#3

43 0 0
                                    

Sa mga supportive kong classmates @janrieldepogi,@notsostupidgirl and sa bunso namin na si @ANNattended.Kaway!kaway!!!!

Nagmamahal,
Misteryousaw ;)hahaha

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nag angat ako ng tingin ng may tumikhim sa pintuan.Anong problema nya? Naka tingin lang sya sa akin habang nakasandal sa balandra ng pinto at nakapamulsa na parang hindi na alam ang gagawin na ewan.In short,para syang tanga.

"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"

Nagkibit balikat lang sya at umupo sa tapat ko.Nagsimula narin syang kumain.Nagtataka lang talaga ako.Minsan kasi napaka palaaway ng lalaking 'to tapos ngayon biglang tumahimik.Bipolar.

"Where do you live?Ihahatid na kita after nating kumain"

"Yuck! Hindi ka manlang ba magto-toothbrush pagkatapos nating kumain?"

Kumunot ang noo nya tapos nag isang linya ang kilay nya.Chos,galit sya panigurado kasi halata naman.

"Kahit kailan talaga hindi ka matinong kausap!"

"Ano? nagtatanong lang naman ako ah?"

Painosenteng ngumiti pa ako.Natutuwa kasi ako pag nagagalit sya.Hindi ko alam kung bakit pero parang matagal ko nang ginagawa ang asarin sya.

He tsssk then continued eating.Nang matapos kaming kumain naupo sya sa sala at nag laro ulit ng rubicks cube habang ako pinaghugas nya ng pinggan.Ginawa talaga nya akong katulong ngayong araw nakakaembyerna.

Pagkatapos ko'ng hugasan ang pinagkainan namin pinuntahan ko na sya sa sala.

"Hoy ihatid mo na ako.Paniguradong nasa bahay ko na ngayon si Sam at nakahanda na ang samurai ng amasonang yun"

"Okey"

Tumayo na sya at lumabas ng bahay.Palabas narin ako nang mapansin ko ang malaking picture nya na nakasabit sa bukana ng hagdan.Siguro 'di ko to napansin kanina kasi busy ako sa pagiging alipin ko.Napagod talaga ako prames!

Nilapitan ko ang picture nya.Wala lang na curious ang ako.Masyado kasing gwapo ang lalaking yun at nakakawala talaga sya ng katinuan.Kahit wala ka sa katinuan mas mawawala ka pa talaga.Nakakalito ba ako? Ikaw kaya dito tingnan ko lang kung di ka maglaway sa kagwapuhan nya.

Para syang prince charming in a modern era.Kaso may pagka bipolar nga lang slash may saltik sa utak.Wala pang awa kasi pinahirapan ako.Sa ganda ko ba namang to? ginawa akong alipin nang damuho!

Nabalik ako sa realidad ng may biglang kumalagkad sa akin.Tama.Hindi nya ako basta-bastang hinila kasi kinaladkad nya ako! wala talagang puso.

"Dahan-dahan naman! pag nahulog ako dito siguradong maiindured ako.Ang kagandahan ko masisira!"

Huminto sya at tiningnan ako ng masama.

"Can you shut the hell up?!"

"AYOKO! Inalila mo ako ng buong araw tapos tingnan mo!" ipinakita ko sa kanya ang hands ko na may bahid nang stress"Yung kamay ko stressed na! pagoda na ako as in at haGardo Versosa na ang beauty ko kaya pagtiisan mo ang bunganga ko'ng halimaw ka!anak ka ng demonyo!pinsan ni satanas!Bff ni Hitler!!! At pinuno ng Red Army na kalaban ni Guko!!Puta--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sana kasi bigla nalang nya akong hinila ulit at isinakay sa kotse nya.Wag assuming!hindi nya ako hinalikan noh!

"Hoy ikaw! ganyan ka ba talaga? sa pagkaka-alala ko ikaw talaga tong may atraso sa akin eh.Ni rewind ko nang paulit-ulit sa isip ko ang mga pangyayari pero wala ,inosente talaga ako.Pumapara lang naman ako ng taxi tapo---"

Napakurap ako ng bigla nay hampasin ang manibela.Agad ko sya'ng binalingan.Bumuntong-hininga sya.

"Can you please shut up?!Ang ingay mo!"

"Maingay nga.Maganda naman"
Binilatan ko sya.Yung itsura nya parang natatae na sa sobrang inis.

"Yes ,you're beautiful."

Nganga!literal akong napanganga sa sinabi nya.Hindi ko naman kasi iniexpect na may pagka honest pala tong gwapong halimaw na to.

"I know"
Tumawa pa ako.Hinarap ko sya,may naisip kasi akong bright idea.Alam nyo naman matalino talaga ako eh.Since birth

"Tatahimik na ako buong byahe.In one condition."

He looked at me quizzically.
"What now?"

"Sabihin mo sa akin kung bakit mo alam ang pangalan ko eh hindi naman ako nagpakilala sayo.Tapos sabihin mo rin kung anong pangalan mo para fair."

Alam na nya ang pangalan ko kaya dapat lang na malaman ko rin yung sa kanya.

"Akala ko one condition lang? dalawa yun ah?"

"Wag ka na kasing umalma!"

"Fine.Im Bryan"

"Bryan what?Wala kang last name?kaloka."

Inabot nya sakin ang kamay nya tapos nagtatakang inabot ko rin yun.

"I'm Bryan Apollo Crux"

"John Ramirez.Pero babae ako,panlalaki lang talaga ang pangalan ko kasi yung nanay ko Idol--"

"I know"
Napatingin ako bigla sa kanya.Sa kalsada parin nakatutok ang paningin nya.

"Huh?You know?"

Tiningnan nya ako na parang matagal na nyang ginagawa yung pagtingin sa akin ng ganun.Kinilabutan ako bigla.

"Yes,believe me.I know"

Nagpatuloy na sya sa pagmamaneho.

Missing PromiseWhere stories live. Discover now