SJ: Room #135

727 8 2
                                    

SJ: Room #135

© minlai22

All Rights Reserved 2012

-----

Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit sa akdang ito ay hindi totoo at pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi sinadya at bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda.

---

A/N: Dahil sa pesteng habagat na yan, naulan sa'men,, pero what matters is, safe kame and maayos naman yung bahay namin. Yung habagat na yun yung inspiration ko ng story na ito.

Ayun, hello @suju4everSB hopefully, safe ka ngayon at sana magustuhan mo itong story na ito... This is for you!! ENJOY!!! :))

***

"Ano ba naman 'tong ulan na 'to? Hindi pa rin natigil hanggang ngayon..." inis na sabi ni Seori habang nagpapatila ng ulan sa isang waiting shed na nakita niya. Papunta siya sa kanyang lolo para dalhin yung ipinadadala ng kanyang ina dito. Dala niya rin yung mga gamit niya dahil sa lolo na niya siya pansamantalang titira dahil sa mas malapit ang bahay nito sa pinapasukang eskwelahan. At sa di inaasahang pagkakataon, napatigil siya sa waiting shed dahil biglang bumuhos yung malakas na ulan.

"Kung bakit kasi ngayon pa ako pinalipat eh nabalita na ngang uulan ng malakas... Aish~" patuloy na sambit ni Seori. Mag-isa lang naman siya sa waiting shed kaya walang nakakarinig sa pagmamaktol niya.

Halos isang oras ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago yung malakas na pag-ulan. Nanatili na lang siyang nakaupo doon at yakap-yakap ang sarili. "Hay~" nakailang buntong hininga na siya pero wala ng dumadaang kahit anong sasakyan sa lugar niya.

"Hala~ Paano na ako makakauwi nito?~ Uwaaaaa~" unti-unting nawawalan ng pag-asa si Seori sa mga nakikita niyang mga taong basang-basa na naglalakad sa ulan.

Tumalikod siya at nakita niya ang isang hotel doon. Biglang nag-ring yung cellphone niya,

"Anak! Asaan ka na? Bakit hindi ka pa daw nakakarating sa lolo mo? Na-stranded ka na ba?" dire-diretsong tanong ng kanyang ina. Sobrang nag-aalala ito sa matagal na pagkawala ni Seori

"Na-stranded po ako. Sobrang lakas na po ng ulan. Magpapalipas po muna ako sa may hotel dito..." sagot ni Seori sa kanyang ina.

"Okay sige. Mag-ingat ka dyan at tumawag ka kapag nagkaproblema... Sige, sige... Bumabaha na rin dito, mag-aayos muna kami ng gamit..."

"Okay po. Mag-ingat din po kayo dyan..." tapos ibinababa na niya yung cellphone niya at tumakbo papunta sa hotel na nakita niya.

Pagdating niya doon sa hotel, nakita niyang nagkakagulo yung mga staff doon. Lumapit siya sa front desk at nagtanong,

"May libre pa po bang room?" tanong ni Seori.

"Ah! Meron pa po Ma'am..." magalang na sagot nung babae sa may front desk.

"Ahm... Isang room po..." sabi niya sabay abot ng kanyang credit card sa babae.

"Ah Ma'am... Pakisundan na lang po yung siya" sabay turo sa isang lalaki, "Nagkapalit-palit po kasi yung mga susi ng mga rooms kaya wala po muna kaming maibibigay na susi sa inyo. Wag po kayong mag-alala kapag naayos na po yung problema, agad po naming ibibigay yung susi sa inyo."

"Okay..." at sinundan niya yung lalaking itinuro nung front desk girl.

Dinala niya si Seori sa Room#135. Pumasok siya doon at agad na nahiga sa kama. Sobrang napagod kasi siya habang naghihintay sa waiting shed. Binuksan niya rin yung TV doon at pinakinggan ang mga balita about sa bagyo sa lugar nila.

Tagalog KPOP Stories [One-shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon