Chapter 10 ❤ FEELS

51 1 0
                                    

Author's NOTE: Hi Readers :) Pasensya na kung medyo madrama ang buhay ni Barbie ah ? Alam nyo hindi sa lahat ng oras o panahon palagi ng masaya...aaaaaaaat sorry kung panget ang chapter na 'to (O BAKA PANGIT TALAGA ANG LAHAT NG CHAPTER ? LOL) hindi kasi ako marunong gumawa ng point of view ng lalaki.

Ezekiel's POV

Pagising ko wala si Barbie sa tabi ko. Tumayo ako para hanapin sya. Una ko syang hinanap sa banyo. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan pero wala akung marinig. Binuksan ko ito at nag babakasali ako ng nag sho-shower lang sya at naka patay ang shower "Barbs ?" tawag ko sa kanya. Sinilip ko ang shower room at nagismaya ako kasi wala sya sa loob nito. Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa baba "Barbieee ?" tawag ko sa kanya. Hinanap ko sya sa buong sulok ng condo ko pero hindi ko sya mahanap "baka umuwi na" ani ko sa aking saliri. tssk akala ko ba naman makakasama ko syang kumain ng agahan.

Bumalik ako sa kwarto sakto namang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller ID-si bryle secretary ko. Baka ipaparemind nya sa akin ang meetings ko. Kahapon kasi pina cancel ko dahil kay Barbie [Sir good morning] rinig kung sabi ni Bryle [Ipapareminind ko lang yung metting nyo kay Sir dutch. 10;30am] tssk ang kulit talaga nitong matandang ito [okey. I'll be there] sabi ko tsaka ko binaba ang cellphone. Ang bobo ko talaga ngayon ko lang naisip na wala pala akung number ni barbie. Bayaan na nga mamaya hihingin ko ang number nya.

Tinanggan ko ang orasan ng phone at may 1 hour and 30 minutes pa ako para mag handa. Tiningnan ko ulit ang phone ko at lumabas ang picture ni Barbie. I took a photo of her while shes sleeping.

Flashback.....

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na medyo tumama ang mukha ko dahil sa reflection. Tinitigan ko ang mukha nya. Maganda sya. Sobrang ganga. Mahaba ang pilik mata nito. Ang matangos ang ilong nito tapos ang mapula-pula ang labi nito. Matambok din ang mga pisngi nito kaya masarap kurutin. Busy ako sa katitig sa mukha nya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi man lang nagising. [Hello sir. Pa remind lang kita about sa meaning mo ngayon] tssk metting na naman [ok] sagot ko. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko at simulan na naman syang titigan ng maisip ko nalang na picturan sya at ginawa kung screen saver ang picture.

End of Flashback....

Pumasok ako sa banyo at naligo. Namiss ko tuloy si Barbie. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas. Nag suot ako ng pang business attire. Lumapit ako sa drawer para kunin ang pitaka ko ng mapansin kung nakabukas ito, tiningnan ko ang laman ito at "FUUUCK!" bullshit barbs iba yata ang pagkakakilala ko sayo. Gold digger na prostitute ka pala.

Barbie's POV

"Oh! Dahan dahan" Palala ko sa kapatid kung si Princess. Naghahabulan kasi sila ni Marky dito sa sala. Ang likot likot parang hindi galing sa hospital. Magaling na daw si Princess kaya lang kailangan pa syang magpahinga para hindi mabinat pero sadyang matigas ang ulo nya kaya hindi nakikinig. Si Ken naman at si Patricia pumasok sa paaralan. Hindi narin ako pweding rumaket kasi ayaw ko nang mangyari ulit yun sa kapatid ko. Nakakatakot kasi eh, nahihirapan sila at ayaw kung maranasan yun. Bata pa sila kaya gusto ko iparanas sa kanila maging bata. Si Nanay naman medyo okey na sya pero hindi parin ako nagiging kampanti hanggat hindi sya naooperahan. Hanggat maari hindi namin pinag-uusapan ang sakit ni Nanay sa harap ng kapatid ko. Malaking pera kasi ang kailangan kahit magkadaugaga akong mag trabaho hindi ako magkakapera ng ganong kalaking halaga. Bumalik ang diwa ko ng makarinig ako na iyak "Yaan kasi, sinabi ko ng huwag tumakbo eh" tinulungan kung tumayo si Marky at pinaupo sa upuan "Sorry ate" rinig kung sabi ni Princess sa akin. Nginitian ko sya "Ano ka ba! Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad. Dito kay princess kasi sya ang nasaktan mo" sabi ko kay Princess akala nya galit sigiro ako dahil sa nangyari "Sorry marky" malungkot na sabi ni Princess "wokey ang atchi. Walang shakit" (okey lang ate. Walang sakit) sabi ni Marky. 2 years old pa lang kasi si Marky kaya medyo bulol pala. Samantalang 5 years old naman si Princess. Si Patricia nalang 12 years old. Si Ken naman 15 years old. Konti lang ang agwat. "Sorry talaga Marky. Love na love ka ni ate" sabi ni Patricia tsaka nya niyakap si Marky "ayabyooo atchi" kita kung niyakap din ni Marky si Patricia. Ito maganda sa pamilya namin eh. Kahit may problema na kami hindi parin nawawala ang magmamahalan namin. Solid kami uuuy, hanggang huli ito "Ayy, kayo lang ? Hindi nyo si Ate ?" Pag dradrama ko sa kanila. Tumayo ako para mas makakatuhan ang drama ko. Hindi pa naman ako nakaka hakbang naramdaman na nakayakap sila sa akin "Love youuuuu din ate" Patricia "ayabyuuuu atchi" Marky. Hinarap ko si sila at niyakap ng mahigpit "Love na love din kayo ni Ate" sabi ko sa kanila habang niyayakap ko sila ng mahigpit. Nakita ko sa peripheral version ko na nakatayo si Nanay na parang naiiyak "Nay! Ali ka dito" sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako makatayo dahil sa higpit ngyakap nila sa akin. Pinunasan ni Nanay ang luha nya at lumapit sa amin. Agad namin syang niyakap "love you Nay/Ayabyuuu Nay" Rinig kung sabi nila kay nanay "I love you dib mga anak. Mahal na mahal ko kayong Lahat" This time niyak na si Nanay pero dahil sa tuwa. "Nay makakaya nating lagpasan ang lahat ng problema natin basta sama sama po tayo po tayong lahat" Sabi ko.

When Ms. Prosti Meets Mr. Pervert ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon