SJ: The Ticket to his Heart

4.4K 29 11
                                    

SJ: The Ticket to his Heart

 © minlai22

All Rights Reserved 2012

-----

Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit sa akdang ito ay hindi totoo at pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi sinadya at bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may akda.

***

Author's Note: Eto pala yung first ever Super Junior drabble ko. Nakita ko lang ito nung naghahanap ako ng something. XD Last 2009 ko pa yata ito naisulat at hindi ko na masyadong in-edit. Lutang parin kasi ako. XDD

Osya, game na!

@Angelteuk - Dedicated to sa'yo kasi, wala lang... Ikaw kasi yung nauna kong nakitang Leeteuk-bias sa aking mga fans... Mag-enjoy ka sana... :))

---

Big fan ng Super Junior si Angel at dahil first time magkakaroon ng concert ang Super Junior sa Pilipinas ay agad siyang nag-ipon ng pambili ng ticket. At nung nag-release na ng ticket price, agad-agad siyang tumawag at nagpareserve ng ticket niya. Excited na kasi siya dahil matagal na niyang sinusubaybayan ang grupo at gustung-gusto niyang makita ang paborito niyang miyembro na si Park Jungsoo also known as Leeteuk, yung leader ng Super Junior.

Dahil isa siyang half-Korean/half-Filipino, excited siyang magkaroon ng interaction sa Super Junior dahil maiintindihan niya at makakasagot siya sa kanila kung sakaling magkita siya. Nagde-daydream siya habang patawid ng kalsada malapit sa concert venue nung muntik na siyang masagasaan ng isang black van. Hindi naman niya nakita yung mga sakay dahil tinted masyado yung sasakyan, nagbow nalang siya para mag-sorry dun sa may-ari nung van.

---

Sa venue, maaga palang pero marami ng tao. Pumunta muna siya sa parking lot para magpahinga at para mag-stalk na rin kung andun na yung van ng Super Junior. Sumandal siya sa isang black na van tapos,

*Life couldn't get better* 

"Hello?" sagot ni Angel

"Uyy! First time mong manood ng concert! Goodluck!" yung mama niya na uber supportive sa fangirl life niya.

"Oo ng eh, first time kong manood ng Super Show. Sana makita ko si Leeteuk... AYYYYYY!!!" Kinikilig niyang ibinaba yung phone at sinabing, "Sana makita ko talaga si Leeteuk. Fighting!" sabay taas pa ng kamay at with emotions pa. Hindi niya alam naririnig nung mga tao sa loob ng van yung mga sinsabi niya.

Tapos habang nagdeday-dream at kinakausap niya yung sarili niya, biglang may lumapit na bata sa kanya. Napansin niyang isa ring ELF yung bata dahil sa suot niyang ELF-shirt at may suot din itong baller ng Super Junior. Lumapit siya sa bata at, "Bakit? Anong problema?" tanong niya.

"N-nawala po k-kasi yung t-ticket ko... H-hindi k-ko n-na p-po mapapanood y-yung concert... huhuhu..." sabi nung bata in between her little cries. Tapos lalong lumakas yung iyak niya nung medyo natagalan sumagot si Angel.

"Oh, eto sa'yo na lang yung ticket ko..." tapos bigla-biglang kinuha nung bata yung ticket niya.

"Ate! MARAMING SALAMAT PO!!!" tapos umalis na yung bata.

Malungkot na bumalik sa bus stop si Angel. Sobrang nalulungkot siya kasi yung pagkakataon na makita niya yung Super Junior ay pinalagpas niya. Nanghihinayang siya na ibinigay niya sa batang iyun yung ticket na matagal niyang pinag-ipunan. "May next time pa naman eh..." pagpapalakas niya ng loob niya. Pero hindi na rin niya napigilan na maiyak dun sa ginawa niya.

---

Samantala, sa loob ng van,

"Ang bait niya noh?"

"Oo nga eh, sayang at hindi niya tayo mapapanood."

"Tulungan mo naman siya, hyungnim~"

---

Naupo na lamang siya sa may bus stop at doon na lang umiyak. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa kanya. Sobrang down lang talaga ng feeling niya at maiibsan lang yung kalungkutan niya kapag nailabas niya ito sa pag-iyak.

"Sana umulan na lang, para walang makapansin na umiiyak ako..."

Biglang may tumigil na kotse sa harapan niya tapos sinenyasan siyang sumakay. Kahit nagdadalawang isip ay pumasok pa rin siya sa loob ng kotse. Mukha naman daw kasing katiwa-tiwala yung driver nung kotse.

Dinala siya nito pablik sa concert venue at isinama pa sa backstage. Manghang-mangha siya sa nangyayari sa kanya kaya pinisil-pisil niya yung pisngi niya para malamang hindi siya nananaginip. Nung dalhin siya nito sa isang kwarto ay doon niya nakita yung taong matagal na niyang gustong makita.

"JUNGSOO-OPPA!" sigaw niya at agad niyakap ang binata.

"Nakita namin yung ginawa mo kanina kaya may special prize ka."

May iniabot sa kanyang isang small bag na naglalaman ng mga Super Junior collectibles at mga autograph ng bawat members nito. "Kasama yan sa ibabato namin mamaya eh, pero ipinamili na kita ng magandang souvenir..." sabay tapik ni Leeteuk sa ulo niya.

"Super Junior, get ready, we'll start in 5 minutes..." sabi nung isang staff ng concert.

Tapos ayun, pumabilog na yung members ng Super Junior. Tapos hinila siya ni Leeteuk at isinama siya sa circle nila. Then, pinagpatong-patong nila yung mga kamay nila, at syempre pati si Angel kasali tapos bigla silang sumigaw ng malakas, "Let's try till we die. One. Two. Three. Fighting!"

---

Natapos yung buong concert at super saya ni Angel. Bago pa siya tuluyang magpaalam sa Super Junior at nakatanggap siya ng kiss sa pisingi mula kay Leeteuk at dahil dito ay hinimatay siya sa sobrang saya...

---The End---

***

LOL at the ending. Kauna-unahan ngang fanfic eh... wahahaha... Pagpasensyahan na... Hindi ko nagawan ng magandang ending. Uber kasi ang pagi-spazz ko habang isinusulat ito.. :)))

"ELF, komapgo, saranghanda"

Tagalog KPOP Stories [One-shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon