Chapter 21 ❤ Secretly loving you

18 0 0
                                    

IM TRYING TO CONTINUE THESE STORY. SORRY AT MEDYO NATAGALAN AKO SA  PAG A-UPDATE KO. MEDYO TINATAMAD KASI AKO.

Kean's POV

Nandito ako sa labas ng bahay nila. Syempre hinihintay ko sya. Sino pa ba ? Edi si Barbie! Oo, tama kayo. Mahal ko si Barbie. Matagal na akong may pagtingin sa kanya pero everytime na co-confess ako sa kanya, napaguunahan ako ng kaba. Naramdaman kung may umupo sa tabi ko. "Nay bakit hindi pa kayo natutulog ?" Tanong ko kay Nanay Melba "Hinihintay mo sya ?" Mabuti na si Nanay alam na may lihim akong pagtingin kay Barbie, pero si Barbie. Tangina! Ang manhid talaga. Tulungan nyo naman ako readers please ? "Opo nay eh" natatawang sabi ko sa kanya. Nakita kung bahagya syang ngumiti "Bakit ayaw mong sabihin kay barbie yung pag-ibig mo sa kanya ?" Nanay Melba. Natawa ako. Ganon na ba talaga ako ka torpe ? Kahit yung mga kaibigan ko at kaibigan ni Barbie sinasabihan din ako nyan "Dinadaga po ako nay eh" natawa sya sa sinabi ko. Katahimikan! Yun yung bumabalot sa amin ngayon. Kung nandito lang siguro si Barbie, sabay namin bibilangin ang bituin sa langit. Ilang sandali pa ay nag paalam na si Nanay Melba para matulog. Tiningnan ko yung relo ko 8:15pm na pala.

"Hi bestfriend" bati nya sa akin. Ang ganda talaga ni Barbie lalo pag nakangiti "Ang tagal mo naman, inantok na ako eh" pagmamaktol ko sa kanya. Lumapit sa akin at niyakap ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kay Barbie wala malisya pero para sa akin meron. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Tinanggal nya ang yakap sa akin at umupo sa tabi ko "Inaantok ka na ? Sayang may dala pa naman ako ng barbecque" sabi niya sabay pakita sa akin yung supot na dala nya "Pero sige ako nalang ang kakain nito, dahil inaantok kana" Natawa ako sa kanya. May pagka isip bata talaga sya pero I find it cute. Ginulo ko ang buhok nya sabay kuha sa BBQ. "Kamusta ang trabaho mo ?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa langit. Tiningan ko sya saglit at nakita ko sya may katext.

Medyo kumunot ang noo ko dahil hindi naman sya mahilig mag txt. Siguro kasamhan nya sa trabaho yung ka txt nya "Ano yun Kean ?" Tanong nya sa akin habang nilalagay nya sa bulsa ang cellphone nya "Sino yang ka txt mo ?" tanong ko sa kanya. Nakita ko na medyo nataranta sya sinabi ko. "May tinatago ka ba sa akin Barbs ?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko na huminga sya ng malalim. So, tama nga ako ? May secreto sya " Bestfriend, may aaminin ako sa sa'yo pero mag promise ka muna na huwag mung sasabihin kay Nanay ah ?" Tumango nalang ako bilang sagot ko. "Uhm. Yung ka text ko kanina si Ezekiel ko" panimula nya "Boyfriend ko" parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko galing sa kanya. DAMNIT! ang sakit. Sobrang sakit, tangina! "Kean, ok ka lang ? Bakit ka umiiyak ?" tarantang tanong nya. Hinawakan ko ang akin pisngi at tama nga sya, hindi ko namalayan na naiyak pala ako dahil sa sinabi nya "Ang OA ng reaction mo Kean ah. May pa iyak iyak ka pang nalalaman, hindi naman ako mag aasawa eh" natatawang sabi nya. Napabuga nalang ako ng hangin. Ang manhid talaga! Niyakap ko sya ng mahigpit. Siguro di-distansya mo na ako sa kanya para makalimutan ko ang naramdaman ko sa kanya "Kean, may problema ka ba ?" Nagaalalang tanong nya sa akin. Naramdaman kung gumanti din sya ng yakap sa akin "Barbs, sabihin mo sa akin pag sinaktan ka nya ah ? At bubugbugin ko sya" natawa sya sa sinabi ko. Seryoso ako barbs at pag nangyari yng kukunin kita sa kanya "Salamat Kean ah ?" Sabi nya sa akin. "I love you, Barbie" sabi ko kanya habang yakap yakap ko parin sya "I love you too, Kean" sabi niya sa akin. Akala ko yun na huling sasabihin nya pero hindi pa pala. "....Bestfriend"

When Ms. Prosti Meets Mr. Pervert ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon