SJ: He's Weird... But I Love Him...

933 14 3
                                    

SJ: He's Weird...

But I Love Him...

© minlai22

 

All Rights Reserved 2012

-----

Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit sa akdang ito ay hindi totoo at pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi sinadya at bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda.

---

@sapphireblue4ever, hello sis! XDD eto na,, eto na... si papa YEYE yan ah... hihihi ^^ ENJOY!!!

***

Weird din siguro akong maituturing kasi ang weird nung taong nagustuhan ko. Kung tutuusin, mas gwapo pa sa kanya yung ibang members nung grupo pero sa kanya lang talaga ako nakaramdam ng ganito. Ang weird, sobra!

"Oy! Make-up-an mo na ako... Malapit na ako... Dapat mas gwapo pa ako dyan sa iba naming members..." tapos nag-aegyo siya sa harapan nung mirror.

"Oo na... Gwapo ka na naman eh..." banat ko sa kanya.

"Hahaha... Alam ko, kaya nga baliw na baliw yung ka sa akin. I'm really famous... Wahahaha" nag-evil laugh siya tapos nag-gwapo sign pa. At nginitian pa ako ng wagas.

Leshe =___= Gwapo ka na po! Sa paningin ko at sa paningin ng fans mo. Gwapong-gwapo ka na... Sobra na nga eh, nag-uumapaw na...

Ako'y isang makeup artist. At sa dinami-dami ng mga artistang papadparan ko, ay dito ako napunta kay Kim Jongwoon or mas kilala bilang Yesung. Hinihiling ko dati na sana kay Donghae ako mapunta dahil nga siya ang gusto ko sa kanilang lahat, ang gwapo kasi tapos nakakatuwa siya. Pero nung nagtagal, nasanay na ako dito kay Yesung. Natuwa na rin ako sa kanya at sa kalaunan ay nabihag niya ang aking puso.

Weird nga! Sobrang weird!

"Hello, Ddangkkomaeng! Kkoming!!" Kumakaway siya habang ka-video call yung kapatid niya. Vini-video kasi nung kapatid niya si Ddangkkomaeng at Kkoming at kitang-kita ko yung tuwa sa mukha ni Yesung.

Alaga niya yung mga yun. Baliw yan sa pets eh. Ayun, nagmumukha na tuloy pagong. Malaki ulo tapos maliit yung kamay. Weird nga. Nagmumukha na tuloy alien… XD

Mukhang baliw, adik na adik dun sa pagong na yun. Dati nga eh, may inaalagaan din yang isa pang pagong, Ddangkkoma yata yung pangalan. Baliw na baliw din siya dun, pero nung kalaunan ay ipinamigay niya rin kasi hindi na niya daw maalagaan ng maayos. Ayun, bonggang iyak yun sa akin. Maski nga ako naiyak nung nagkukwento yun eh... Ambaliw lang talaga, pati ako nadala sa kwento niya.

Natapos ko siyang make-up-an nun, tapos nakita ko siyang umiiling-iling sa harapan nung salamin,

"Eh? Bakit? Hindi ba bagay yung make-up?" tanong ko.

"Hindi..." seryoso niyang sagot.

Tagalog KPOP Stories [One-shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon