Chapter 22 ❤ Cassandra Ricaforte

14 0 0
                                    

Kean's POV

"Isang Martini nga" sabi ko sa bartender. Agad nyang binigay ang order ko at diretso ko itong nilagok. Tangina! Pang ilang shots ko na ito pero bakit parang hindi parin ako nakakalimot sa sinabi ni Barbie ? tsss.

Pagkatapos naman mag usap ni Barbie dumiretso ako sa bar para makalimot. "Isa pa" sabi ko. May nakita ako sa peripheral version ko na isang babaeng umupo sa tabi. Tiningnan ko sya. She's wearing red tube. Nakalugay ang kanyang buhok. Maganda sya. Ang ganda ang features ng mukha nya. Matangos ang mapupulang labi nito "Done checking on me ?" Napa smirk sya. Yabang! "One tequila" sabi niya sa bartender.

Hindi ko sya pinansin ang tinuon ko nalang ang attention ko sa iniinom ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako agad nagtapat ng pag-ibig ko kay Barbie. "Let me guess, love problem ?" Rinig kung tanong sa akin. Tiningnan ko syang makakunot ang noo. Ngayon ko lang napansin na yung mata nya. Ang ganda! Halatang mayaman ito at spoil brat "Anyways, Im Cassandra Recaforte" Familiar. Nakita kung nilahad nya ang kanyang kamay. Tiningnan ko lang ito "Sungit mo naman, porke't brokenhearted ka" Damnit! Ang pakialam itong babae sa akin ? Kung makapagsalita parang kilala ako ah "You can share to me. You know, mas maganda kausapin ang stranger kaysa mga kakilala mo" sabi niya. Siguro nga't tama sya. "Kean Lim" sabi ko sa kanya tsaka ko kinuha ang kamay nya para makipag shakehands "So, Mr. Lim, anong problema mo ?" Tanong nya. Natawa ako! Kasi halata naba talaga na may problema ako ? tss "Im inlove with my bestfriend" sabi ko sa kanya.

Nakita kung nagbago ang kanyang aura, naging malungkot sya. Bakit ? Don't tell me, parehas kami ng problema ? "Why don't you tell her ?" Paano ko sasabihin sa kanya ? Huli na ang lahat. May boyfriend na sya. Dahil sa katorpehan ko, hindi ko na nagawamg sabihin sa kanya. Ngayon at may boyfriend na sya, ang laki ng pagsisisi ko. Damn this feeling of mine. Sa dinami dami pa namam babae sa mundo, sa bestfriend ko pa ako napunta. Natawa ako ng mapakla, para naman akong bading nito.

Kumuha ako ng pera ko sa wallet at binigay sa bartender tsaka ako nag lakad palabas. Pagiwang giwang ako habang naglalakad. May nababangga ako pero hindi ko sila pinansin. Damnit! Ngayon lang yata ako tinamaan. Wala akong sasakyan kaya mag tataxi nalang ako. Perks of being poor.

Habang naghihitay ako ng taxi, may pulang kotse na huminto sa harapan ko at iniluwa nito si Cassandra "Sakay ka na. Hatid na kita sa inyo. Lasing kana eh. Baka mapano ka" sabi niya. Bakit ba ang bait nitong babae sa akin ? Ngayon ko lang naman sya nakita. So, probably ngayon lang kami magkakilala. Kibit balikat akong sumakay sa kotse. Bahala na nga. "Saan pala ang bahay nyo ?" Tanong nya. Tulog na siguro si Nanay. Nakakahiya naman kung iistorbuhin ko sya "Sa hotel mo nalang ako ihatid" sabi ko at hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako dahil sa kalasingan.

When Ms. Prosti Meets Mr. Pervert ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon