SJ: Don't Worry, I'm With You...

482 5 2
                                    

 SJ: Don't Worry, I'm With You...

© minlai22

All Rights Reserved 2012

-----

Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit sa akdang ito ay hindi totoo at pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi sinadya at bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda.

"Uwaaaaa~ Hindi ko na kaya.... Mage-enlist na siya sa army.... waaaaaaa~ Iiwan na ako ng mahal ko..." at dire-diretsong pumatak yung luha ko habang nakatingin sa monitor ng computer.

"Hindi ko siya kayang makitang umalis... Ayoko... Hindi pa ngayon.. Amputek naman kasi, nauso pa yang paga-army na yan... Dapat pag idol exempted na sa mga ganun... Uwaa~ Lee Hyukjae... Kelan ulet tayo magkikita?... Mahal ko..." hindi ko pa rin mapigil yung mga luhang pumapatak na sa keyboard ko.

/Knock.Knock/

Madali kong pinunasan yung mga luha ko nung may kumatok sa may pintuan ko. Bumukas iyon kaagad buti na lang mabilis kong napunasan yung luha ko.

"Oh? Mage-enlist na daw siya ah..." yung kapatid ko.

"Oo nga ate..." naiyak na naman ako. Yumakap ako sa ate ko at umiyak ng umiyak. "H-hindi ko pa kaya... A-ayoko pa siyang makitang umalis. H-hindi ko makakayang panuorin ang Super Junior ng wala siya... Ate..."

"Wag ka ng malungkot... Bakit mga lalaki lang ba ang pwedeng mag-enlist sa army?"

Biglang may ideyang pumasok sa utak ko.

---

Isa akong super fan ni Lee Hyukjae or mas kilalang Eunhyuk ng Super Junior. Avid fan. Lahat ng tungkol sa kanya alam ko. Lahat ng video niya napanood ko. Pati nga ang schedule niya alam ko na eh...

Lagi kaming nagkikita ni Eunhyuk. Lagi lang naman kasi akong front row sa lahat ng event na kasama siya. Palagi ko siyang nakikita, hindi ko lang alam kung pati ako napapansin niya.

Pero this time, gagawin ko na ang lahat para mapansin niya ako. It will be just me and him.

"Eunjo-yah, sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" tanong ni ate.

"101%. Sigurado na ako"

"Okay then, let's go..." 

---

Sobrang daming ELF ang naghihintay sa pagdating ng Super Junior para ihatid si Eunhyuk sa camp. Marami ding reporters. Nandoon din ako, hindi para maghintay sa Super Junior, kungdi para sumabay sa kanila sa paghahatid nila kay Lee Hyukjae sa army.

Naglalakad ako wearing my army uniform nung nakita kong dumating na ang mga Super Junior members. Nararamdaman kong pinagtitinginan ako nung ibang ELF na nadadaanan ko.

"Babae siya? Talagang papasok siya sa army ah..."

"Alam ko mahirap sa army eh. Bakit siya papasok?"

"Kawawa naman si ate. 2 years yun... tsktsk"

At kung anu-ano pang mga narinig kong sinabi nila. Pero binalewala ko na iyon dahil ang atensyon ko ngayon ay doon sa lalaking umiiyak ng sobra kasama ang mga members niya.

Hindi nakaalis sa paningin ko yung sobrang pag-iyak niya. Feel na feel ko yung emosyon na ayaw niyang iwan yung mga kaibigan niya for 2 years. Siya pa naman ang pinaka-iyakin sa Super Junior. Malamang nahihirapan na siyang itago yung emosyon niyang yun.

Tagalog KPOP Stories [One-shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon