ko ang hinaharap, ang hinaharap na naghihintay sa mga tao ngayong araw ng Pasko.

Memoire will take a step forward in conquering the universe at uumpisahan nila 'yon sa lugar na 'to, sa Sentral city. They will perform the first massive testing of Helexia, the drug that can control anyone, and they will do it today—sa araw kung saan walang kamalay-malay ang mga nagkakasiyahang mga tao. Memoire will rob their will at walang ibang nakakaalam na mangyayari ang karumal-dumal na krimen na 'yon kundi ako lang. Twelve o'clock sa Centro Town Center.

"Miss Morie." May kumatok atsaka pumasok ang isang babae na nakacorporate attire, isa rin siyang Peculiar at katulad ni Cairo, isang Memoire, wala halos pinagkaiba ang paninilbihan nila rito. "Get ready within ten minutes, pupunta na tayo sa airport." Iyon lang ang sinabi niya atsaka siya umalis. Oo nga pala, sila ang magsisilbing escort ko hanggang Washington.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa bintana para muling pagmasdan ang halos kabuuan ng siyudad, I always admire the city's view. Pero nakita ko ang repleksyon ng sarili ko, nakatingin sa'kin at tila may sinasabi, nangungusap. Parang kahapon lang gusto mong wakasan ang buhay mo, pero heto ka pa rin ngayon, nakatayo sa harapan ng sarili mo. Jill. Ano na ang gagawin mo?


*****


Hindi ko inaasahan na wala kaming kasamang Sentinels dito sa airport, tanging si Cairo, at yung babae kanina na hindi ko alam ang pangalan lang ang kasama ko. Nasa escalator kaming tatlo at paakyat kami ng second floor.

"Nanghihinayang ako na hindi tayo makakapunta sa selebrasyon mamaya." Narinig kong sabi nung babae kay Cairo na hindi sumagot kaagad. Nasa likuran ko lang silang dalawa at kahit mahina ang pagkakasabi hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko, "I'm too excited for that project pero in the end hindi ko rin pala makikita ang first output nito." Hindi maiintindihan ng kahit na sino kung anong pinatutungkulan niya pero alam ko. "I guess I should be grateful this way—"

The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon