#5

23 0 0
                                    

Hellooooo!!sa mga kaibigan ko'ng makikisig at magaganda!!!Kahit alam na nila ang mangyayari sa story na 'to salamat parin sa pagsuporta at lahat ng pang-aalipin sa akin!hahahaha.Mga Langya kau!

Pag sumikat 'to hu yu kau sakin!hahaha.Joke,Ililibre ko kau kaya ipag pray nyo ko kay Lord.Amen! ;)

-Misteryousaw

- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter Four
P51-65

Pumara lang ako ng taxi,nagka boyfriend na ako.Sinong mag-aakala?Isang linggo na akong pinipeste ni Bryan.Hindi ko alam kung anong tinira nito at ang lakas mang trip.At ang mas nakakasakit sa kilikiling pangyayari ay ako pa talaga ang napag tripan nya.

Nag ring ang cellphone ko.Nag aalangan pa ako kung sasagutin ko o hindi.Alam ko na rin kasi kung sinong tumatawag.Sino pa ba?

Gwapong Demonyo Calling.....

"Hey,babe."

Hindi ko alam kung 'saang impyerno nya nakuha ang number ko.Bigla nalang kasi syang tumawag sa akin nung unang gabing hinatid nya ako.Naalala nyo pa?nung present si amasona sa bahay?Oo,sya yung tumawag.

"O?"

"Let's eat.Lunch time na"

I rolled my eyes.Pinanindigan nya talaga ang pagiging boyfriend sa akin.Sinusundo nya ako sa umaga ,sabay kaming naglalunch at dinner tapos hinahatid nya rin ako sa bahay pagkatapos ng trabaho.

May nangyari kasing hindi inaasahan kaya heto kami ngayon

Pupungas-pungas akong tumayo at tinungo ang pinto.Kanina pa kasi tumutunog ang doorbell.Sino ba kasing nasa matinong pag-iisip ang mambubulahaw ng ganitong oras.

Pag bukas ko nang pinto agad akong niyakap ni Sam.May dala syang maleta at backpack.Sya yung perfect picture ng nagalsabalutan kasi medyo haggard rin sya.

"Anong nangyari sayo at ang haggard mo?"

"Good morning din Jan"

Pumasok na sya sa bahay at naupo sa sofa'ng favorite ko.Hinila ko sya patayo at ako ang umupo.Akin to eh,agawan ba naman ako.Lumipat naman sya sa kabilang single sofa.

"Umalis na ako sa amin Jan"

"Hindi naman masyadong halata"

Binato nya ako ng throw pillow.Sapol ako sa mukha.Sinimangutan ko sya

"Battered bestfriend talaga ako sayo.Ano ba kasing nangyari?"

"Wala naman.I just want to stay here kasi nga may boyfriend ka na.Baka mag sex kayo dito---"

"Hoy!Bibig mo ang bastos ha?"

Minsan talaga may pagka balahura ang bibig nya.Pasensya.

"Pa virgin masyado.Basta,I'll stay here kasi I know kailangan mo ng guidance lalo na first boyfriend mo sya."Tumayo sya at pinamaywangan pa ako."Plus sa sobrang gwapo nya sure ako na kaylangan mo ng shoulders to cry on."

Tumawa na ako ng malakas.
"Bitter!"

Naalala na naman nya siguro ang boyfriend nya.I mean,Ex-boyfriend na pala nya na pinagtaksilan ang kagandahan nya.

"Whatever.Akyat na ako sa room ko.Nytie"

May sarili kasi syang kwarto dito sa bahay ko.We've been friends since birth.Pinsan ko kasi sya at bestfriend narin.Simula ng mamatay ang mga magulang ko noong makapagtapos ako ng college ako na mag isa ang nakatira dito pero paminsan-minsan dito natutulog si Samantha at ngayon nga dito na talaga sya titira dahil lang may boyfriend na ako?Ay,fake boyfriend pala.

Nahintakutan ako bigla.Patay ako nito!kung dito na sya titira. . .Tumakbo ako papunta sa kwarto ko tapos agad ko'ng kinuha ang cellphone ko.Tinawagan ko si Bryan.Ilang ring lang at sinagot na nya agad.

"Why?"

"Kaylangan mo akong sunduin dito bukas ng umaga.Dito na nakatira sa bahay si Sam at kasalanan mo to kasi sinabi mo'ng boyfriend kitang halimaw ka!"

"Geez.Okey,see you tomorrow then"

At yun nga ang nangyari.Kaya heto ako ngayon maglalunch na naman kasama sya.Medyo nasasanay na nga ako sa kanya at hindi talaga to magandang senyales.Signos ito na magugunaw na ang mundo!Magugunaw talaga ang mundo ko pag nahulog ako sa kanya.Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng may kumatok sa pintuan.

"Doc, nandito na po si Sir Bryan."

"Okey,papasukin mo nalang Tes"
Si Tes ang secretary ko.Kahit hindi ko na mention kanina.Doctor po ako,hindi nga lang halata pero pediatrician ako.Si Sam rin doctor pero gynecologist sya.Kaya kahit dito sa trabaho kaylangan naming mag panggap.

Bumukas ang pinto at pumasok si Bryan na naka tux parin.Minsan ko nang naitanong yan sa kanya at sabi nya kailangan daw na naka tux or suit sya kasi CEO sya ng Crux Industries na pag aari ng pamilya nila.Hindi ko nga inakala na mayaman pala ang fake boyfriend ko.Pag sineswerte ka nga naman.Try nyong pumara sa pinagparahan ko ng taxi at baka swertehen rin kayo.Haha

Parati kasing masarap yung kinakain namin,mayaman daw sya eh kaya huthutan pa mooore!Biro lang.Minsan ako naman ang nagbabayad ng kinakain namin pag sa Jollibee kami kumakain.Mura eh,bakit ba?

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.Medyo nasanay narin ako.Naging habit na sya kasi araw-araw ba naman naming ginagawa.Hindi naman sya nagbago,gwapo parin sya at habang tumatagal parang lalo yata syang gumagwapo sa paningin ko.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.Hinawakan nya ang kamay ko at lumabas na kami ng opisina.

Papunta na kami sa parking lot ng bigla syang huminto sa paglalakad kaya napahinto narin ako.Humarap sya sa akin.

"Bakit?"

"May gagawin ka pa ba mamaya?"

"Wala na. Uuwi na ako sa bahay pagkatapos nating kumain.Weekend narin bukas kaya wala nang trabaho."

"Great"

Nagpatuloy na sya sa paglalakad pero binitiwan nya ang kamay ko at napasinghap ako ng humawak sya sa baywang ko.Ilang beses na naman nya yung nagagawa pero bakit ganito?ang lakas parin ng tibok ng puso ko?Oh no!Masama ito.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng nasa tapat na kami ng Lamborghini nya.Ilang sandali lang nasa driver's seat na sya at pinaharurot na ang sasakyan.

"Saan nga pala tayo maglalunch?Libre ko naman."

Ngumiwi sya."Sa Jollibee?No thanks"

"Ang arte nito!masarap kaya sa Jollibee.Sa Jollibee bida ang saya"

Uy, kinanta nya yung last part.Pero masarap naman talaga sa Jollibee maarte lang si Bryan.Favorite ko kaya ang Jollibee.

"Its my treat.Masaya rin naman sa kakainan natin"

"Hindi talaga sa Jollibee?"

"Hindi nga sabi!"

Humarap ako sa kanya at nag cross arms ako.Sumpungin talaga to'ng si Bryan.Minsan mabait naman sya pero kadalasan hindi.Lalo na pag ganitong kami lang dalawa.

"Sigaw agad?Saan nga sabi tayo kakain?Kay simple ng tanong ko Hindi no masagot.Nakakaembyerna!"

"Ang kulit kasi.Nahawa ka na sa mga pasyente mo"

"Saan tayo kakain?"

Bumuntong-hininga sya.Pag ganitong curious ako hindi talaga ako titigil tapos pagkain pa ang topic kaya mas lalo akong nagoglobe,go lang ng go!


"Sa bahay"

"Okey"

Missing PromiseWhere stories live. Discover now